"No, I'm not. Try it once and you'll know." napangisi na lang sya at napatingin sa bintana.

"Wait. Kailan ka pa natutong magdrive?"

"2 years ago?" muka atang nagulat ka sya. Napatingin sya eh.

"Talaga?"

"Oo nga. Bakit ba?"

"Wala lang." napatingin naman sya uli sa bintana. Weird?

~~~~~~~~~

Pagkatapos kung ihatid si So Nyeol, di muna ako umuwi. Pumunta muna ko sa Huendae. Beach yun. Gusto ko dun pagstress ako. One of my favorite places ko ang beach. Haha.

Pagkarating ko dun pinark ko agad ang kotse ko. Hindi muna ako lumabas ng kotse. Tiningnan ko muna ang view.

View lang naman talaga ang habol ko sa mga beach. Weird ko no? Paki nyo ba. De, joke lang. As I was saying, view lang naman talaga ang habol ko.

Bakit? Nakakarelax kasi. Tsaka tahimik din kung malayo ka sa beach. Maraming tao eh. Kung si So Nyeol hate ang tahimik ako gusto ko. Gusto ko laging mapag-isa. Gusto ko ako lang at walang epal.

Pero ng dumating ang dalawang maingay na babae. Ewan ko, bakit ako nakakatagal sa kanila. Pero at least, they understand and accept me for who I am. They respect me. Kung gusto ko ng tahimik. Tatahimik sila. Paggalit na nga lang ako.

Pero biruin mo? Anjan pa rin sila. Buo pa rin kami. Kahit ako nagtataka rin eh.

Binuksan ko ang bubong ng kotse ko at pumunta sa likod. At dun, dun ako umupo. Ramdam ko ang breeze ng hangin. Pero tama lang. Kita rin dito ang sunset. Ang ganda. Ito ang tipo ko. Sobrang ganda.

Pumikit na lang ako. Pinakikiramdaman ang hangin. Sobrang saya. Minsan, gusto ko na lang pumikit.

Muka man akong taong walang problema. Pero mali sila. Kinikimkim ko lang. Problema na nga, pro-problemahin mo pa. E di mas lalong naging problema. Ang solusyon lumilitaw na lang yan. Nagpapakita kung kailan na talaga kailangan. Kaya matuto kang maghintay. Patience lang.

Minulat ko ang mga mata ko. Pumunta ulit ako sa driver seat at binalik ulit ang roof. Lumabas rin ako ng kotse. Natagpuan ko na lang sarili ko na nasa beach na pala. Wala rin masyadong tao. Binitbit ko ang sapatos ko at nagsimulang maglakad.

Maya maya pa biglang umulan. Naks, naman. Perfect timing.

"Ba yan. First time ko na sana maglakad eh." bulong ko.

Babalik na sana ako sa kotse ko. Kaso di pa ko nakasampung hakbang, nadapa ako. Nice. Aatake na nga lang pagkaclumsy ko ngayon pa. Minsan na nga lang atakihin eh. Wala na basa na ko. Bas---- teka! Hindi naman. Inangat ko ang ulo at may payong.

"Tayo na jan." inalalayan naman nya ko tumayo.

"B.bakit ka nandito?"

"Kakauwi lang namin. Actually napadaan lang ako. Tapos nakita kita." ngumiti naman si Jin. Yup, you read it right. Si Jin ng BTS nandito at pinapayungan ako.

"Ah, ganun ba?" sabi ko. Napatingin na lang ako sa ibang direksyon. Na o-awkward-an ako eh.

"Wala ka pa palang sapatos." napatingin naman ako sa paa ko. Oo nga. Nakita ko naman syang nakangiti. Halaa! Anong nangyayari saken? Bakit ganto ako? Napapangiti rin ako. Halaa!

"Jin!" napalingon naman kami parehas. "Shine?" tanong nya habang papalapit samen.

"Oh? Jhope." sabat ko.

Loving Him (Jungkook / BTS Fanfiction) -REVISION- Where stories live. Discover now