Part 17 the confesion of Nites

29 1 0
                                    

Sabby POV

andito na ko ngayon sa bahay nila Nites binantayan ko sya. Napakasungit pala ng pusang robot na toh. Takot sa gamot ayaw pa nya aminin ehhhh, kesyo halata naman na.

Pano ba naman pag papasok ung maid tapos iaabot yung gamot, at sasabihin ko na uminom na sya, alam nyo ginagawa?

Nag-tutulog-tulugan lang naman. Kaya minsan natatawa ako sa kanya sa school napaka Tapang ng lalaking toh. Di mo akalain na takot sya sa gamot. At mahilig sya sa pusang robot na si Doraemon.

"Huy manang, iniisip mo dyan?"

"Ayyyy pusang robot na kinalbo" sabi ko sabay hawak sa dibdib. Eh ikaw ba naman gulatin habang nagpapantasya ka.

"Anong........ ako ba iniinis mo?" sabi nya sabay turo sa sarili nya

"Ay hindi po" sabi ko sabay hand gesture pa.

Nagring yung phone ko si Mama nag text pinapauwi na ko. Medyo gabi na kasi ehhhh

"Uy pusang Robot uwi na ko. Pinapauwi na ko ng Mama ko eh" sabi ko sabay lakad sa may pinto

"Hindi wag kang umuwi" sabi nya sabay tayo sa kama at habol sa akin. Bumilis naman tibok ng puso ko dahil sa ginawa nyang yun. Hinawakan ko sya sa noo at leeg mainit pa sya

"O sige di muna ako aalis matulog ka na" sabi ko at dinala na sya sa kama nya

"Salamat" sabi nya sabay pikit. Hinintay ko lang sya matulog at umuwi na di ako

*****************

Randy POV

Randy Villanueva in the house yow. May birthday party ngayon si Jilliane at invited kaming apat.

Oo nga pala linggo ngayon kaya walang pasok. Gabi na ng magsimula ang party ni Jilliane nandito na kaming apat. Pati si Sabby andito na rin

Parang di ko na ma-take ang panloloko ko kay Sabby ang totoo nyan minahal ko naman sya. Pero di sya katulad ng pagmamahal na nararamdaman ko kay Jilliane.

Oo tama kay Jilliane may gusto na ko sa kanya simula nung first year high school pa kami ang ganda nya sobra at ang galing nyang mag finger Tutt bilib ako sa kanya

"Randy ko!!" dinig ko na sigaw ni Sabby

"Oh Sabby ko si Nites nasan na di ba magkasama kayo?" sabi ko

"Ayy ewan ko humiwalay sya sa akin eh" sabi ni Sabby

"Sabby pwede ba pakihanap mo si Nites" sabi ko "May sasabihin lang ako sa kanya" sabi ko, pero ang totoo ayoko na makita nya na lalapitan ko ang kaibigan nya. Nag nod lang sya at umalis na sa paningin ko.

Sabby POV

Hinahanap ko ngayon si Nites nasan na kaya yung pusang Robot na yun. Pumasok ako sa loob ng bahay nila Jilliane ang laki nakaka-inggit naman

"Uy" narinig ko na sigaw ni Jillian sa akin

"Sabby" sigaw naman ni Barbie. Papalapit na sila sa akin

"Oh bakit nandito kayo sa loob? di ba dapat sa labas kayo? mas masaya dun di ba?" sabi ko

"Kami nga dapat ang magtanong nyan sayo eh, bakit ka nga pala andito?" sabi ni Jillian

"Ah hinahanap ko si Nites" sabi ko. Tinignan lang nila ako na curious ung muka nila "Kasi pinapahanap sya ni Randy" digtong ko

"Ahhhh oh sige labas na kami ahhh" sabi ni Barbie sabay takbo sa labas iniwan si Jillian sa loob

"Ay Sabby una na ko ahhhh....... hoy ikaw babae intayin mo ko" sabi ni Jillian sabay duro kay Barbie. Nakakatawa lang silang tignan

Habang naghahanap ako nakita ko ang isang pinto na bukas. Dumungaw ako dun at nakita ko si Nites na may hawak na panyo.

It's Started with a voiceWhere stories live. Discover now