Chapter 21

14.3K 259 6
                                    

Fire Alexandra POV

Magkasama lang kami ni Triev buong maghapon. Nanood kami ng mga movies at kumain ng kung ano-ano pa. Naglaro rin kami ng mga online games maging indoor at outdoor games. Sobrang nag- enjoy akong nakasama siya. Hindi ko nga inaasahan na sasabayan niya ako sa mga kabaliwan at kahyperan ko. Hindi ko rin inaasahan na mapapatawa at mapapangiti ko siya. Madami nga rin kaming selfie at picture sa phone namin.

"wife.. what are u thinking?" malamig niyang sabi. Inilingan ko siya at sinubsub ko ang mukha ko sa dibdib niyang matigas.

Nandito kami ngayon sa kwarto niya at katatapos lang ulit naming mag make love. 8:30 na rin ng gabi at sobrang pagod na pagod ako. Niyakap ko siya pabalik ng ipalibot niya ang isa niyang kamay sa maliit kong bewang at idinantay niya ang kanyang binti sa aking paa. Napapikit na ako dahil inaantok na talaga ako at di ko na rin narinig yung sinasabi ni Triev dahil hinila na ako ng antok.





Nagising ako nang maramdaman ko ang pagtama ng mainit na sinag ng araw sa aking mukha. Tumingin ako kay Triev na mahimbing parin ang tulog at mahigpit paring nakayakap sa akin. Hinaplos ko ang maamo niyang mukha at hinalikan ko siya sa noo.

Dahan dahan kong inalis ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko at ang mabigat niyang binti na naka dantay sa paa ko.

Maingat akong umalis sa kama at pinulot ko ang mga damit kong nasa sahig at isinuot muli ito. Tumingin ako sa orasan at 7:30 a.m na kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto at sinigurado kong naka lock ito bago ako tuluyang limisan.

Pumasok ako sa kwarto ko at dumeretso agad ako sa bathroom. Dali-dali akong naligo at nag ayos ng sarili.

~~After 1 hour~~

Natapos na ako sa paghahanda. Nakasuot ako ngayon ng black fitted skirt na above the knee yung pang opisina at puting turtle neck na sando at tinack-in ko ito saka tinernohan ko ng black blazer. Naka black heels ako at naka light make up lang ako. Hinayaan kong naka lugay ang buhok ko saka ko kinulot ang dulo nito.

Kinuha ko na ang bag ko at nagmadaling bumaba sa hagdan. Hmm... gising na kaya si Triev...

Dumeretso na ako sa kusina para magpaalam na dahil aalis na ako. Pagkarating ko ay nagulat ako ng makita ko si Triev na naka upo habang nagbabasa ng dyaryo at may kape sa harapan.

Nakasuot siya ng itim na slocks puting polo na may itim na neck tie at tinernohan niya ito ng itim na blazer.

Hindi na ako nag abalang lumapit sakanya at umupo dahil aalis na din naman ako. Tumikhim ako at napunta ang attensyon niya sa akin.

"a-ahh hubby.. maauuna na pala ako. Hindi na ako kakain dahil masyadong late na ako" pagkatapos kong sabihin iyon ay agad akong tumalikod at hindi na hinintay ang sasabihin niya.

Nakaka dalawang hakbang palamang ako ng bigla siyang nagsalita.

"come here and sit" malamig at maawtoridad niyang sabi. Napaharap naman ako sakanya at kinabahan ako ng tinignan niya ako ng masama.

"p-pero--" naputol ang sasabihin ko ng bigla ulit siyang magsalita...

"no buts wife.. ayokong nagpapalipas ka ng gutom" malamig niyang sabi at tumayo saka lumapit sa akin.

Hinila niya ako palapit sakanya at tinungo namin ang upuang inupuan niya kanina. Umupo siya doon at hindi na ako nagulat ng paupuin niya ako sa kandungan niya. Mukha na nga akong sanay na nakakandong sakanya dahil halos kandungin niya ako buong maghapon kahapon.

Inabot niya yung isang plato at nilagyan ito ng maraming kanin at ulam. Nagsandok na siya at sinimulan niya na akong subuan. Sinubo ko na ito at di na naginarte pa. Iisa na ngang kutsara ang gamit namin dahil yun din ang ginagamit niya tuwing susubo siya ng pagkain.

Dumekwatro ako kahit na nakakandong ako kay Triev. Eh sa gusto ko wala siyang magagawa. Inabot ko ang gatas sa gilid at ininom ko ito.

"wife sit properly" malamig at seryoso niyang sabi. Hindi ko siya pinansin at inagaw ang kutsara sakanya saka ako kumain.

Hinampas niya ng medyo malakas ang lap ko kaya napadaing ako at napatingin sakanya ng masama.

"I said sit properly. Your a girl and not a boy" malamig niyang sabi. Inirapan ko siya at binaba na lang ang paa kong naka dekwatro.  Sinubuan ko na lamang siya para maubos na namin yung pagkain sa plato.

Sobrang dami naman kasi ng inilagay niya. Hindi ko naman iyon mauubos mag-isa. Tsk!

Pagkatapos naming kumain ay inayos na namin ang sarili namin at nagpaalam na kay manang.

Nandito na kami sa may parking lot ng mansyon at nakahawak siya sa bewang ko.

"hubby doon na ako kay manong sasakay" sabi ko sakanya at tinuro ko si manong na naghihintay kanina pa. Tinignan niya ako ng masama kaya napaiwas ako ng tingin. Akala mo naman may sinabi akong masama. Tsk.

Wala rin akong nagawa ng lumapit kami sa sasakyan niya at pinagbuksan niya ako ng pinto. Pumasok na ako sa loob at di na nag reklamo. Hindi na ako nag-abalang magsuot ng seatbelt dahil hindi naman ako ang magmamaneho.

Nagulat ako ng biglang yumuko si Triev at nagkatapat ang mukha namin.

"always wear the seat belt wife" malamig niyang sabi. Tinanguan ko na lamang siya at sumandal sa upuan. Sinara na niya yung pinto at nakita kong lumapit siya kay manong at may sinabi siya rito. Pagkatapos ay lumapit na siya dito sa kotse niya at dumeretso sa driver's seat. Iniandar na niya yung kotse at nilisan na namin ang mansyon.

Medyo mabilis siyang magpatakbo kaya binuksan ko ang bintana at humampas sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin.

Nilabas ko yung phone at headset ko saka ako nagpatugtog. Hinayaan ko lang na naka bukas yung bintana dahil sobrang sarap sa feeling nung hangin.

Napatingin ako kay Triev ng hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa lap ko. Nilingon niya ako ng bahagya at nginitian. Napailing na lamang ako at napangiti rin. Sumandal na lamang ako sa balikat ni Triev habang sumasabay ako sa kanta.

"your good at singing huh" nakangisi niyang sabi.

"ofcourse ako pa" pagyayabang ko pa^_^

Napailing na lamang siya at nagfocus na sa pagmamaneho.

Hayyy... sana maging maganda tong araw na'to. Pakiramdam ko kasi may mangyayaring di maganda.

______________________________________

Hello beloved readers!^_^

Pasensya na po sa wrong grammars, typos at spelling.

Pls. Do vote and comment your thoughts about this story.

Thank u po(~_^)

My Cold Hearted Husband {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon