Chapter 26

13.2K 235 2
                                    

Triev Thunder POV

Mahimbing na ang tulog ni Fire sa mga bisig ko at kasalukuyan ko siyang pinagmamasdan.  I always do this everytime she fell asleep.  Lagi ko siyang pinagmamasdan at kahit kailan di ako magsasawa na gawin ito.

Biglang tumunog yung cellphone ko.  Tinignan ko ang oras at eleven p. m na pala.  Inabot ko ang cellphone ko sa side table at sinagot ang tawag. 

'boss nahuli po namin ang dalawang lalake na nagpasabog sa isa niyong companya.  Nasa torture room po kami' seryosong sabi ni Macky.

'ok.  I'll be there' sagot ko at agad na pinatay ang tawag.  Dahan dahan kong inalis ang ulo ni Fire sa braso ko. Gumalaw ito ng unti kaya hindi muna ako tumayo.  Nang masiguro kong hindi siya gising ay dahan dahan akong tumayo ay kinumutan ko siya.

Pumasok ako sa walk in closet ko at nagbihis na.  Pagkatapos ay kinuha ko lamang ang susi at cellphone ko saka ako lumapit muli kay Fire at hinalikan siya sa noo.

Lumabas na ako ng kwarto namin at sinigurado kong naka lock ito.  Lumabas na ako ng mansyon at agad na nagpunta sa garage.  Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar na ito papuntang hideout.

Pagkarating ko dito ay agad kong pinarada ang kotse ko at pumasok na sa loob ng secret elevator. Nagsiyukuan naman ang mga men in black na nakakasalubong at nadadaanan ko.  Dumeretso na ako sa torture room dito at nakita ko sa loob ang Black Phoenix at ang dalawang lalake na nakagapos at bugbog sarado.
Umupo ako sa gitna at sinindian ang sigarilyo ko.  Dumekwatro ako at tinignan ang dalawang lalakeng ito.  May tattoo sila sa leeg which is isang ahas na may kulay pulang bilog.  Red Circles. Napangisi ako at bumiga ng usok.

"Hayop kayo!  pakawalan ninyo kami! " sigaw nung isang lalake habang masamang nalatingin sa akin.

"akala niyo natatakot kami sayo!  mali ka! " sigaw naman ng isa at dinuraan ako.  Dumilim bigla ang paningin ko at agad kong inabot ang baril at binaril siya sa ulo.

"wanna talk" malamig kong sabi.  Nakita ko naman kung paano mamutla ang lalakeng natira na lamang.

"Ano ang plano ni Robert" malamig kong sabi sakanya.

"hindi ko sasabihin sayo! " sigaw niya sa akin at nagpumiglas. Napangisi ako at kinasa ang baril.  Mas lalo itong namutla at nanginig sa takot.

"sasabihin mo...  o pati pamilya mo madadamay" nakangisi kong sabi.

"hayop ka talaga Hontiveros!  hwag mong idamay ang pamilya ko! " sigaw niya at mas lalong nagpumiglas.
"Hindi ko sila idadamay.... kung sasabihin mo kung ano ang pakay at plano ni Robert' malamig kong sabi.

"h-hindi ko alam lung kailan nila isasagawa ang plano pero ang a-alam ko lamang ay ipapakidnap nila ang asawa mo at papahirapan muna bago mangyari ang mafia war" nanginginig niyang sabi.  Biglang dumilim ulit ang aking paningin at binaril ko siya sa ulo.

"clean this mess" utos ko sakanila at lumabas sa hideout.  Tinapon ko ang sigarilyo ko at tinapakan iyon.  Mabilis akong sumakay sa kotse ko at agad itong pinaandar patungong mansyon.

Pagkarating ko ay agad kong pinarada ang kotse sa garage at pumasok na sa loob.  Tumaas na ako sa hagdan at dumeretso sa kwarto ko.  Naabutan ko si Fire na mahimbing na nakatulog habang nakadapa. Agad akong pumasok sa walk in closet at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay agad akong lumabas sa closet at lumapit sa kama.  Inayos ko ang pagkakahiga niya at niyakap ko ang maliit niyang bewang at pinatong ang binti sa binti niya. Hinalikan ko siya sa noo at isinubsub ko ang mukha ko sa leeg niyang medyo pawisan. 

My Cold Hearted Husband {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon