Chapter 2 - The Lethal Combination Part 2

7 3 0
                                        

Hindi nga ako nagkamali. Dumating si Inspector Conrad, ang ka-batch ni Kuya Sherwin na nagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA). Hindi nito matanggap na may mga taong mas magaling sa kanya lalung lalo na si Kuya. Kaya sa halip na bigyan ng papuri sa maagap na pagtawag sa kanila ay nasermonan pa kami ng sangkaterba.

"Bakit nandito na naman kayo, mga bata?" tanong niya sa amin with matching taas kilay at pandidilat pa ng mga mata. "Hindi ito playground ng mga detective na nagro-role playing. Tumaas lang pala ang presyon nung tao, magrereport agad kayo? Marami kaming kasong kailangan tutukan kaysa itong report niyo na 'to," singhal sa amin ng matabang pulis.

"Tama na yan, Conrad. Mabuti nga na nagreport sila para malaman natin ang buong detalye sa death threat ni Angel," pagtatanggol ni Senior Inspector Aguire.

Salamat talaga Sir. Huhuhu

"Sir, wala naman kasing lason na na-trace sa mga kinakain nila lalo na sa kinakain ni Angel. Sa mga gamit at kahit sa initial test na ginawa sa kanya. Na-alta presyon lang 'yong tao. Sino ba naman ang mahihimatay sa 200 over 160 na bp? Malamang prank lang ng mga anti-fans niya ang death threat na yan," patuloy ni Sir Conrad.

"We don't make assumptions, here, Conrad. We investigate and gather facts. At iyon ang tatandaan mo. The job of a police is not just to investigate crime but also to prevent one. Hihintayin pa ba natin na may mangyari sa kanya bago tayo kumilos? At baka nakakalimutan mo na itong mga batang ito ang nakalutas ng QWERTY serial murder case? Puntahan mo na lang ang lab. Sabihin mo, kailangan natin nung printed report nila ng blood tests."

Tumahimik siya pagkatapos marinig ang argumento ni Sir Aguire. Mabuti na lang nandito ito kundi malamang ay hindi na matatapos ang sermon niya.

Nasa ganoong kalagayan kami nang may dalawang babae ang dumating sa kuwarto sa Chinese General hospital na pinagdalhan kay Miss Angel. Sila Alice Villaluz at Attorney Lian Revale ang dumating. Bakas sa kanilang mukha ang pag-aalala.

"Mabuti pa lumabas na muna tayo dito habang hindi pa siya nagigising. Doon tayo sa kabilang kuwarto. Kailangan ko ang mga statement niyo," matigas na pahayag ng matandang pulis sa amin.

Sa isang conference room kami pumunta kasama ang lahat samantalang may dalawang pulis ang naiwan sa kuwarto ng kliyente namin na hindi pa rin gumigising. Sa loob ay inilabas muna nito ang death threat na ibinigay ko kanina habang kami ay nakaupo sa pahabang upuan.

"Para sa kaalaman ng lahat kaya kami nandito ay dahil may gustong pumatay kay Angel dahil sa death threat na ito. May alam ba kayo na may motibo para gawin ito sa kanya?" panimula ni Sir Aguire.

Ito ang mga naging pahayag nila habang nakikinig kami sa mga nakatatanda.

RICHARD ANDRADA: (With American accent.) I thought she just collapsed. But now, someone's gonna kill her? If someone has a motive, I have one in my mind. Napagalitan nga siya ni Angel kanina.

ALICE VILLALUZ (PERSONAL ASSISTANT): Napakababaw naman po siguro Sir Richard kung papatayin ko siya dahil sa palagi niya akong napapagalitan. At saka sa sobrang dami ng gagawin at iniisip ko magagawa ko pa bang isingit sa schedule ko yan? Kung meron sigurong motibo para pagtangkaan ang buhay niya ay kayo 'yon. Kayo ang natitirang pamilya niya kaya kapag namatay siya mapapasainyo ang kayamanan ng Papa niya na ipinamana sa kanya.

OSCAR ANDRADA: (Halata sa boses ang Chinese accent sa pag-iingles) Wag mo lagyan malisya pamilya ko, Alice. Baka ikaw kalimot, kami pasok sayo para ikaw merong trabaho ngayon.

DINO LLORENTE (MANAGER/DRIVER): Wag niyo pagsalitaan nang ganyan si Alice, Sir Oscar. Parang hindi namin alam na matagal niyo nang pinipilit si Angel na mag-invest sa kompanya ninyo gamit ang mga shares na minana niya sa kanyang ama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Part-Time DetectivesWhere stories live. Discover now