Chapter 1 - The Lethal Combination Part 1

15 2 0
                                    

Minsan, merong kombinasyon na talagang bagay pero meron ding mga bagay na kapag ginawang kombinasyon ay nagiging "a combination to die for".

Mycroft Building. Sampaloc, Manila. 7:30 am. Saturday.

Nasa harapan ako ng main server computer nang lumabas si Papa mula sa kabilang kuwarto at nilagay niya ang isang folder sa harapan ko. "Ang bago niyong kaso?"

Agad na lumapit sa table ko sina Thirteen at Doyle na parehas na galing sa magkatabing cubicle ng computer ng aming internet shop nang marinig ang sinabi ni Papa. Agad ko ring nai-minimize ang tab ng computer.

Muntik na!

Oo na. Mali na ang ginagawa ko. Pero ako na ang avid fan at dakilang stalker ng sarili kong mga kaibigan na biniyayaan pagdating sa deductive reasoning. Palagi kasi akong naku-curious kung paano sila naging magaling sa deduction. Madalas kong tinitingnan ang kanilang research history at ang bawat page na kanilang binubuksan. Ang galing kasi nila samantalang ako, nganga. Tutal, ako naman ang may hawak ng server ng computer shop namin, pero kailanman hindi ko ginawang i-hack ang kanilang social media accounts. Promise!

Sa patuloy kong pag-iistalk sa kanila ay narealize kong sobrang magkaiba ang personality nilang dalawa. Si Doyle ay puro current events, pagkain, celebrity at mga memes ang binuksang page samantalang si Thirteen naman ay tungkol sa space, chemical combinations, physics, Lucas Numbers, at mga page na nagmistula akong nonreader dahil hindi ko na mabasa nang maayos at di ko maintindihan ang alien language na nandoon. Ay ewan! Ang page lang na parehas nilang binuksan ay ang isang streaming site na merong bagong episodes ng anime na Detective Conan.

"Yes! May kliyente na naman tayo," excited na sabi ni Doyle na may kasama pang action ala Power Rangers.

Well, sa pangalan pa lang ni Doyle ay talagang mapapatanong ang sinumang Sherlockian kung isinunod ba ito sa pangalan ng creator ni Sherlock Holmes na si Arthur Conan Doyle. No'ng tinanong ko siya tungkol dito, tuwang-tuwa siya dahil bihira lang daw ang nakakaalam ng pangalan ng nasabing writer.

Hindi na nakapagtataka sa akin dahil fan ang kuya ko ni Sherlock Holmes kaya alam ko rin ito. Kaya nga pangalan ko ay Irene dahil ang kuya Sherwin ko ang nagpangalan sa akin no'ng ipinanganak ako.

Pero bago pa humaba ang pagsasalaysay ko at baka mapunta tayo sa Maalala Mo Kaya o Magpakailanman ay ititigil ko muna ito. Mawawalan na kasi ng element of surprise ang kuwento ko sa inyo tungkol sa aming adventures.

"Hindi ka naman masyadong excited, Doyle," pahayag ni Thirteen na kinuha ang upuan at umupo sa harapan ng lamesa ko.

Ganundin itong si Thirteen. Itinanong ko sa kanya kung saan galing ang pangalan niya. "Hindi ko alam" ang isinagot niya na sinabayan pa ng kibit-balikat. Kung hindi ko lang 'to kaibigan malamang nahampas ko na 'to ng yantok na gamit ko sa pag-aarnis. Pa-mysterious effect pa kunyari at wala man lang kagana-ganang kausap dahil super seryoso!

"Hindi mo ba nararamdaman ang kakaibang thrill kapag may kliyente tayo, Mr. Poker Face?" pang-aasar ni Doyle.

Hindi siya pinansin ni Thirteen. Sa halip ay binuksan nito ang puting folder. Sa loob ng folder ay may nalaglag na litrato.

"Nariyan sa loob ang address niya. Artista ang kliyente natin. Kaya tayo ang kinontak niya para hindi makaapekto sa imahe niya," paalala sa amin ni Papa bago bumalik sa opisina niya.

Nasa 2nd floor hanggang 7th floor ng Mycroft building ang opisina ng Private I, in short PI (pronounced as pi, ung 3.1415... sa Math). Ito ang nangungunang private investigations agency sa bansa. May gym, training room, Private I Academy at kumpletong facility para sa detective. Pero hindi lahat ng tao ay basta-basta nakakapasok bilang isang detective ng pi, pinipili sila ng aking ama at ng kanyang dalawang partner sa pamamagitan ng series of tests. At pagkatapos noon ay sinasanay sa loob ng academy ng apat na taon o higit pa ng mga personnel galing sa PNP-SAF, NBI, at AFP bilang mga instructors.

The Part-Time DetectivesWhere stories live. Discover now