💕 NOBODY'S BETTER 37 💕

Start from the beginning
                                        

“Bakit daw po ‘te?”

“Hindi ko alam basta sinabi niya lang sa akin kapag nakita daw kita, pumunta ka daw doon sa tagpuan niyo. Naghihintay siya don.” Tumango naman ako sa sinabi ni ate Resse.

“Sana all may naghihintay!” rinig kong asar sa akin ni Momo dahilan para batukan ko siya.

“ARAAAAYYYYY ko naman beshywap!” ngiwi niya.

“Buti ‘yan sa’yo! Tara nang magbihis! Hinihintay na ko ni Kelso.”

“Saglit lang naman ahhh! Di ko pa nahahanap damit ko! Excited much!” napa roll eyes naman ako sa kanya habang hinihintay siyang mahanap ‘yong damit niya. Nang mahanap na niya ay agad kaming nagpaalam kay ate Resse at dumiretso ng C.R.

❌❌❌

Nang nakapagbihis na kami ay bumalik na kami sa classroom. Natagalan nga kami sa pagbibihis kasi daldal ng daldal ‘tong kasama ko. Iniisip ko nga si Kelso doon, baka kanina pa siya naghihintay kaya ang ginawa ko, sinamahan ko nang magbihis si Momo para mabilis. Tagal kasi eh! Pagdating naman namin sa classroom ay kakarating din nila Cela at Diana kaya nagkwentuhan pa kami saglit bago ako magpaalam sa kanila na pupuntahan si Kelso. Noong una, gusto pang sumama si Momo sa akin kaya lang hinila na siya pauwi nila ate Resse, Cela at Diana kaya ayon, no choice siya kundi umuwi. Naguguilty nga ko eh kasi wala na kaming bonding time na magkakasama. Lagi ko na kasing inuuna si Kelso kaya narealize ko din ang burden na binubuhat ni Cela.

Pagdating ko don, nakita ko si Kelso na naglalaro sa cellphone niya. Feeling ko nag momobile legends ‘to eh. Hinahayaan ko lang siyang maglaro ng ganyang laro basta hayaan din niya kong maging fan girl. Hehehe!

“Kelso! Kanina ka pa ba dito?” tanong ko sa kanya pagkaupong pagkaupo ko sa tabi niya.

“Hindi naman.” Sagot niya. “Ano ‘yang nilalaro mo kanina? Mobile Legends?” tanong ko habang nakamasid sa cellphone niya. Naka pause pa kasi ‘yong laro kasi ‘di siya makalaro dahil kausap niya ko.

“Yeah. Galit ka ba?” napa kunot noo naman ako sa tanong niya.

“Galit saan?” tanong ko din. Minsan, magulo kausap si Kelso o sadyang slow lang ang utak kong iprocess ang sinasabi niya. HIHI!

“Galit ka kasi naglalaro ako ng Mobile Legends.” Sagot niya para mapatawa ako ng kaunti. “Bakit naman ako magagalit kung ‘yan ‘yong isa sa nagpapasaya sa’yo. Di ba sabi mo sa akin susuportahan mo ko sa lahat ng gusto kong gawin, at ganoon din naman ako. Susuportahan ko lahat ng gusto mo, lahat ng habit mo, lahat ng bagay na interesado ka basta huwag mo lang makalimutan na may gf ka kundi masasapak kita.” Tumango naman siya.

“Nga pala, bakit tayo nandito? May gagawin ba tayo?” nagtataka kong tanong.

“May sasabihin lang ako Anae.” Napakunot noo naman ako. “Ano naman ‘yon?”

“Libre ka ba sa Friday?”

“Friday? Ummmm… wala naman na kaming gagawin ngayong week kasi ‘di ba last week na natin ngayong October tapos sembreak na kaya yeah. Libre ako. Hehe! Bakit ah?” mahabang sagot ko sa tanong niya.

“Ang section kasi namin ay may fair. Mag invite daw kami ng iba pang mga students kasi parte ‘yon ng fair naming kaya ayon, gusto sana kitang imbitahin. Okay ba sa’yo?” sagot niya. Masayang tumango naman ako sa sinabi niya. Matagal tagal na din kasing nagkaroon ng mga fair ang ibang section. Sa amin kasi wala kaming ganoon kaya excited ako na dumalo sa fair nila Kelso. Especially, fair nila ‘yon eh! Dapat nandon ako! Taga support!

“Pwede ko bang isama ‘yong mga kaibigan ko.”

“Sure. Libre lahat pumunta.”

“Talaga?”

“Yeah.”

“Nga pala Kelso, salamat pala kanina ah.” Wika ko sa kanya habang naglalakad na kami pauwi.

“Para saan?” tanong niya. “Kasi kong ‘di mo ko pinuntahan kanina sa may library baka ‘di magiging successful ‘yong defense namin.”

Wala ‘yon. Ganoon naman talaga ang role ng bf di ba? Ang suportahan at tulungan ang gf niya kapag ‘di na niya kaya. Kaya anae, always remember, I am not just your bf. I am also your friend, brother and your source of strength. I am always here for you through ups and downs, happiness nor even you're sadness. I will be your helpmeet 'till the very end.” Napatango naman ako habang nakangiti sa narinig ko kasi tama naman siya sa sinabi niya eh. Tamang tama.

Masaya ako sa nangyari ngayong araw though medyo nakakakaba pero as long as nandyan lang siya sa tabi ko ay magiging maayos na ang lahat kasi alam ko na may kasama ako sa bawat laban, problema at ano pa man na maeexperience ko. As long as nandyan siya sa tabi ko magiging ayos na ang lahat.

❌❌❌

Hi Blexxies! This Chapter is the last chapter that I wrote for this year. So basically, This story is now On-Hold. Hope you'll understand and still support it. :>

Xoxo,
~ Blexxydust

NOBODY'S BETTERWhere stories live. Discover now