“Yeah, sinabi nga niya sa akin. Sorry kung ‘di man lang kita nacontact ngayong araw. Sobrang busy kasi tsaka kinakabahan ako dahil sa defense kaya pasensiya na.”
Napangiti naman siya sabay iling. “Okay lang anae. It’s your duty na mag-aral. Taga support lang ako sa mga ginagawa mo.” Napangiti naman ako.
Ilang minuto ang nakalipas at nandito pa kami ni Kelso sa labas at nagkwekwentuhan. Di ko nga namamalayan na hindi na ko masyadong kinakabahan dahil sa defense na ‘yan.
“Ah anae, tapos na ang break time namin. May klase na ko. Galingan mo ah! Alam ko kaya mo ‘yan. Basta kapag kinakabahan ka na o namemental block isipin mo lang ako.” Tumango naman ako sa sinabi niya. Hinalikan niya ko sa pisnge bago umalis. Ngayon ‘di na ko masyadong kinakabahan. Nakuha ko na kasi iyong source of strength ko eh! Si Kelso.
❌❌❌
Tapos na ang turn namin. Naging successful naman ang lahat. Nagustuhan ng panel of judges ‘yong research paper namin. Though madaming tanong ang ibinato sa amin ay maayos naman namin itong nasagutan.
“Nice job guys!” sabi ko sa mga kagrupo ko pagkalabas na pagkalabas namin sa room na ‘yon. Masayang masaya din ang mga kagrupo ko na nagreply sa sinabi ko.
“Waaahhh! Buti na lang at tapos na! Di na tayo maiistress!” rinig kong sigaw ni Momo dahilan para mapatawa naman kami lahat sa sinabi niya. Pagkatapos ng masayang batian ay napag-isip namin na bumalik na sa classroom namin. Nandoon na rin kasi ‘yong iba pa naming kaklase na nauna ng matapos sa defense.
“Besseu, samahan mo kong magbihis ah.” Sabi ko kay Momo habang naglalakad papuntang classroom.
“Ne! Baka nakapagbihis na rin sila ate Resse eh.” Rinig kong sagot niya.
Pagdating namin sa classroom ay medyo wala ng tao. Wala na rin kasi kaming pasok pagkatapos ng defense. Pumasok lang talaga kami para magdefense. Nadatnan na lang namin si ate Resse na busy sa cellphone niya. Di pa niya napansin ang presence namin.
“ATEEEEE REEESSSSEEEE!!!!!” sigaw ni Momo dahilan para mabitawan ni ate Resse ang cellphone niya sa gulat. Buti na lang at nahulog ‘to sa lap niya.
“Bakit! Nakakagulat ka naman!” sabi naman ni ate Resse. Napa peace sign lang si Momo samantalang ako ay dumiretso na sa upuan ko.
“Kamusta ang defense niyo ‘te?” rinig kong tanong ni Momo kay ate Resse. Nakikinig lang ako dito sa isang tabi habang hinahanap ang aking damit.
“Ayon, ang daming tinanong sa amin pero kahit papaano, nasagutan naman namin. Nga pala Keisha, hinahanap ka ni Kelso.” Ang sabi ni ate Resse dahilan para huminto ako sa ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Teen FictionNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...
💕 NOBODY'S BETTER 37 💕
Magsimula sa umpisa
