Teaser

26.9K 451 18
                                    

First upload:  October 4, 2014

**********

A/N:  Bago ang lahat, nais ko uling magpasalamat sa inyong lahat dahil sa mainit nyong pagsuporta sa The Jilted Bride.  I can never thank you enough. Kaya bilang pasasalamat, nais ko naman kayong handugan ng panibagong nobela ng pag-ibig na hango sa mga characters sa TJB. 

Noong una, medyo nag-aatubili ako sa suggestions nyo na bigyan ng sarili niyang istorya si Dad. Papanong hindi ako magiging hesitant? Dad - Phil Thorpe is not your typical Prince Charming. Hindi na kasi bata si Dad o sa mas prangkang salita, gurang na siya. LOL.  Naisip ko na baka hindi ito papatok dahil karamihan sa mga nandito ay mga tinedyers. But just the same, I want to make Dad's fans happy.  :)  Para ito sa inyo. Sana magustuhan nyo.


**********

Never kong inisip na I'll be attracted to a foreigner.  Marami na rin kasi akong nakilalang banyaga dahil popular ang bayan namin sa mga turista, pero ni isa man sa kanila ay walang nakapukaw sa natutulog kong puso.  Hindi kasi ako ang tipo na nangangarap tumira sa ibang bansa. Kontento na akong mamuhay at tumanda sa Vigan, Ilocus Sur. 

Akala ng mga tao dahil kuwarenta na ako'y susugal na lang ako basta-basta kahit kaninong lalaki basta maiahon lang ako sa kinasadlakan kong old maid world. Kaya maraming nangahas na masungkit ang matamis at mangasim-ngasim kong 'oo'.  Kahit nga si Damian na kilalang bading sa lugar namin ay sumugal din at umasang papatulan ko siya ngayong naghahabol na lang ako sa huling biyahe. Pero ang lagi kong sinasabi sa kanila, I'm not settling just to settle down.  Mas mabuti pang tumandang dalaga kaysa habang buhay na makisama sa lalaking hindi ko naman kayang harapin sa pagtulog.

Tanggap ko na ang kapalaran ko. Alam kong tatanda akong mag-isa. Until one day... 

- Laura Zaldivar

A/N:  Dad's story will be told from Aunt Laura's perspective.  Hindi na ako magtatangkang magsulat sa perspektibo ng lalaki. Baka magmistulang bading pa ang dating ni Dad. Hehehe...

IT'S NEVER TOO LATE (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon