FFTG: Chapter 52

58.4K 1K 126
                                    

COMMENTS PLUS VOTES. 

============================

-CHAPTER 52-

Kathryn's POV: 

“Ano sabe ng doctor?” Salubong ni Dj saakin pag labas ko ng hospital.

Sinamahan niya ko magpa-check up. Lumunok ako.

“T-the usual.” Sabe ko na lang.

Kumunot yung noo niya. Hindi siya naniniwala.

“Yun lang?”

Tumango ako. Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya. Nag drive lang siya, hindi ko alam kung saan. Sabe niya date daw kame, eh.

Pero, ang sabe ng doctor… hindi naman daw lumala pa yung sakit ko. Ganon pa din daw. Pero hindi ‘rin daw gumagaling. Magru-run daw sila ng tests para sa mga gamut na mas matataas para saakin. Baka daw kasi di na sapat ang dosage na iniinom ko. Nagalit din si Doc kasi nalaman niyang nastre-stress daw ako at minsa’y nakakalimot pang uminom ng gamut. Sinabe pa nga niyang, makakatulong ang boyfriend pero grabe din daw ang magiging epekto nito ‘pag nag away o naghiwalay kame.

Nilingon ko ang boyfriend ko. Hindi ko alam kung gaano pa katagal ang buhay ko. Sana matagal pa. Ngumiti na lang ako ng malungkot at tumingin na sa gilid ko. Pinunasan ko ng pasimple ang luha kong nakatakas sa mata ko. You’re not gonna cry, Kath. That’s bad for your health. Too strong emotions and feelings, bawal.

“Ba’t tayo nandito?” I asked him no’ng na-realize ko na nakapark kame sa isang park. Malawak na park.

May mga batang naglalaro, matatanda, teenagers, madameng nandito at naglalaro ng kung ano ano.

“Sariwang hangin saka di ganoon ka-crowded kahit medyo madameng tao. Hehe.” 

Tumango ako at hinintay siyang pagbuksan ako. Lumabas kame ng magka-holding hands. Napansin kong sa kaliwa niyang kamay ay may hawak siyang helmet at skateboard. Pero isa lang yung helmet pati skateboard.

Umupo kame sa isang bench at sinuot niya yung helmet sakanya. Aba, siya lang mag skateboard, ganon?

“Hoy, anong gagawin ko?” sabe ko.

Naintindihan niya yung tanong ko saka hinalikan yung noo ko.

“I asked your bestfriend kung bawal ka ba mag walking pero sabe ni Julia okay naman daw ‘yon as long as normal na walking lang. No running, Kath, okay? And sorry b-bawal kasi sayo ang skateboard.”

Umiwas ako ng tingin at ngumiti. This is exactly the reason kung bakit ayokong malaman niya na may sakit ako. Hah, pati s’ya nakikisama na sa mga bawal bawal.

Falling for the gangster. (KathNiel fanfic)Where stories live. Discover now