FFTG: Chapter 43

111K 1.6K 297
                                    

Hello, na-miss nyo ko? o yung update ko lang? HAHAHAHAHA.
Dedicated to ItsMeTheFanGirl

ComVo.

================================

-CHAPTER 43-

Kathryn's POV: 

*ring ring*

Parang kakapikit ko palang, ah. Kahit antok na antok pa ‘ko, kinuha ko yung phone ko at sinagot yung tawag na walang tingin tingin.

“Hell—o?” malat na sagot ko sa tumatawag.

“Kath?”

Napadilat ako sa boses na ’yon.

“Daniel...” napangiti pa ’ko.

“I miss you.”

Napatawa ako ng mahina bago sumagot, “Kanina pa tayo magkausap, eh? Anong oras na ba?” tanong ko at pumikit.

“5 am.” sagot niya at na-imagine ko siyang napapangiti pa.

Napa buntong hininga ako. This is so unhealthy for me. Pero para sakanya ginagawa ko.

“Simula 9pm hanggang 3am, magkausap tayo… ano ka ba.”

“Eh sa sobrang saya ko hindi ako makatulog.”

Natawa ako at napapikit ulit. Inaantok talaga ’ko. Siguro, sa sobrang pagod antok na antok ako’t nanlalata.

“Kaaaaaath. Tulog ka na?”

“Hmmm...” ungol nalang naisagot ko sa antok na antok pa rin talaga ko.

“Hay. Sige na nga, matulog ka muna. Sweet dreams, babe. I love you.” Tapos napangiti nalang ako at nakatulog na.

~~*

Pagdilat ko maliwanag na. Ano na kayang oras? Napatingin ako sa cellphone ko na nasa mukha ko pa, natawa ako. Napakunot ako... omg! Ka—kausap ko si Daniel nung 5! Tsk. Nakatulugan ko pa!

Pagtingin ko sa oras, 10am. Ayan, nagagawa ng sobrang pagpupuyat.

“Kathryn?”

Napatingin ako sa pinto ko dahil sa kumatok. Nagkusot kusot ako ng mukha saka bumangon para buksan yung pinto.

Falling for the gangster. (KathNiel fanfic)Where stories live. Discover now