Part 6

31.2K 793 24
                                    


SINUBUKANG ngumiti ni Amber kay Ericka ngunit isang matipid na tango lamang ang ibinigay nito sa kanya. Nang may lumapit ditong isang waiter ay natanto niyang nagtatrabaho ito sa Sunglo, mataas siguro ang katungkulan doon dahil hindi ito nakauniporme.

Paglabas niya ng restaurant ay naisipan niyang maglakad-lakad sa palibot ng magandang resort. At nang madako siya sa swimming area ay nagulat siya't may tumawag ng kanyang pangalan. Nang lingunin niya ito ay napangiti siya. Si Donabelle Celeste, ang mommy ni Ken.

Excited siyang lumapit sa kinauupuan nitong lounge chair. Naka-one piece swimsuit ito ng bulaklakin at may maliit na skirt. Maganda pa rin ang katawan kahit nasa late fifties na ito. Mukha lamang forty years old ang ginang.

Tumayo si Donabelle nang makalapit siya dito ng may limang dipa. Tuwang-tuwang sinalubong siya nito ng yakap. "Oh, iha! Look at you, halos hindi na kita nakilala!" bulalas nito.

"Halos hindi ko rin ho kayo nakilala, Tita. Ang sexy niyo pa rin," tuwang-tuwang sabi niya.

"Are you staying here? What brought you here at Tierra Roja?

Magkasunod na tanong nito saka inakay siya nito sa lounge chair at magkatabi silang naupo.

Nagkamustahan silang dalawa ni Donabelle at napatagal ang pagkukuwentuhan nila. Hanggang sa matanaw niyang kausap ni Ken si Ericka sa harapan ng clubhouse. Parang may ngumatngat sa kanyang dibdib sa tagpong iyon. Kaya ba nandito si Ken sa Sunglo dahil kay Ericka? May ugnayan na ba ang dalawa? Pero ang sabi ng ina nito ay wala itong alam na nobya o nililigawan ang bunsong anak.

"Nagkita na ba kayo ni Kenobi?" pakli ni Donabelle sa kanya.

"Ahm, yes, Tita, kahapon," sagot niya sabay bawi ng tingin mula sa lalaki.

Kinawayan ni Donabelle si Ken nang wala na si Ericka na kausap nito. Pinapalapit nito ang anak. At sa buong pagkakataong naglalakad si Ken palapit sa swimming area ay nakapako ang mga mata nito kay Amber.

Watching him walking under the broad daylight was a magnificent sight. Napaka-confident ng lakad nito, walang pakialam sa paligid. And when he slowly moistened his upper lip in his mouth... Sapat na iyon upang mataranta sa kinauupuan si Amber. Paano ba niya makakalimutan ang mga labing iyon na sumagi sa sulok ng kanyang bibig kaninang umaga lang? Niyanig ni Kenobi Celeste ang kanyang buong mundo. Nagising tuloy nang bongga ang aantok-antok pang kamalayan niya kanina.

Humalik si Ken sa pisngi ng ina nang tuluyang makalapit. "Nag-lunch ka na ba?" sita ni Donabelle sa anak.

"Papunta po ako restaurant nang tawagin niyo ako dito," tugon ni Ken dito. "Bakit po kayo nandito?"

"Naiinitan ako kaya nagpasya akong mag-swimming ngayon. Niyaya ko

ang Daddy at Kuya mo, pero susunod na lang daw sila mamaya kasama si Payne." Tumayo na si Donabelle. "Nagugutom na ako, halina kayong dalawa," yaya nito kina Ken at Amber. Mabilis itong nagsuot ng sarong sa katawan.

"Kumain na po ako, Tita," nakangiting tanggi naman ni Amber.

"Ah, okay. Hanggang kelan ka pala dito, iha?"

Napatingin siya kay Ken na tila naghihintay din ng sagot niya sa tanong na iyon ng ina nito. "Ahm, hindi ko pa po alam. Hihintayin ko pa kasi dito ang kasama kong mag-i-scout ng area dito para sa bagong sales branch ng CalMed."

"That's good to hear!" excited na ani Donabelle. "You know what, we have this Sunday lunch thingy as a family. Kumakain kami ng lunch together, at bukas ay sa bahay kami ni Lantis. Can I invite you over? Sabay ka na lang dito kay Ken."

Dreamlovers: Kenobi and Amber  (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon