Panay ang linga ko sa paligid upang at mariin ko ding pinapakinggan ang yabag na papalapit sa kinaroroonan namin.

Naramdaman kong malapit na siya. Kaya naalarma ako. At inilabas ang espada na dala ko. Ibinigay to sakin ni Headmistress bago kami umalis dahil delikado daw sa daan dahil may iba pang nilalang ang maari naming makasalubong sa daan patungong Ainabridge.

Iwinasiwas ko ang espada ko. Upang maging handa kung sakaling biglang sumulpot kung sino man ang papalapit samin.

"Sino ka magpakilala batid kong narito ka lamang." seryosong sabi ko habang iwinawasiwas ang espada na hawak ko. "At nagmamasid." matapang na ani ko.

Maya-maya pa'y sumulpot na ito biglang sa harap ko at napasapo nalang ako sa noo ko ng mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harap ko.

"J-jenica bat naman bigla bigla kang sumusulpot." iritadong singhal ko sakanya.

"Sorry na okay. Pauwi na rin kasi ako sa Kaharian ng makita ko kayo kaya sinundan ko kayo. Di ko naman akalain na malakas ang pakiramdam mo at matutunugan mo ko." natatawang sabi niya.

Dahil sa nakampante na ko kung sino ang papalapit ay lumabas na sa pinagtataguan si Gabby at Cheena.

"Sino siya?" tanong ni Gabby sakin.

"Eh sino ka din?" mataray na sagot sakanya ni Jenica.

Di ko alam na may pagkamaldita tong kapatid ko.

"Jenica!" saway ko sakanya.

Kaya napanguso siya at napatingin sakin.

"Paumanhin Ate! At paumanhin din sa inyong dalawa saking inasal kani-kanina lang." usal ni Jenica habang nakapoker-face.

Mukhang labag sa kalooban niya yung mga sinabi niya. Jusmiyoo! Kapatid ko nga to.

"Btw Jenica...Nais kong ipakilala sayo sina Gabby at Cheena." sabat ko bago pa magkainitan dahil masama ang tingin sa isa't isa nila Gabby at Jenica. "Gabby at Cheena eto naman si Jenica ang tunay kong kapatid." dagdag ko pa.

"Hi Jenica. I'm Cheena kapatid ako ni Stacey." pakilala ni Cheena sakanya. Kaya napalingon sakanya si Jenica.

"Alam kong may kapatid si Stacey. Minsan itong ikwinento ni Ina sakin pero base sa kwento niya walang nakakaalam kung buhay o hindi ang bunsong anak ng dating Reyna at Hari ng Zaynadarks. At di ko akalaing ikaw yun. Ikinagagalak kong makilala ka." nakangiting sabi niya. Inirapan niya muna si Gabby bago lumapit kay Cheena at niyakap ito.

Okay mukhang di talaga magkakasundo si Gabby at Jenica.

"Kung ganun ay kilala mo nga ang aking mga magulang nakakalungkot lang dahil kahit imahe nila ay di ko alam dahil sanggol pa lamang ako ng mangyari ang gulo sa Zaynadarks kung saan nakalimutan ako ni Ina at Ama na iligtas buti nalang may isang mabuting nilalang ang kumuha sakin at sa mundo ako ng mga tao lumaki. Sinabi niya sakin ang totoo na anak ako ng dating Hari at Reyna ng Zaynadarks at kapatid ko daw si Stacey." malungkot na sambit ni Cheena. Kaya agad siyang inalalayan ni Gabby at Jenica.

"Hayaan mo pagnatapos ko na ang pakay ko sa Ainabridge Castle. Babalik tayo sa Academy para makasama mo si Stacey." usal ko sakanya.

At agad bumungad ang kanyang ngiti.

"Ano pang hinihintay natin? Tara na." yaya ni Gabby at nauna na naman.

"Bakit ba ganyan yun?" bulong ni Jenica sakin.

"Excited na kasi yang makita si Kuya at makabalik sa mundo ng mga tao dahil dun siya nararapat. sagot ko kay Jenica.

"Hindi taga rito si Gabby?" gulat na sabi ni Jenica sakin.

"Oo Jenica." biglang sulpot at sabat ni Cheena.

"Kung ganun ay nararapat lamang na makabalik na siya sa tunay niyang pinanggalingan at kalimutan na minsan yang natuklasan at napuntahan ang Normsantandia. Dahil nakasaad ito sa batas dito sa mundo natin." saad ni Jenica.

Kaya pareha kaming natahimik ni Cheena.

Bat di ko alam ang tungkol diyan?

Bat di ko alam na may mga batas pala dito sa Normsantandia?

"Batas?" nakakunot noong tanong ko sakanya.

"Oo Criszette. Hayaan mo't ipapaliwanag ko sayo ito habang nasa daan." usal ni Jenica sakin.

Kaya nagpatuloy na kami sa paglalakbay dahil unti-unti na ring dumidilim ang paligid.

Habang naglalakbay ipinaliwanag sakin ni Jenica yung batas na sinasabi niya.

At isa sa mga batas ang nakakuha ng atensyon ko.

Ang batas na kung saan...

Di maaaring umibig ang isang mafians sa isang tao na nanggaling sa ibang mundo.

At may kaukulang parusa ito.

Maaaring maipatapon sa mundo ng mga tao ang mafians na lalabag dito.

At agad pumasok sakin ang Kuya ko si Kuya Christian.

Paano na sila ni Gabby?



The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now