Chapter 28: Charm

Começar do início
                                    

Blaggg!!!!

Napahawak na lang ako sa braso ko ng bumagsak ako sa sahig, kahit masakit ay mas pinili kong bumangon para maisara ang gripo sa bath tub. Napahinga na lang ako ng malalim ng maisara ang gripo sa bath tub at sumandal  doon.

Kai, I need you now.
Tanging sambit ng isip ko, pero malabong bumalik ang babaeng iyon.

Napapangiwi na lang ako kapag itutuon ko or nasasagi ang kanang braso ko, dahan dahan kong hinubad ang damit ako pero dahil malakas ang pagkakabagsak ko kanina ramdam na ramdam ko ang sakit. Mabuti na lang at nakabutones ang damit ko kaya di ako nahirapang maghubad ng damit. Hinayaan ko na lang na naka underwear ako ng lumusong sa bath tub na clear ang tubig. Inabot ko ang pink soap na panlagay sa bath tub gamit ang kaliwang kamay.

Nang makapaglagay ng pink soap ay dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko, masakit ang ulo ko, nahihilo, at walang panlasa tapos sinabayan pa ng sakit ng braso ko sa pagkakabagsak. Lalong lalo na ang sakit dito sa puso ko, I don't want to see her again or hear her name, pero bakit namimiss ko na agad siya. I want to see her, I want her beautiful smile, her scent and her everything.

Please kahit ngayon lang huwag mo munang isipin ang babaeng iyon, huwag mo munang isipin ang taong walang pakialam sayo. Ramdam ko ang pagdaloy ng luha ko sa pisngi ko habang nakapikit. Hanggang sa makaramdam ako ng antok.

.
.
.
.
.

Kai's POV

Hindi ako mapakali, gusto kong buksan ang pinto at kausapin si Jane. Pero baka paalisin niya ulit ako, madaming tumatakbo sa isip ko. Yung mga sinabi niya sa akin kagabi, yung ginawa niya kagabi, yung mga binanggit niyang salita kagabi na paulit ulit na tumatakbo sa isip ko.

Flashback

Akay akay ko si Jane papasok ng condominium niya. Bagsak na bagsak siya at wala sa sarili, kaya sinamahan ko na. Pagkapasok ng kuwarto ay inihiga ko na siya sa kama niya, naisipan kong palitan siya ng damit, basang basa na kasi ng pawis ang suot niyang damit. Kumuha ako ng damit sa cabinet niya, isang white shirt. Mabuti na lang at madilim, hindi ko kita ang katawan niya kaya mabilis kong naisuot ang shirt na iyon.

"Kai, ayaw mo ba sa akin? Nandidiri ka ba sa akin?" Hindi ko na lang pinansin ang tanong niya. Pumasok ako sa banyo, at kumuha ng isang maliit na planggana. Kumuha ako ng tubig at isang puting towel. Pagkatapos ay pinunasan ko ang braso niya, amoy alak na kasi siya. Tinanggal ko ang heels niya at kinumutan pagkatapos.

"Kai, gusto kita. Kung hindi mo ako gusto, okay lang sa akin. Kung saan ka masaya, doon din ako. Basta tatandaan mo ito, ikaw ang babaeng pinakamaganda na nakilala ko. You are the best among the rest." Napahinga na lang ako ng malalim sa mga oras na iyon. Iba din pala kapag nalasing iton babaeng ito.

"Matagal ko ng gusto sabihin sayo, pero inuunahan ako ng takot at kaba. Pero ngayon, kahit lasing ako alam ko ang sinasabi ko." After kong mapunasan siya ay agad ko ding ibinalik sa banyo ang natirang tubig, ibinuhos ko iyon sa lababo at hinugasan ang towel sabay sampay.

Lumabas ako sandali sa kuwarto para maghugas ng kamay sa kusina. Paulit ulit sa isip ko ang mga sinabi ni Jane, kinkabahan ako at hindi mapakali sa mga sinabi niyang iyon.

"Huwaaaa!!!" Dali dali akong tumakbo, nakita ko na lang si Jane na nakaupo at may tinuturo. Binuksan ko ang ilaw. Nakita ko ang kulay dilaw na medyo basà sa sahig. Kumuha agad ako ng dust pan at basahan. Hindi na ako nagsuot ng gloves, hinawi ko ang suka niya gamit ang basahan. Grabe, ang baho niyon at nakakadiri. Pero tiniis ko para malinis lang iyon, tatayo na sana ako ng muling sumuka si Jane. Nasukahan niya ang damit niya kaya dali dali ko siyang pinahubad. Napatingin ako sa kanya ng maramdaman na mainit siya. Hinawakan ko ang noo niya at ang noo ko, may sinat siya kaya dali dali kong hinubad ang suot niya. Inakay ko siya patungong banyo, para doon palitan ng damit. Wala na akong pakialam kung nakahubad siya, basta mahulasan lang siya at bumalik sa normal na temperature ang katawan niya.

It's ComplicatedOnde histórias criam vida. Descubra agora