PROLOGUE

257 4 0
                                    

This story is work of fiction. Names, characters, place and incident either are product of the author;s imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual events, locale or persons, living or dead is entirely coincidental.


No part of this story can be reproduced in any form without the permission of the author.




PROLOGUE


Kasabay ng pag-anunsyo ng pari na "I now pronounce you husband and wife" ay ang paguumpisa ng misyon nina Michael Kane Sandoval at Hanna Gaia Aguas-Sandoval.

Misyon na magbabago sa buhay ng dalawa.

Misyon na magbabago sa takbo ng buhay ng kani-kanilang pamilya.

Misyon na walang nakakaalam na ito na pala ang umpisa ng katapusan.

"Mag-iingat ka, hindi mo pwedeng pagkatiwalaan ang lalaking iyan." Habilin ng ina ni Gaia sa kanya habang nasa isang sulok sila. "At tandaan mo ang misyon mo, kapag nagkaroon ka ng pagkakataon huwag na huwag ka nang magsayang ng oras KILL HIM!" Dugtong pa nito na pagpapaalala sa misyon nito. Ang totoong rason kung bakit pumayag sila na ipakasal ang dalawa.

Magkaalitan ang pamilya Sandoval at Aguas sa maliit na bayan na ito sa Cavite at tanging pagpapakasal lang ng kaisa-isang anak ng kasalukuyang henerasyon ng magkabilang pamilya ang nakikita nilang magiging solusyon para matuldukan na ang alitan ng mga ito pero ang hindi alam ng magkabilang pamilya na ang kasalan na ito pala ay kani-kanilang paraan lamang para putulin ang pagpapatuloy ng angkan ng bawat pamilya.

Pero ang tanong sino nga ba ang mananalo? Sino nga ang unang makakapatay?

Sa kasinungalingan na nakapaloob sa kasalan na ito may magwawagi kaya?

"Tandaan mo ang misyon mo Michael, you have to kill her para wala nang mapapatuloy ng kanilang angkan." Pagpapaalala naman ng ama ni Michael habang nasa isang tabi naman ang mga itong nag-uusap.

Napatango-tango naman si Michael sabay lingon kay Gaia at napangiti pa siya dito dahil nakatingin din ito sa kanya.

She's beautiful wearing her wedding dress pero para sa kanya ay hindi naman ito maganda, she is just an ordinary girl – isang ordinaryong babae na hindi magtatagal ay magiging isang malamig nang bangkay. 

He will make sure na hindi na ito aabutin pa ng isang linggo dahil agad niyang isasagawa ang kanyang plano para mawala na ito agad kanyang landas at para na rin matapos na agad ang kanyang misyon at agad nang mabalikan ang babaeng totoo niyang mahal.

She smiles back at him.

Ngiting parehong may nakakubling maitim na balak.


© 2019

Love and War (EDITING)Where stories live. Discover now