2

40 3 0
                                    

Kim's POV

Nang makawala ako mula pamilya ko ay agad kong tinawagan si Cyd. Pumunta ako sa may event hall para hanapin sya pero wala sya duon. Pumunta din ako sa lobby nagbabakasakali na maabutan ko pa sya dun pero naharang lang ako ng media.

Ang daming ilaw ang nakatutok saakin at mikropono pero iisa lang ang katanungan nila, ang opinyon ko sa kasal ko. Pilit ko silang tinatabi para makaalis ako duon at mahabol si Cyd pero hindi ako makaalis dahil nasisilaw talaga ang mga mata ko sa ilaw.

Sa kalagitnaan ng pakikiusap ko na tumabi sila sa dinadaanan ko ay nasulyapan ko ang isang babae  na diretsong nakatingin saakin mula sa entrada ng hotel. Blangko ang ekspresyon ng kanyang mga mata kaya hindi ko mabasa ang kanyang nararamdaman pero alam kong hindi ito maganda. Gusto kong tawarin ang pagitan namin at magpaliwanag sa kanya pero bago ko pa magawa yun ay sumakay na sya sa isang kotse.

Bumagsak ang mga balikat ko sa nangyari. May namumuo nadin na mga luha sa aking mata at ilang sandali pa ay maari na ding tumulo ito pero bago pa mangyare yun ay hinula ako ng isang lalake papunta sa kanyang likod at nawala na ang mga ilaw na nakakasilaw at mga reporter na nakakarindi sa harapan ko.

"Good evening ladies and gentlemen I would like you to spare my sister from this interviews. We will officially held a press conference regarding this. Good night" hinila ako ni Tope papasok sa elevator pababa sa basement.

Nang na sa loob kami ay hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Agad naman akong nilahadan ng kapatid ko ng panyo.

"Punasan mo yang mga luha mo hindi ka pwedeng makitang umiiyak dahil panigurado may media nanaman na nakasunod sa may parking. Mamaya ka na umiyak." matigas nyang sabi saakin na kaagad ko naman sinunod.

At hindi nga sya mali dahil may mga taga media parin talagang nakasunod saamin sa may basement kaya nag madali na akong tumakbo papunta sa sasakyan nya. Nagdrive sya ng mabilis para makalabas na kami sa lugar na yun at nag simula na ngang tumulo ang mga luha ko.

Hindi na ako pinansin ni Tope at siguro mabuti na din ito dahil humahagulgol na ako sa iyak. Gabi ko 'to pero bakit ganito? Bakit ako kailangan magpakasal sa taong hindi ko mahal? Sinubukan ko parin tawagan si Cyd pero hindi nya sinasagot ang mga tawag ko, maski ang mga text ko sa kanya.

Sa asar ko ay binato ko ang cellphone ko sa lapag at lantang sumandal sa upuan. Tahimik akong humihikbi habang naka tingin sa labas. Nang namataan ko na malapit na kami sa bahay ay bumalik at dumoble ang pagka inis ko. Pinatigas ko ang ekspresyon ko para alam nila na hindi nila dapat ako kausapin dahil paniguradong bubugahan ko sila ng apoy.

Pagkapasok ko ng bahay ay nakita ko ang kuya Kevin ko na may hawak na tasa sa kanyang kamay na gusto kong ibuhos sa kanya. Hindi ko na sya tinignan at naglakad patungo sa kwarto ko ng magsalita sya.

"Pinapasabi nila mommy na pagbalik nila from US ay sisimulan na yung preparations for your wedding" natigilan ako sa sinabi nya at napalingon sa kanya.

"Wag na silang bumalik dito kung gayon dahil hindi ako magpapakasal sa lalaking yun!" tumaas naman ang gilid ng labi ng kuya ko sa aking tugon na lalong nagpainit sa aking ulo kaya nag martsa ako pababa dahil gusto kong burahin sa mga labi nya ang ngiti nyang yun sa pamamagitan ng pagsuntok sa kanya.

Alam kong alam nya na susuntukin ko sya at alam ko na makakaiwas lang sya kaya sa halip na suntukin sya ay kinuha ko ang tasa mula sa kanya at malakas na hinagis ito sa lamesa at nabasag ito sa maliiit na piraso.

"Kim!" saway saakin ni Tope pero hindi ko sya pinakinggan at diretso parin ang tingin ko kay Kuya Kevin.

"Sa tinggin mo ba nakakatawa to? Ano ba ang tingin nyo saakin ni dad? Parte ng assest ng kompanya na pwedeng ibigay o ibenta sa iba ng may kalakip na halaga! Yun ba ang tingin nyo saakin! Anak nya ako, kapatid mo ako at tao ako! Ako ang magdedecisyon sa buhay ko!" Sinigawan ko sya sa mukha nya at tinalikuran ko sya.

Waltz of Six left feetWhere stories live. Discover now