cards 20: basketball

Start from the beginning
                                    

Namula naman sila rianna sa narinig at napahiyaw naman ang mga lalaki sa gym na parang nasasabik

'running naked? Nababaliw na ba sya?' Isip ni rianna

Napailing nalang sila miyu sa usapan, kung hindi boring si uno ay mas malala pa dyan ang pustahan pero nakakatuwa na din kung makikita nilang hubad nga ang mga ito na natakbo pfft

"Asa ka naman nerd na mananalo ka" asar na sabi ni kleo

"Hindi naman ako marunong pero gagalingan ko but ayaw ko maglaro eh" napapaisip na sabi ni kazarina

Maraming napapangiti kase ang cute tignan ni kazarina habang nakahalumbaba at nag iisip, para syang 5 yrs old at iniisip kung maglalaro ba sya o hindi

"Baka naduduwag ka lang kaya ayaw mo , sabagay yang gaya mong nerd mga lampa at mahihina. Pabigat at walang kwen-"

Di pa natatapos sabihin ni rianna ang sinasabi ng bigla syang sinakal ni miyu at dinala sya sa gitna ng gym , napatayo si xyrel maging sila erin sa nangyare. Gigil na gigil si miyu sa mga narinig

"Let go of her nerd !" Sigaw nila kleo

Nag chant ang buong gym at mas lalo pang dumami ang nanonood dahil balitang andito sila king. Sinabi naman ni mattew sa teacher na sila kazarina ang lalaban sa section 3 at sila rianna naman sa section 1. Dahil di na bago ang gulo sa school ay hinayaan nalang ito ng teacher nila

" cant wait to see you running naked" malamig na sabi ni miyu at binitawan si rianna

Mas lalong umingay ang buong gym , naglakad na si miyu kila kazarina samantalang gigil na gigil si rianna sa pamamahiya sa kanya ng nerd na yon.

"Ayos ka lang queen?" Tanong ni kleo kay rianna na naghahabol ng hininga at inabig

Hinila ni miyu si kazarina at niyakap, ayaw na ayaw ni miyu na naaalala ni kazarina ang salitang walang kwenta dahil nalulungkot ito sa isang alalang ayaw na nilang balikan at the same time babalik nanaman ito sa pagiging cold. Yumakap rin sila erin at coleen tapos ay umayos na sila ng tayo

"Turuan naten ng leksyon yang mga fake na yan ! Walang pwedeng umaway sa bunso naten" gigil din na sabi ni coleen

"Lets kill her already" cold na sabi ni kazarina

Nanlaki ang mga mata nila king maging sila erin sa narinig, its indeed magic word na nakapag pabalik kay kazarina bilang si uno. Ang mga salitang 'weak' 'walang kwenta' o kung pa naman ng pagiging mahina

"Joke. Cmon" yaya neto sa tatlo

Kahit sinabing joke lang ay nanatiling walang humor ang muka ni kazarina, kinabahan din sila ng magsalita ito. Ibang iba sa makulet na kazarina kanina

Pumunta na silang walo sa gitna, masasamang tingin ang pinukol ng grupo nila rianna kila kazarina lalo na kay miyu pero kalmado lang sila kazarina. Its a simple match with a dangerous player, maraming sabik sa laro at maraming lalaki ang nananalangin na sana matalo ang grupo nila rianna para doon sa pusta. Mga lalaki nga naman

*kazarina pov*

Half court lang ang gagamitin dahil nga women basketball to, ng pumito na ay di ako tumalon kaya napunta sa kalaban ang bola.

"Di ka ba marunong nerd?"

"Dapat manalo kayo"

"Hoy yung grades naten"

"Nako talo pa tayo"


Puro sigawan nalang ang naririnig ko pero wala akong pakealam, naagaw ni miyu yung bola kay rianna kaya binantayan sya ni kleo. Si sabrina ang nagbabantay saken pero nakatayo lang ako, nakakapagod kaya kung hahabulin ko pa.

Royal University (REVISE)Where stories live. Discover now