"Sige sige basta wag ka lang masyado mag papagabi."

"Tsaka tita balak ko din po palang mag hanap ng summer job tutal mahaba haba naman po ang bakasyon ko"

"Summer job e ang tamad tamad mo nga dito sa bahay" natatawang sagot saakin ng tita ko.

"Alam mo Ara alam ko na gusto mong makatulong sa gastusin natin wag kang mag alala dadating ka din sa oras na yan, sa ngayon ang hinihilig ko lang sa'yo ay mag-aral ka ng mabuti at enjoyin mo yung bakasyon mo dahil matapos nito ay matagal tagal ka na ulit bago makapag bakasyon ng ganung katagal. O sya't kumain na tayo at ako'y hindi parin kumakain" Tinapik lang ni Tita ang balikat ko at naupo na sa hapag.

...

Mahimbing ng natutulog ang mga pinsan ko at si tita. Nakatulala nalang ako sa kanila lalo na kay tita. Napaka buti nya ng inampon nya ako at tinuring na parang anak nya. Saan kaya ako pupulutin kung hindi ako kinupkop ni tita, nasaan na kaya ako ngayon? Buhay naman parehas ang mga magulang ko kaya lang ang problema parehas silang may pamilya ng sarili nila at ako ang bunga ng maling pagmamahalan nila. Tinakwil ako ng nanay ko ng malaman na hindi kaya ng ama ko na iwan ang pamilya nya para saamin at dun pumasok sa eksena si Tita Josie na panganay na kapatid ni mama. Sya ang kumupkop at nagpalaki saakin kasama ang apat na anak nya na si Camille, Cienne, Kianna at Ernestine. Patay na ang asawa ni Tita na isang sundalo. Sobrang laking utang na loob ko kay tita dahil kung wala sya ay wala rin din ako ngayon. Kaya't pag nagtratrabaho na ako ay ako na ang aako ng lahat ng pangangailangan namin.Niyakap ko si tita at na tulog na dahil maaga pa ang alis ko bukas.

...

"Nasaan ka na Ara? Kasama ko na si Mika."

"Nandito na ako sa may MOA sa may sinehan nyo nalang ako hintayin" binaba ko na ang tawag dahil nagmamadali na akong maglakad papunta duon. Before lunch naman ang usapan namin at hindi ko alam kung bakit nila ako minamadali e alas onse 'y trenta pa lang naman.

Pantalon, T-shirt at puting sapatos lang ang suot ko ngayon, hindi na ako nag abala pang mag ayos o pumorma dahil kakain lang naman kami.

Pagdating ko sa may bandang sinehan ay naka kunot ang noo ni Mika habang naka tingin sa cellphone nya at si Kim ay mukhang may tatawagan sa cellphone nya. Naramdaman ko ang pang vibrate ng cellphone ko na agad ko naman pinatay.

"Kim!" tawag ko sa kanya at tsaka patakbong lumapit.

"Happy birthday negra!!" sigaw ko at niyakap ko sya. Halata namang naasar sya sa ginawa ko dahil may pag kirot na naganap ng niyakap ko sya.

Humiwalay ako sa yakap sa kanya at nagtaka dahil sa suot nito.

"Hoy bat naman ganyan yung itsura mo? Birthday na birthday mo pa naman tas naka pang bahay ka lang mukha ka tuloy julalay namin ni Mika" Tumawa si Mika sa sinabi ko at nag apir kami.

"Wow aga aga napaka bully nyo saakin! Wag ko kaya kayong pakainin?" Sabi na at pinong kinurot kami sa mga tagiliran namin.

"Ikaw talaga madame hindi ka mabiro!" sabi ni Mika habang hinihimas ang braso ni Kim na halatang halatang nandidiri sa ginagawa sa kanya.

"Tigilan mo nga ako Mika.." naputol ang sasabihin nya ng tumunog ang cellphone nya. Nang sinagot nya ito ay tumingin sya kay Mika at kinumpas ang kamay nya patungo saakin.

humarap naman saakin si Mika habang si Kim naman ay patuloy na kinakausap ang telepono nya.

"So ayun na nga ateng, kaya nakapang bahay lang ang ate mo Kim kasi mamaya pa talaga yung party nya at wag ka ng mag alala dahil pinagpaalam ka na namin kay tita josie at ihahatid kita mamaya." napatango nalang ako sa sinabi nya.

Waltz of Six left feetWhere stories live. Discover now