Kabanata VI

22 1 0
                                    

FACT! During the initial period of colonization, Manila was settled by 1200 Spanish families. In Cebu City, at the Visayas, the settlement received a total of 2,100 soldier-settlers from New Spain (Mexico).

KABANATA VI
Ang Hinaharap sa Nakaraan

Pumipintig ang aking ulo nang magkaroon ako ng malay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pumipintig ang aking ulo nang magkaroon ako ng malay. Grabe! Pang ilang beses ko na bang mahimatay ngayon? Abuso na ha!

"Lintek naman. Tsk! Ang sakit ng ulo ko." Reklamo ko at marahan kong hinilot ang aking sentido. Inayos ko ang suot kong belo habang pilit kong pinipigilan ang aking pagkahilo.

Minulat ko ang aking mata at ilang sandali pa bago bumalik ang pokus nito. Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga nang makakita ako ng mga kalesa.

NASAAN NA NAMAN AKO?!

Kahit na pumipintig ang aking ulo ay pilit kong inintindi kung nasaan ako. Lahat ng mga tao ay nakasuot ng barong at baro't saya. Ilan naman sa nakakasalubong kong tao ay agad umiiwas sa akin.

Huwag mong sabihing bumalik ako sa oras...

Patayo na sana ako nang maaninag ko ang isang papalapit na puting kabayo. Sakay nun ay isang lalaki na nakasuot ng itim na uniporme. Halos kapareho ng kanyang uniporme ang suot ni Heneral Cruz noong nilusob namin ang Malacañang. Ang pinagkaiba nga lang ay kulay itim ang suot nitong lalaki at berde naman ang kay Heneral Cruz. Tapos mas marami ang medalya nitong lalaking ito kaysa kay Heneral Cruz.

Magtatanong pa lamang ako kung nasaan ako nang bigla niya akong tapatan ng baril.

ANO DAW?!

"B-Bakit?! Hoy! H-Hibang ka ba?! Baka magkamali ka ng putok at mapatay mo pa ako!" Sigaw ko sa kanya. Napataas ang kilay ng Heneral na ito at tinago niya muli sa kanyang bulsa ang baril.

Suminghap ang mga taong nakikinuod sa amin at ngumisi naman ang lalaking nasa kabayo. Padabog siyang bumaba sa kanyang kabayo kung kaya't tumayo na rin ako sa aking pagkakaupo.

Napansin ko ang nagkikislapang medalya na nakasabit sa kanyang uniporme at ang mahabang sandata na nakasabit sa kanyang bewang.

Uhaw sa dugo ang kanyang mga mata at tumungo siya sa akin upang magpantay ang aming tingin.

"At ano ang karapatan mo upang kausapin ako nang pabalang? Hindi mo ba ako nakikilala?" Tanong niya at may isang ngising gumagapang sa kanyang labi. Medyo may aksent (accent) ang kanyang pananalita at halatang hindi Tagalog ang pangunahin niyang lenggwahe.

Halos maduling na ako dahil sa lapit ng aming mukha. Mabango ang kanyang amoy, matangos ang kanyang ilong, maputi ang kanyang balat, maganda ang hubog ng kanyang panga at nangungusap ang kulay kayumanggi na may halong berde niyang mata.

"Hindi kita kilala. Ngunit hindi mo rin ako kilala kung kaya't hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin." Matapang kong tugon sa kanya. Kung pwede ko lang patulan itong lalaking ito, kanina ko pa yun ginawa. Kaso pinalilibutan kami ng ilan pang sundalo kaya hinahayaan ko siya.

Dalawang Salita, Isang SigloWhere stories live. Discover now