Kabanata III

22 1 0
                                    

FACT: What went on the Philippines was similar to what happened in Latin America. The Spanish seized land and established huge plantations which made rich men out of landowners. Some of the indigenous people mixed with the Spanish, some were overwhelmed by them. Both groups adopted Catholicism. (courtesy of factsanddetails.com)

KABANATA III
Patawad

"I-Ikaw ang gumahasa at pumatay sa aking Inay! T-Tama nga ang h-hinala ng aking Itay!" Galit kong sambit at pinaghahampas ko ang kanyang mukha gamit ang dulo ng aking baril

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I-Ikaw ang gumahasa at pumatay sa aking Inay! T-Tama nga ang h-hinala ng aking Itay!" Galit kong sambit at pinaghahampas ko ang kanyang mukha gamit ang dulo ng aking baril.

Ngumisi na lamang siya at agaran akong sinipa sa sikmura. Kasunod nun ay ang mabilis niyang pagnakaw sa revolver na kapit ko.

"Akala mo ba malalamangan mo ako? Mas hasa ako sa labanan. Huwag kang magpantasya, hija." Nangaasar niyang sabi at agad niyang hinampas sa mukha ko yung dulo ng revolver.

Dumura ako ng dugo at nakangisi ko siyang tinignan. "Ano?! 'Yan lang ba ang kaya mo? Mahina!"

Akala ko ba na mas hasa siya kaysa sa akin? Bakit niya ako inaakusa ngayon bilang mahina? Huhuhu. Ano na ba ang totoo sa mundong ibabaw?

Biglang binato ni Heneral Cruz sa malayo ang revolver. Tinupi niya ang manggas ng kanyang uniporme at nilapitan niya ako. Kinapitan niya ako sa aking baba at itinaas niya ang aking tingin sa kanya.

"Hinahamon mo ba ako? Gusto mo atang makatikim ng parusa eh." Sambit niya.

"Anong hinahamon? Eh wala nga akong sinasabi eh!" Pilosopo kong sagot ko sa kanya. Dahil dun, sunod-sunod niya akong pinagsusuntok. HUSTISYA!

Agad akong nagpumiglas upang makalayo sa kanya. Pinunasan ko ang tumutulong dugo mula sa aking labi at tinitiis ko na lang ang hapdi mula sa pisngi ko.

Hinugot ko agad ang bolo mula sa aking bewang at nang tinangka ko siyang saksakin ay mailap siyang nakaiwas. Tinignan niya ako nang masama. Lumalagablab ang kanyang mata at konting konti na lang, mukhang kakainin na niya ako ng buhay.

"Wala talagang kwenta ang kasalukuyang henerasyon." Nakailing niyang sabi at mabilis niya akong sinikmuraan.

Napaluhod ako sa sahig at agad niya akong sinipa sa ulo. Kasabay nun ay ang unti-unting pagdilim ng aking paningin pero sapat pa rin upang masilayan ko ang nakakalokong ngiti ni Heneral Cruz.

**

Naramdaman kong parang pinipiga ang aking ulo. Pumipintig ang aking sentido at parang umiikot ang paningin ko.

Dalawang Salita, Isang SigloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon