Chapter 20

1.1K 30 1
                                    

-Jennie's POV-

Matagal talaga na rin pala nung umalis sya... 3rd year college kami ngayon at same school kami ni Jason...  While si rosé sa ibang university sya nag aral..  Nabawasan ang closeness naming magpinsan muna nung mawala sya...  Di rin kasi kami same ng schedule sa classes.. Minsan nasa bahay sya at ako nasa school at pag nasa bahay ako sya naman ang wala.. . Namimiss ko na yung time na inseparable kami ni rosé..  I miss the old rosé..
Nasa salla ako nung pababa si rosé sa hagdan..
"Saan ka? "-tanong ko sa kanya
"May bibilhin lang ako sa book store "-rosé
"Lalabas kami mamayang ni jason gabi sasama ka ba? "-tanong ko
Napatingin sya saakin.. At ang ganda ng ngiti nya...  Yan mismo yung rosé na kilala ko..  When rosé just being rosé..
" Ayaw kong maging sabit sa date nyo.. Gahabihin rin naman ako sa pag uwi kaya kayo nalang.. Have fun.. Sige aalis na ako"-sabi nya
Saka sya umalis nga bahay..  Great umasa pa akong sasama sya saamin ni jason. .. Ang lapit nya saamin ni jason pero parang di parin namin sya abot kahit gaano namin pilitin na abutin sya  ang layo nya parin.. Pati kay jason ang cold nya ..
"AEIOU KASALANAN MO ITO!!!!!  KUNG DI KA UMALIS DI KAMI MAGKAKA GANITO!!!!  SABI MO BABABALIK KA PERO NASAAN KANA BA??? PAG BUMALIK KA UUPAKAN TALAGA KITA"-  naasar kong sigaw..
At saka umupo ako sa couch
"Arrrffff"- it's kuma
"Kuku sorry di ko sinasadyan sumaligaw...  Natakot kaba? "-me binuhat ko si kuma at niyakap ito..
"Di na talaga babalik yung daddy mo...  Iniwan na nga nya talaga tayo"- sabi ko
Nabagot ako kaya naisipan kong maglakad-lakad  sa park kasama si kuma...
Tumawag si jason kaya agad kong itong sinagot
"Hey "-me
" Nasaan kayo?  Bat walang tao dito sa bahay nyo? "- jason
"Nasa park with kuma! "- me
"Ahh!!  Nga pala pumunta ako sa inyo para sabihin na di ako makakapunta mamayang gabi!  Bigla kasi akong pinauwi ni mama at kailangan kong humabol sa huling byahe at sa sunday na ako ng hapon makakabalik dito"-him
"Ganoon??  Sige mag ingat ka "-me
"Mamimiss kita"-sabi nya
Mula nung unamin sya saakin mas naging sweet na sya
"Yeah right hahaha! "-me
"Ako di mo mamimiss? "-tanong nya..  Nakasimangot na ito for sure!! 
"Tatlong araw ka lang mawawala"-natatawa kong sabi
"So di mo ako mamimiss? "-sabi nya ulit..
"Ito naman..  Syempre mamimiss kita! "-me
His making me happy.. And his kinda special to me.. 
Dahil sa kanya nawala ang lunkot ko sa pag alis nya! 
Di naman sya mahirap mahalin..

-End of calls -

Bumalik sa kinaruruunan ko si kuma at may kagat kagat syang isang notebook.. Simpling notebook lang ito at camera ang picture cover nya.. 
Na curious ako kung  ano ang laman nito kaya binuklat ko.. May poetry na naka sulat ..
"Two different world
Two different characteristics
But one things is for sure
That we belong together "
-ACM
Feel ko lalaki ang may ari ng notebook.. Naaliw ako sa pagbabasa kaya nagpatuloy lang ako sa pagbabasa..  Ang drama naman ng may-ari ng notebook na ito..  Cheesy pa minsan ang naka sulat pero catchy naman.. Hanggang sa na abot ko yung 5th page tinamanaan kasi ako!
"I love you
You love me
But we can't be:("
-ACM
Pareho pala kami ng pinagdaraanan
"Kung yan ang gusto mo sige..  Ako na ang iiwan...  Ako na ang lalayo...  Pero sana sa muling pagkikita natin maging ok kana at ipapangako kong magiging ok din ako"
Naalala ko tuloy ang mga huling sinabi ni aeiou saakin..
Sa huling page ng notebook may short na spoken poetry at agad ko itong binasa..
"Tatlong taon na pala, 
Tatlong taon na mula nung huli ko syang makita
Tatlong taon na rin nung huling makita ko ang mga ngiti nya
Binalak kong bumalik sa kanya
Ngunit tila ayaw ata ng tadhana na magkita kaming dalawa

Di manlang ako nakapag-paalam sa kanya
Umiiyak sya nung huli kaming magkita
At nasaktan ko sya..
Di ko gustong iiwan sya
Pero yung lang ang nakikita kong paraan para di na sya masaktan pa ..
Ngayon sabik na sabik na akong makita sya
At sana sa muli namin pag kikita ako'y mapatawad na nya..
-acm
Nasa baba ng poetry ang phone number nung acm... Tumayo na ako at tinawag si kuma
"Kuma let's go"-me
Wala naman ata sya dito kaya inuwi ko ang notebook..Madilim na rin kasi..
"Nandyan kana pala halika kain tayo"-yaya ni rosé
Inilapag ko muna ang phone at yung notebook  sa center table ng salla.. At sumabay kay rosé..
"Naninibago ako sayo.. Bat ang saya mo ngayon? "-me
"Ikaw lang ba ang may karapatang sumaya??"-tanong nya
Binatukan ko sya
"Araaayy hahaha"-sabi nya
"Ang arte ha?! "-Me
"Hahaha kese nemen ehh!!  Ikew kese ehh"-sabi nya
"Manang ano po ba ang pinakain nyo dito???  Bat ang hyper? "-tanong ko sa head ng maids namin dito sa bahay
"Inihatid kasi ng gwapong binata yan si ma'am"-pang aasar ng bagong maid kay rosé
"Binata?? "-me
"Ahh schoolmate ko nakita ko sa bookstore kanina nagpahatid ako"- paliwanag mo
"Manliligaw mo ata ehh!!  Ang sweet nyo ehh! "-pati si manang nang aasar narin
"Manang naman ehh!!.. "-rosé
Tingin ko naman masaya na si rosé ngayon.. I'm so happy for her... Sana magtuloy tuloy na ang pagbabalik ng dating rosé...  At sana makilala ko ako ang lalaking tinutukoy nila..

[Thank you for reading "once upon a summer "
Please do vote and comments..]

Once Upon A Summer  (COMPLETE)Where stories live. Discover now