"Just kidding"

"Tsk bye!" agad kong binaba yung tawag at bumalik sa pag higa.

Gusto kong mag pa bundok! yun lang ang gusto kong mangyari ngayon.

Kinuha ko ulit sa tabi ko yung phone ko at tinignan ko kung sino nag text.

From Alice:
Nakalimotan kong itanong where exactly are you right now, the car is ready

To Alice:
Marco Polo

From Alice:
Okay your car is coming

Bumangon naman ako at naligo na.

Nung lumabas ako para bumili ng sim, bumili nalang din ako ng mga damit ko, actually pampalit ko lang ngayong araw at dahil gusto ko maging komportable, kaya mula sa taas hanggang paa naka adidas lahat pwera nalang sa underwear ko.

Pagkatapos kong mag handa nakatanggap ulit ako ng text na nasa parking lot na daw yung kotse ko.

Bumaba naman ako at di nga ako nadismaya dahil may kotse ngang nag hihintay saakin don.

"Miss Misha, here's the key" ngumiti naman ako sa lalaking nag bigay saakin ng susi.

"Thanks" tumango naman ito, sinakayan ko na ito at umalis sa hotel.

Nag check out na ako, hindi naman talaga ako dito nag stay eh, may nakaagaw saakin kanina nung nag research ako about davao.

Dahil ang sabi saakin ni Alice siya na daw bahala sa credit cards ko, kaya bumili ako ng mga susuotin ko for a week lang, siguro naman doon sa pupuntahan ko may mabibilhan doon na mga damit diba kung kukulangin ako.

Pagkatapos kong ilagay ang mga pinamili ko sa kotse agad din akong dumiretso sa isang fastfood chain.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko may dumisturbo.

"hi" kumunot naman ang noo ko, nilibot ko naman ang paningin ko sa buong fast food chain pero puno na siguro makikiupo ito.

Tinuro ko naman ang isang mesa na makadikit sa mesa ko.

"Thanks" tumango na lamang ako sakanya.

"Taga asa ka?" napatingin ulit ako sakanya at kumunot ang noo ko.

Ano yun? wala akong maintindihan sa sinabi niya.

"Tama nga ako, haha so you're not from here?" walang imik naman akong umiling sakanya.

"I'm Betty and you?"

"Misha?"

"don't worry I won't bite hehe, ang puti mo naman saan ka pala galing?"

"Spain"

"Oh? pero hindi ka naman mukhang espanyol?" tinititigan niya naman ako kaya nakaramdam ako ng pagka ilang.

Ganito ba ang mga tao dito? ngayon lang ako lumabas ng hotel ko simula nung nakarating ako dito kaya wala akong alam sa mga ugali ng mga tao dito.

"Oh well you're pretty!" ngumiti naman ito at kumain na.

Napahinga naman ako ng maluwag dahil hindi na siya nakatingin saakin, tahimik naman akong kumain din, hindi ako yung tipo ng tao na binibilisan ang pagkain pero ngayon binibilisan ko dahil sa babaeng kasama ko sa isang table.

"Ilang araw ka ng andito?"

"Kahapon lang ako andito"

"Oh? ilang araw ka bang manatili dito? I can tour you"

"Uhm No thanks, aalis na din ako" ilang kong ngiti sakanya, nakita ko naman ang lungkot niya dahil sa sinabi ko.

"Ah sayang, saan ka pupunta?"

"Somewhere"

"Madami namang magagandang lugar dito sa Pilipinas eh, lalo na dito saamin sa Mindanao, at isa pa masyadong presko dito saamin"

"Yeah"

"Madami din bundok dito saamin kaya lang hindi tayo sure kung safe dahil di natin alam may nakatira pala doong masasamang loob, kaya careful ka ah? sayang talaga kung hindi ka dito mag eh stay, pwede pa naman kitang eh tour tapos libre pa"

"Okay lang salamat nalang"

"Ang sexy ng accent mo hihi" tinitigan niya na naman ako kaya nailang na naman ulit ako.

Hindi naman siya nakakatakot eh, hindi naman siya nanakit siguro nga ako pa yung masama saaming dalawa, pero hindi ko talaga mapigilang mailang sa ginagawa niya.

"Pero don't worry madami namang mababait na tao dito sa Pilipinas eh, sana hindi ka lang maka encounter ng masasamang tao"

Sa totoo lang maliit lang yung mga naiintindihan ko sakanya dahil ang bilis niyang magsalita dagdagan mo pa sa accent niya.

"So san ka nga pupunta?"

"Mati City"

Snow White and the Poisonous Apple ✔Where stories live. Discover now