Chapter One: Shocked

22 2 0
                                    

Skyliene's Point of view...

"Ok class,that's all for today,you can now take your lunch"sabi ni teacher.

"Kylie Bhie,tara na?"aya sa akin ni Sofia."Tara na!"excited kong sabi.

Habang papunta kami sa cafeteria ay may nakita kaming mga estudyante na nagkukumpulan at parang may nangyayaring kaguluhan.

"Ano ba tigilan niyo na ko!"rinig kong sabi."Bakit ka naman namin titigilan?"sabi naman nung kausap niya."Nakakasakit ka na eh!"sagot naman nung binubully."Tsss...kung alam lang namin,nag-enjoy ka pa nga eh...Bakla!...salot sa lipunan ang mga baklitang tulad niyo!"galit na sabi nung lalaking nangbu-bully.

Hindi nila napansin ang presensya ko hanggang sa may nakakita lang sa akin na nakikinuod din dun.

"Ayan na si President!"tarantang sabi nung babae.

Para silang nahawi ng malakas ng hangin sa gitna at agad silang pumagilid.

"Anong nangyayari dito?" malumanay kong tanong.

"Eh...ahmmm..." kabadong sabi nung nangbu-bully."Uhm what?" mahinahong tanong ko nanaman."Ah...President Liene...may bakla kasi dito sa campus diba sabi nung iba ay salot sa lipunan yung mga katulad nila?" pa-inosenteng tanong nung lalaki.

Humakbang ako ng kaunti para malapitan silang dalawa.

Tinignan ko naman yung sinasabihan nilang bakla at agad na tinanong.

"Is that true?" tanong ko. Agad namang namula ang mga pisngi niya dahil sa tanong ko."Y-yes Ms.President it is" nakayukong sabi niya.

Pero agad kong inangat ang nakayukong ulo niya at tinignan siya mata sa mata.

"Huwag kang mahiya kung ganyan ka, be proud and don't let others dictate you dahil sarili mo iyan. Huwag mong hahayaang husgahan ka nila dahil nakatira tayong lahat sa bansang malaya kung ano ang gusto nating gawin, sabihin pati narin kung ano ang kasarian natin." sabi ko sa kanya

Nagulat lahat ng taong nasa paligid ko dahil sa ginawa ko.

"And you are...Mr.?" tanong ko ng pangalan nung nangbully.

"Jeremy Torres po"sabi niya."Papalampasin ko muna to sa ngayon Mr. Jeremy Torres at kapag inulit mo pa to ay sa guidance councelor ka na lang magpaliwanag ah?" nakangiti kong sabi.

"O-opo Ms. President, hindi na po mauulit" kabadong sabi niya.

"Okay...pwede nang dumiretso ang lahat sa Cafeteria tapos na ang palabas." sabi ko.

Papalakad na sana ako ay nagulat ako nang biglang may humawak sa braso ko at hinila ako papalapit sa kanya at niyakap ako. Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari.

Nagulat lahat ng nakakita sa nangyari.

"Thank you Ms. President for saving me earlier" sabi nung nabully kanina.

"Ano ka ba, wala yun. Duty ko yun bilang SGC president na itigil ang mga ganoong pangyayari sa loob ng school na ito." paliwanag ko.

Agad naman siyang bumitaw dahil narin siguro na na-sense niya na naiilang ako.

"Ayy shala, sorry kung nayakap kita. Natuwa lang masyado kasi first time na may nagtanggol sa akin about sa gender ko." paliwanag niya.

"I have no problem with that , but may I suggest na sa cafeteria na lang natin ituloy yung kwentuhan? Nagugutom na kasi kami si Sofia eh HAHAHAHA" sabi ko.

"Oo nga pala, sige tara at saka nagugutom na rin ako." nakangiti niyang sabi.

Habang naglalakad kami ay bumabati sa akin yung ibang students, samantalang yung iba naman ay pinagmamasdan yung transferee na *alam niyo na*.

"So, bakit ka nagtransfer dito sa school namin?" tanong naman ni mhiemabels Sofie, hindi ko pa nasasabi sa inyo na siya ang Vice President ng SGC at bff ko.

"Kung ano yung nakita niyo kanina, ganun lang eh." nakayukong sabi niya.

Dahil medyo naaawa ako sa kalagayan niya....

I think kailangan ko nang gamitin ang kapangyarihan bilang pagiging anak ng may-ari ng school.

"Uhmmm....may sasabihin ako sayo pero satin-satin lang ito ah?"sabi ko sa kanya.

"Uhmm...sige po Ms. President"sagot niya.

"Balak ko na ilipat ka ng section...dun sa section namin,tutal parehas lang naman tayo ng grade eh...sasabihin ko to mamaya kay Dad at sa Principal."sabi ko

"P-po?Dad ba kamo?"tanong niya.

"Oo...Kami ang may-ari ng school na to...pero hindi ko inaabuso yun kasi magagalit si Daddy sa akin."sagot ko.

"Eh bakit mo sasabihin sa Daddy mo na ilipat ako sa section niyo?Baka mapagalitan ka ng Dad mo?"sabi naman niya.

"Maiintindihan ako ni Daddy...tsaka labag rin sa rules ng school ang pambubully"sagot ko.

"Talaga?!?Maraming salamat talaga Ms. President at sayo na rin Ms. Sofia"sabi niya.

"Oh please cut the formalities...Skyliene Amber Montecarlo Park at your service"sabi ko.

"Ako naman si Sofia Ashlie Buenaflor Kim...And I'm the SGC VP of this school"sabi naman ni Sofia.

"My name is Zaccheus John Mendoza Yoon. But...my other name is Zandra Julia.....hahaha!"natatawang paliwanag niya.

Pati kami ay natatawa ni Sofia sa mga sinasabi nitong si Zandra daw...hahahaha.

After nun ay agad kaming pumunta sa mga room namin dahil baka magsimula na ang klase.

"Sige na Zands...inform na lang kita mamaya...i-chat na lang kita."sabi ko

"I-add friend na lang kita sa FB...ano username mo pati na rin ikaw Sofia"sabi ni Zands.

"Kyliene Amber Park"sabi ko."Sofia Ashlie Kim."sabi naman ni Bhie.

Nagpaalam na kami kay Zands.

At tuluyan nang pumasok sa room.

After ng class namin ay agad kaming dumiretso sa principal's office.

*Knock*Knock*

"Come in"rinig kong sabi ni Principal.

Agad kaming pumasok ni Sofia sa loob.

"Oh,Ms. Park and Ms. Kim...what brings the both of you here?"nakangiting tanong niya sa amin ni Sofia.

Sinabi nga namin ni Sofia yung dahilan.

Agad namang pumayag yung principal basta kapag pumayag na si Dad dun lang siya raw ililipat si Zands.

Pagkauwi ko ay sinabi ko agad ito kay Dad...pinaliwanag kong mabuti para maintindihan niya...agad din naman siyang pumayag.

Nasabihan pa nga ako na mabait daw ako eh.

Hahahahahahaha!

Mission Success!

________________________________________
I would really appreciate if you support this story everyone \ >♡< /

Please vote and comment guyseu!!!
Kamsahabnida!

I Love You No Matter What You AreWhere stories live. Discover now