START

1 0 0
                                    

Remy

"Di ka pa ba papasok?" Tanong ni Lia na kakarating lang. Inayos niya ang palda niya bago umupo sa katabing upuan ko. Dinamdam ko lang ang hangin na tumatama sa aking mukha.

Nandito kami sa rooftop ngayon. Balak ko sanang huwag pumasok ng huling subject ngayong hapon dulot ng katamaran.

"Nilulubos ko pa itong oras! Minsan lang umabsent si Ma'am Aquino, ano ka ba!" Sabi ko habang natatawa. Bahagya lang itong napairap at tiningnan ang oras.

"Di ka ba marunong tumingin sa orasan? Mag-aalas tres na. Last subject na lang naman iyon. Pasukan mo na! Buti na lang wala si Ma'am Aquino kundi huli ka rito. Bawal magcut ng class dito. Abay di porket nage-excel ka ay aab--" tinigil ko na ang pagsasalita niya nang tumayo ako at naglakad papunta sa hagdan.

Alam ko naman na ang sasabihin niya at as usual, mapapasunod at mapapasunod lang niya ako sa pagiging madada niya.

"Hoy babaita! Hintayin mo ko" napalingon ako sa kanya. Napangiwi ako nang makitang pinatungan pa niya ang makapal niyang pink na lipstick. Napahalukipkip na lang ako nang makitang nagpulbos pa ito.

"Tama na yan! Mukha ka ng crinkles with strawberry fillings na binibenta ni Aling Ninay sa canteen" sabi ko na lang. Inirapan nanaman niya ako. Nagsasabi lang ako ng totoo.

Inintay ko lang ito upang sabay na kami sa pagpasok. Hinambalos naman niya ako nang makalapit ito.

"Palibhasa kasi walang nanliligaw sayo! Alam mo matuto ka kasing mag-ayos. Mukha ka ng gurang" saad nito. Di ko na siya pinansin dahil baka lumala pa ang asaran namin.

Pagpasok namin sa room, napatingin lahat sa amin ang mga kaklase namin. Ang creepy dahil sabay sabay silang lumingon.

Anong meron?

"Makapal ba masyado yung face powder ko? Bakit ganyan sila makatingin?" Bahagya akong natawa sa tanong niya. Wala naman talagang mali sa itsura niya. Inaasar ko lang siya kanina.

Lumingon na ulit sila kani-kaniya nilang gawain. Napaupo na lang kami sa upuan namin ni Lia.

"Antonette! Anong meron?" Tanong ni Lia sa katapat niyang upuan. Medyo nanginginig si Antonette sa pagsusulat nang kausapin siya ni Lia.

"Di niyo pa ha nababalitaan yung nangyari kay Sophia?" Sabi nito. Nagkatinginan lang kami ni Lia dahil wala naman kaming alam sa sinasabi niya.

"Bakit? Anong nangyari kay Sophia?" Tanong ko.

"Natatandaan niyo ba nung biyernes na absent si Sophia? Nung araw na yun, nawawala na siya" napahinto ito sa pagsasalita. Bahagya itong napalunok.

Di ko naman napansin na absent pala si Sophia nun. Hindi naman kami gaanong close.

"Biyernes, Sabado, Linggo siyang pinaghahanap ng mga magulang niya kung saan saang lupalop. Pati mga otoridad, hinahanap rin siya" pagpapatuloy nito. Nakatuon lang kami sa kaniya habang nagsasalita siya. Para bang nagkaruon kami ng interes sa kwento niya.

"Ano? Nahanap na ba siya? Nasaan na daw siya ngayon?" Tanong ni Lia. Curious na rin itong isang 'to.

"Tapos nitong Linggo ng gabi nahanap siya" sabi nito. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.

"Ayun naman pala! Nahanap naman na pala siya. Bakit pa tayo namomroblema?" Sabi ko na lang. Bakit ganun pa siya magkwento? Akala ko naman kung ano na nangyari. Medyo kinakabahan pa naman ako.

"Yun na nga! Nahanap siya pero ang nakakapagtaka doon ay nahanap siya sa kwarto niya, natutulog. Napagkamalan pang gumagamit ang mga magulang niya. Pero sigurado ang parents niya na wala doon si Sophia nung mga panahong hinahanap siya" medyo tumataas pa ang boses nito habang nagkukwento na para bang nakakatakot at nakakagulat yung nangyari.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Jun 15, 2019 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

A Sleep To DeathOù les histoires vivent. Découvrez maintenant