May 26, 2019

Mahilig ako mag expect pero sa araw na ito pinipilit kong huwag mangyari. But then nasa isip ko na. Naimagine ko na yung mga scenario. Habang papalapit yung araw ng grad ball namin diko maiwasang isipin sa gabi. Lahat ng mangyayari. Between me and him. Between her and him. The guy who have a secret crush for me.

And there it goes...

My fave part was approaching which is the buffet HAHAHAHAHA we laugh and laugh while watching the videos prepared by Student Government. Hay memories. Malapit na kaming grumaduate and i can feel na iiyak kaming lahat for sure. But there is this one guy na diko talaga mapredict ang kahit ano sa kanya. He's so mysterious na nakakainis na.

Imagine he is one of the guy na naging kaibigan ko. First circle of friends kami ang pinaka close. Lagi nilang sinasabe iba yung closeness namin. Then ayun asar dito asar doon. Hanggang sa girl nagkagusto na ako. Wala na dire diretso na yon.

Napalayo na yung kwento hahahaha eto na nga at tapos na akong kumain. The guy i said a while ago was 2 seats away from us. Share ko lang na di na kami nag uusap. Mga 2 months mahigit na. At diko alam ang rason nya. Last time na magkaganto kami nagawa nya pang mag sorry which is nakakagulat. Kasi ilang beses na talagang paputol putol yung friendship namin tapos bigla na naman kaming magiging super sweet sa isat isa. Then boom etong ilangan naming eto ngayon wala nang pag asa. Kasi alam ko sa sarili ko na may problema din sakin eh kaso sya para syang mushroom. Walang pakiramdam. Bigla na lang susulpot. Bigla na lang aanihin ng iba. Bigla na lang mawawala.

Okay napalayo na naman kwento ko. Pero eto na yung part na para sa slow dance na. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na "you shouldnt expect girl" pero napapatingin parin ako sa table nila. Hindi ko alam kung kahit isang beses ba naisip nya na isayaw man lang ako. Naging magkaibigan naman kami. Buti na lang isinayaw ako ng isa kong classmate. Sinasabi nila na may gusto daw sa akin pero dedma te. Kaibigan ko yun eh. At nilalagay ko na lang din yung sitwasyon ko sa sitwasyon nya ayaw ko ding makasakit gaya ng nararamdaman ko sa isang kaibigan noon.

Ang hirap. Ang hirap makita siya na may kasama ng ibang babae pero napapaasa nya lang din naman. Ganyan siya ka friendly at kasweet na di mo na sure kung anong status nila. Madalas naaawa ako kay another girl pero minsan tampo kasi she was once my kachikahan buddy about that guy tapos kino comfort nya din ako. Then makikita ko umaasa na din siya. Pero its alright naging useful naman siya kay girl kasi nabawasan yung suicidal thoughts nun. In the end magkakaibigan pa rin naman kami na ang gusto ay sumaya lang din naman sila.

Natapos yung ball na masaya. Masaya kaming buong section. Habang siya naka upo lang dun walang balak magsayaw ng kahit na sino. Kahit expected ng lahat na isasayaw niya yung kasama niya. Sumayaw lang sila nung tinulak na sila sa gitna pero kung ako yung girl di naman ako magiging masaya na pilit lang yung sayaw ko sa kanya.

Hindi na kami nakakapagpa picture sa kahit na anong event within the month na hindi kami nag uusap which is sobrang nakaka sad. Tinanggap ko na lang na people come and go. May pumalit na sa pwesto nila. Napapasaya naman na ako ng bagong kong kaibigan. Sana masaya rin siya.

Hindi ko nga lang maiwasang maiyak sa bar kung saan ang aming after party nung naisip ko siya. Kung paano kami kung maayos pa, walang ilangan. Lumabas na lang ako kasi ayaw ko na makita ng mga kaklase ko na iniiyakan siya. That's enough. Hayyy

Wish ko lang maging normal na ex classmate ko na siya next school year. Same school naman kami. Kahit yubg fact na magkakilala kami. Yun na lang

Roses and ThornsWhere stories live. Discover now