"Ha? Anong sabi mo? Huwag mo a—" hindi na natapos pa ni Rema ang sasabihin ng tumabingi na lamang bigla ang kanyang mukha't bali na rin ang kaliwang kamay na hindi man lang nya naramdaman. Mabuti na lamang at nasalo agad ni Tristan si Margaux nang mabitawan ng higante ang dalaga.

Parang biglang nagbalik sa katinuan si Margaux at nagsisimula nang manginig ang buo nyang katawan dahil sa pinaghalong pagtataka't pagkatakot. Pagtataka dahil bigla na lamang syang nilamon ng dilim at pagkatakot dahil sa mga higanteng nilalang na nasa kanyang harapan. Binuhat naman ni Tristan ng pa-bridal style si Margaux habang inaaloalo ang dalaga upang kumalma ito.

"Fuck you Rema! Mamatay ka na!" galit na wika ni Miyasaki habang nagliliyab sa apoy ang buong katawan na ikinaatras ng mga higante. Ang apoy na ito ay madalas sa isang malalakas na royal family lang makikita at ito ang kulay asul na once in a blue moon lamang lumalabas sa dalaga. At lumalabas ito kapag wala na sya sa matinong pagiisip dahil sa matinding emosyon na kanyang nararamdaman. She can be creative most of the time but very destructive at the same time. Yes, oo, may pagkakapareha sila ng kanyang kakambal na si Misaki but ang pinagkaiba nga lang ay may knowledge si Misaki sa kanyang mga kapangyarihan. Pero hindi si Miyasaki, she didn't aware of what she can do kapag nilamon na sya ng matinding emosyon.

"AAAHHH!!!!! SAKHEN FU!!!" ("AAAHHH!!!!! PAPATAYIN KITA!!!") nangagalit na sigaw ng higante at sinenyasan ang mga kasama na sumugod at ganoon din sya. Natigil ang lahat ng may isang puting ilaw ang bumagsak mula sa kalangitan. Lahat sila'y nilamon ng hindi mapaliwanag na liwanag.

Unti unting naglalaho ang liwanag at isang hugis ng isang tao ang kanilang nakita, wala itong mukha tanging hugis lamang mula ulo hanggang paa ang makikita. Para silang natuod sa kanilang kinatatayuan dahil sa nangyari. Mabilis na tumayo si Margaux nang marealize nyang ang kanyang ina iyon kaya mabilis syang tumakbo dito't niyakap ang ina. Hinaplos naman ng anyo ang mukha ni Margaux na maysugat.

Iba ang nakikita ni Margaux sa nakikita ng lahat. Si Margaux ay nakikita ang kanyang ina at ang mga nilalang na nasa paligid nya ay hugis lamang ng isang babae.

"I'm fine... don't worry..." mahinang wika nito sa ina habang dinarama ang haplos nito. Hinalikan naman sya nito sa noo kasabay ng pagliwanag ng buong paligid.

***

Limang buwan na ang nakakalipas simula nang mangyari ang pangyayaring iyon ngunit ni isa sakanila ay walang maalala sa nangyari. At sa limang buwan na nakalipas ay wala man lang kahit anong progress sa araw araw na buhay nya. Para bang balik muli sa umpisa ang buhay nya. Well hindi naman bumalik sa umpisa parang boring lang palagi ang buhay nya.

At sa loob ng limang buwan ay na tututo na syang magsalita ng tagalong kahit papaano pero hindi ang mga Itsumi ang nagtuturo kung hindi ang karoom mate nya. Naging busy rin naman kasi ang mga Itsumi kaya hindi nila nagawang turuan ng Filipino si Margaux. Well... sabihin na natin na pinakalma na muna nila si Tristan.

Habang nasa canteen sya't seryosong kumakain bigla nalang syang natigil at nakaramdam ng malamig na likidong dumadaloy sa kanyang ulo hanggang sa kanyang mukha. Napatigil din lahat ng mga estudyanteng naroon.

"How does it taste?" nakangising wika ng babaeng may galit ata kay Margaux.

"Sorry but not sorry Shelly. I didn't tastes it, so I don't know." wika nito at tumayo tsaka hinarap si Shelly na nakangis lang sakanya.

"Oh? Is that so... edi tikman mo!" sigaw nito sabay pasak sa bibig ni Margaux ang boteng hawak nya na may lamang orange ngunit hindi iyon nagawa ni Shelly dahil tinulak sya agad ni Margaux.

"Leave me alone, Shelly or you want to..." humakbang naman papalapit si Margaux at bumulong kay Shelly gamit ang boses na kahit sino'y matatakot at mapapasunod.

THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓Where stories live. Discover now