At tsaka sila nag upuan nag tawag naman ako ng maid na mag handa ng lunch at tsaka naman dumating si Brent na bitbit ang pagkain na gustong gusto ko.

"Hey Laura girl may dala akong cheese at ice cream na cookies and cream nabanggit kasi ni Brent na ito ang kinakain mo." Nakangiting sabi ni Karla at inabot sakin ang dala nya kaya napangiti ako.

"Nutella and mango." Sabi ni Ishy at inabot naman sakin ang dala nya.

"Wow thanks." Sabi ko.

Kaya nag simula na silang mag lunch at ako naman ay nag lagay ng nutella sa tinapay at pinatungan ko ng manga at tsaka iyon kinain grabe ang sarap talaga. Napatingin naman ako kay Brent na habang nakain ay nakatingin sakin.

"Here hubby take a bite." Sabi ko at inabot sa kanya ang kinakain ko.

Pero napangiwi sya at umiling kaya agad na nangilid ang luha ko dahil feel ko niaaway nya ako.

"Hala teka joke lang akin na." Natatarantang sabi nya ng makitang tumulo ang luha ko kaya agad syang kumagat sa hawak ko kaya napangiti naman ako.

Nag tawanan naman ang mga kaibigan ko dahil sa nangyare kaya nag si balikan na sila sa pag kain. After ng ilang oras na pag stay nila dito sa palasyo ay umalis na din sila dahil may mga trabaho pa daw silang kailangan gawin kaya kami naman ni Brent ay umakyat sa taas at nag punta sa veranda kung saan kita ang buong lungsod.




Brent's POV

Ang nakaraang buwan ay nakakapagod dahil hirap na hirap ako kay Laura minsan ay hindi ko sya maintindihan sa tuwing umaayaw ako sa gusto nya at umiiyak sya at sinasabing inaaway ko daw sya. At tsaka mabaho daw ako hindi ko sya maintindihan kahit bagong ligo ako eh mabaho daw ako. But mom said i should understand my wife cause she is pregnant kaya ayun nalang ang ginagawa ko. Na kahit palagi nya akong sinusungitan at inaaway ay iniintindi ko na lamang sya dahil mahal ko at higit sa lahat ay baka nag mamana sakin ang anak namin.

"Hubbyyyy!" Dinig kong sigaw ni Laura sa kwarto kaya kaagad akong tumakbo doon.

At nakita ko syang nakanguso saakin as always naman.

"I'm hungry i want cheese and ice cream." Sabi nya ngumiti ako lumapit sa kanya at yumuko

"Kiss muna" ngising sabi ko at ngumuso kaya napataas ang kilay at.. at..

Binatukan ako kaya napaupo ako sa sahig at hinawakan ang ulo ko na nabatukan nya.

"Ikuha mona ako dun hubby naiinis na ako." Masungit na sabi nya.

"Oka okay i'll get it." Sukong sabi ko at tsaka kinuha ang gusto nya.


Laura's POV

Isang buwan na ang lumipas at malapit na akong manganak pero ngayon ay kailangan umalis ni Brent dahil kailangan daw sya ni Rosh sa academy may aayusing gulo kaya nalungkot naman ako pero inintindi ko nalang dahil alam ko namang importante iyon.

"Hon are you sure na okay lang sayo aalis ako?" Tanong ni Brent habang yakap ako.

"Oo naman basta mag iingat ka at umuwi din kaagad ha?" Sabi ko at hinalikan sya sa labi.

"Alright Yuan will take care of you habang wala ako. I love you." Sabi naman nya at hinalikan ako sa noo at tsaka sya nag lakad.

"I love you too ingat." Sabi ko at kumaway sa kanya.

Sakto namang pag alis nya ay ang pag dating naman ni Yuan. Sa maniwala kayo o hinde mag kaayos na sila ni Brent dahil mabait rin naman ang panget na to.

The Goddess In The Sky Where stories live. Discover now