Chapter 21

2.3K 49 0
                                    

Laura's POV

Ilang araw na ang lumipas at usap usapan padin sa buong Academy ang pagkawala nila Brent. Pero mabuti na lamang ay maayos na sila ngayon si Ishy naman okay na hindi na sya nanginginig palagi sa takot ganon din Karla, Bryan and Lucas.

And nakakapasok na ulit sila sa mga klase kaya ayun balik na sa dating gawi. Nag lalakad kaming anim ng makasalubong namin si Risha.

"Hello." bati nya samin

"Hello"

"Hi"

"Sabay akong mag lunch." si Risha kaya pumayag naman kame.

Umupo na kami sa table habang si Bryan and Lucas naman sila ang nag order utos na rin ni Brent. Masaya ako kasi okay na sila naka recover na sila sa nangyare, hindi na namin yun pinag uusapan kasi gusto na namin kalimutan yung nangyare kaya sa abot ng makakaya ko ilalayo ko sila sa kapahamakan tungkulin ko naman iyon as a goddess nila diba?

Matapos mag lunch ay napag pasyahan naming mag punta na sa next subject at sa subject nato mag kakasama kaming silvarians na as in kaming anim lang talaga. Ang subject na ito ay cookery mag babake kami ng cookies or any pastry, bagong subject lang ito para saming Silvarians dahil halos si Brent lang ata ang marunong mag luto samin.

"Excited na ako." sabi ko habang nahagikhik.

"Mee too." si Ishy.

"Sana all." si Karla kaya napangisi kaming dalawa ni Ishy.

Pag dating sa room na ang itsura ay kitchen talaga naabutan namin si Miss Lury ang teacher namin sa cookery.

"Goodafternoon Silvarians." nakangiting bati samin ni Miss Lury.

"Goodafternoon Miss." sabay sabay na bati naming anim.

"Come here."

Lumapit kami sa table kung nasaan si Miss at tsaka nya kami pinaupo. Nakalagay sa table ang mga Ingredients para sa lulutuin namin.

"So Girls vs Boys i challenge you to bake a cookies." sabi ni miss na ikina angal naming girls.

"Hala miss ang unfair nasa kanila si Brent." nakangusong sabi ko at napatingin kay brent na ngayon ay nakangisi.

"That's okay Laura anjan naman sa inyo si Karla." sabi ni miss kaya wala akong nagawa kundi tumingin ng masama kay Brent na nakangisi sakin, subukan nyang galingan babatukan ko sya pag tapos namin dito.

Nag simula na kami. Ang table ng boys ay nasa kaliwa habang ang table naman namin ay nasa kanan. Nung una pinanood ko muna ang ginagawa ni Karla diko naman kasi alam na marunong pala tong si Karla pano kasi napakatahimik. Tumulong lang ako sa pag lalagay ng Ingredients na hindi ko naman malaman dahil wala naman akong ka alam alam sa pagluluto.

Binilog namin ang nagawang cookies at inilagay iyon sa tray tsaka ako nag lagay ng toppings sa ibabaw para pag naluto ay maganda tignan. Nilagay na namin iyon sa oven at inantay na maluto.

TING

Tunog yan ng alarm wag kang ano.

Napangiti ako ng makitang maayos naman ang pag kaka bake sa cookies kaya sana maayos din ang lasa hehe.

"Okay let me taste it." Sabi ni miss at lumapit samin tsaka iyon tinikman.

Kinakabahan ako sa magiging reaksyon nya pero wala syang bahid ng emosyon na pinapakita habang nginunguya ang niluto namin ganon din sa boys.

The Goddess In The Sky Where stories live. Discover now