EPILOGUE

68 1 0
                                    

>>KARLA'S POV<<

Naging mas masaya ang lahat lalo na ng magkabalikan ang kuya ko at si ate Ash. Si kuya kasi medyo tanga kaya di nya naisip na ligawan ulit si ate Ash, and he must thank me, dahil ako ang nag suggest sa kanya ng flash mob idea na yun na inspired lang dun sa proposal ni John Pratts Kay Isabelle Oli.

Today is their especial day, syempre ako yung brides maid and si papa naman ang best man ni kuya.

Ang ganda ng wedding nila, ito daw kasi talaga ang dream wedding ni ate Ash, and dagdag pa yung dream wedding ni kuya, so all in all it's "perfect".

Nakakatuwa parang nung nakaraang buwan 'di sila magkasundo, ngayon ikakasal na sila.

"Congratulations be" sabi ni ate Ailla kay ate Ash.

Nakakalaglag panga yung ganda ni ate Ash, ang ganda ng wedding gown nya, high low gown na may strap sa right side ng shoulder, then yung design nun is ganun din sa design ng gown ko at ng mga maid of honors, pairs din kami ng mga shoes, ang ganda tignan.

"Ate let's go?" tanong ko,

"Be may naghahanap sayo" nakangiting sabi ni ate Alvie,

"CATE!!!" Sigaw ng isang babae na mukhang amerikana, well maganda din sya.

"Amber, I'm glad you made it" sabi ni ate sa kanya,

"Of course, it's your big day, congratulations girl" masayang sabi nung Amber.

Sya siguro yung naging friend ni ate sa Europe?

Patayo na sana si ate ng biglang may dumating pang guy.

"Ate my isa ka pang bisita" sabi ko, may guy kasi na naghahanap sa kanya, pagkasabi ko kay ate sumilip sa kanya yung guy,

"Anong ginagawa mo dito?" bungad ni ate sa kanya.

"Chill, don't worry I'm not here to ruin your wedding" sabi nung guy,

"So what do you need?" tanong ni ate sa kanya.

"I came here just to say sorry" sagot nung guy,

"Sorry for what, Mr. Martin?" mataray na tanong ni ate Ailla,

"For ruining your relationship with Ken 8 years ago" sagot nung guy.

Wait third party ang dahilan kung bakit nagkalayo si ate Ash at kuya dati?

"Wait, am I missing something?" tanong ni ate Kathy na kababalik lang galing sa kung saan.

"Sino sya?" mahinang tanong ni ate Alvie kay ate Tams,

"Siya yung reason kung bakit umalis si Ash dati" sagot ni ate.

So other man ni ate Ash tong guy na to?

"Ate Kathy, ex ba yan ni ate Ash?" bulong ko kay ate Kathy.

"Shunga, yan yung fiancé dapat ni Ash dati" sagot naman ni ate sakin, nashunga pa talaga ako, eh.

"Can we start all over again? Can I apply as one of your friends?" tanong nung guy.

"In your dreams" sagot ni ate Ailla, to talaga si ate Ailla 'di naman sya yung tinatanong eh.

"Be, manahimik ka nga, 'di naman ikaw yung tinatanong, eh" saway ni ate Alvie sa kanya.

"Oo naman, sure, nasa church na sila, punta ka na dun" sabi ni ate Ash.

She's so bait talaga, kaya mahal ko tong si ate Ash, eh.

"Let's go" sabi ni ate Kathy saka kami sumakay sa limousine na bridal car ni ate pero sumabay na kaming anim sa kanya, and maid of honor din pala yung si ate Amber.

The Cat GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon