CHAPTER #13: BACK TO SCHOOL

73 4 0
                                    

»AILLA'S POV«

First day of school, napaaga ata kami nila Ash.

Nung nasa bulletin board na kami, medyo madami ng tao pero pagdating namin tumabi silang lahat to give way for me, Tams and Ash. Dito kasi sa University kaming tatlo lang ang kabilang sa elite list. Mga rich kids din naman ang nag-aaral dito, parang empire high lang, yung school sa 'the heirs', pero walang nambubully dito.

Naiinis na nga kami nila Ash, kasi kung itrato nila kami parang sobrang kaaiba kami parang ilag sila samin. Pero nung 1st year pa kami nun, nung kinausap namin sila nagbago naman.

~~~FLASH BACK~~~

1st year days

Wala kaming kaibigan nila Ash so wala akong makadaldalan. Nung nag lunch break pinuntahan ako ni Ash at Tams.

"Tara na lunch na tayo" sabi nila so pag punta namin sa canteen, haba ng pila, pero nung pumila si Ash nawala yung mga taong nakapila.

"Bakit sila umalis?" Tanong nya.

"Hayaan mo na sila order ka na lang" sabi ko naman.

Nung naghahanap kami nang table may dalawang babae na nakaupo tapos may apat pang vacant seat sa tabi nila so lumapit kami.

"Excuse me, pwede maki share nag table?" Tanong ni Tams in polite way,

"Sige sa inyo na po" sabi nung girl.

"Tara na dali" sabi nung isa nyang kasama, tapos umalis silang dalawa.

"Bakit nila tayo iniiwasan?" Tanong ni Ash.

"Teka lang isang linggo na tayo dito, ah, may friends na ba kayo?" Nagtatakang tanong ni Tams.

"Wala pa nga, eh, wala tuloy ako kadaldalan" pag rereklamo ko.

"Ako din, eh" sabi ni Ash.

"Ang weird naman" sabi ni Tams.

"Bakit?" tanong ni Ash.

"Kasi isang linggo na tayong ganito, iniiwasan tapos pinapauna sa pila, binibigyan ng table tapos parang ilag na ilag sila satin" paliwanag nya.

Lumapit ako kay Tams then after kay Ash at sumunod inamoy ko sarili ko.

"Ano ba ginagawa mo?" Tanong ni Tams.

"Hindi naman tayo mababaho, ah, ang bango kaya nang perfume ko," sabi ko pa.

"Pero bakit kaya nila tayo iniiwasan?" Tanong ni Tams.

"Di kaya alam nila?" Tanong ni Ash.

"ANG ALIN?" Sabay naming tanong ni Tams.

"That were Elite, tapos kami ang may ari nang school na to?" Sabi nya at tumayo bigla.

"Hoy san ka pupunta?" Tanong ko

"Sa principals office" sagot nya.

"Ash anong gagawin mo dun?" Tanong ni Tams,

Pero di sya sumagot. Nung nasa loob kami ng principals office.

"Lady Ashley ano po maipaglilingkod ko?" Tanong nang principal.

"Mr. Principal" sabi ni Ash.

"Roger na lang po lady Ashley" sabi ng principal.

"No, Mr. Principal, gusto ko po itrato nyo kami as normal students" sabi ni Ash.

"Pero ---" naputol ang sasabihin ng principal ng magsalita ulit si Ash.

"Mr. Principal, gusto namin ng mga kaibigan ko maging normal na students, and gusto namin makihalubilo sa mga school mates namin, pero pano po namin yun gagawin kung ilag sila samin?" Sabi nya.

The Cat GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon