Darkness no.31: Dr. Vargas

Começar do início
                                    

Agad ni kuyang tinawagan ang nakasaad sa libro na phone number. Pero ng kanya itong tinawagan ay sekretarya nito ang nakasagot. Sabi ng sekretarya nito ay wala na daw ito sa ospital na pinapasukan nito kundi nasa bahay na.

"So then ibigay mo na lang sa amin ang address niya please." Wika ni kuya rito.

X~X~X

Doctor Raffy Vargas. Yan ang pangalan ng doctor na pupuntahan namin ngayon. Tinanong ko si Kuya kung bakit ang doctor na ito ang naisip niya na makakatulong sa amin. Simple lang ang naging sagot niya. Dahil isa itong doctor na naniniwala sa buhay na walang hanggan at raencarnation. 

Sa isang exclusive na village ako dinala ni Kuya. Pag pasok palang namin sa gate nito ay biglang bumungad sa amin ang gawa sa metal na pangalan ng nasabing village. Ang Green land.

"Sir may appointment po ba kayo sa loob?" Tanong ng gwardiya sa amin pagkatapos kaming harangin.

"Yes kay Mr. Vargas kami pupunta."

"Sir wait lang po."

Agad na tumawag ang guard sa tahanan ni Mr. Vargas. Agad ko namang narinig ang isang lalake na sumagot mula sa kabilang linya.

"Ahhmm Sir check ko lang po kung meron kayong appointment to Mr..." Pagpuputol ng gwardiya.

Agad nitong tinanong si kuya kung ano ang kanyang ngalan sabay pag patuloy nito sa kanilang pag uusap.

"Ahh sir Kay Mr. Sherwin de Guzman daw po?"

Agad namang sumagot ang nasa kabilang linya na. "Sige papasukin mo sila."

Pagkatapos nun ay agad na kaming pinapasok ng gwardiya. Hinawakan ni Kuya ang kamay ko pag pasok namin sa loob ng exclusive village. Mainit ang kamay nito. Kahit hindi siya magsalita ay tila gusto nitong iparating na. "Malapit na tayo. Magiging tao kana muli."

Pagkatapos ng halos sampung minutong pag mamaneho ay tumigil si kuya sa harap ng isang malaking bahay.

Automatic na bumukas ang gate nito. Kinambyo nito ang kanyang kotse at agad na pinaandar ulit  upang pumasok sa paradahan ng malaking bahay.

Magarbo ang bukana ng bahay. Halata mula sa desenyo nito na mayaman ang nag mamay-ari.

"Baba kana." Wika ni kuya pagkahinto ng sasakyan

Agad nakong bumaba. Ibang pananabik ang bumalot sa aking buong katawan pag tapak ng aking mga paa sa lupa. Hindi ko mawari. Para akong kinikiliti ng kakaibang sensesyon.

Sa bukana ng malaking bahay ay may nag aabang na lalaki. Naka puting shirt ito at naka black na pantalon. Maaninag mo narin sa kanyang mukha ang kanyang edad dahil sa bahagya nitong kulubot sa kanyang mukha.

Nanguna si Kuya. Nakita ko na bahagya niyang inangat ang kanyang kamay upang yakapin ang lalaking ito.

"Musta kana doctor?" Wika ni kuya sabay yakap.

"Matagal narin tayong hindi nag kikita ahhh." Wika naman nito. "Lika pasok kayo sa loob.

Sinundan namin ang Doctor na ito mula sa kanyang malaking bahay. Napaka homey ng loob nito. Marmol ang buong sahig na kulay peach, Makikita mo rin ang isang malaking chandelier sa may sala nito, Meron karing makikitang isang malaking aquarium na hugis spiral na puno ng mga ibat ibang kulay na isda.

Agad naman kaming pinaupo ni Doctor Vargas. Makikita morin sa kanyang mukha ang kasiyahan habang sa harapan naman nito ay may nakahanda ng kape at ilang mga nakakatakam na dessert.

"So Sherwin anong atin???" Tanong kaagad ni Doctor kay Kuya.

"Hindi nako magpapaliguy liguy pa Doc. Kailangan namin ng tulong niyo?" 

"Anong klaseng tulong?" Tanong nito ulit.

Sa puntong yun ay tumingin sa akin si Kuya. Sumenyas siya sa akin na "Tumayu ka." Agad naman akong tumayo mula sa aking kinauupuan. 

"Tignan mo doctor ang mangyayari."

Kinuha ni Kuya ang isang tinidor na nasa harapan ng lamesa. Inangat naman ng bahagya ni Kuya ang kanyang kamay at walang anu anoy bigla nitong sinaksak ang tinidor sa braso ko.

Nagulat si Doctor. Hindi niya kasi maintindihan kung ano ang gusto naming iparating sa kanya sa ginawa naming akto.

"Are you crazy???" Wika pa nito habang napapatayo na sa kanyang kinauupuan.

Agad na binunot ni Kuya ang tinidor sa aking braso. Ang iilang dugo na lumabas rito ay pumatak pa mula sa malinis na sahig.

"Now doc. Ito ang hihingan namin ng tulong." 

Mula sa pag kakatayo ni Doctor ay matalas niyang tinignan kung ano ang mangyayari sa aking natamong sugat. From His naked eye ay unti unti itong kusang naghilom. Tila ang mga ugat nito sa loob at ang mga veins ay lastikong nag didikit dikit ng kusa.

"I cant believed it!!! Pano nangyari yun???" Gulat ng doctor.

X~X~X

Sobrang gulat parin at tila hindi maka move on sa pangyayari si Doctor Vargas. Sa puntong yun ay dito na namin sinabi ang aking tunay na katauhan.

"So isa kang Bampira? Ganun bayun?" Wika nito na may pag dududa.

"Ganun na nga ho Doc. Pero mabait po ako." Pagtatanggol ko sa aking sarili.

Muling umayos ng upo si Doctor Vargas sa malambot na upuan. Halata sa pinapakita nitong expression na hindi pa namin siya nakukumbinsi.

"And so anong tulong ang gusto ninyo Sherwin?"

"Ahhm Doc alam koho na kayo lang ang makakagawa nito at aking mapag kakatiwalaan. Kaya ang gusto ko po eh tulungan niyo ang aking kapatid na muling maging tao.

"Ano? Maging tao? Nahihibang naba kayo. In my 20 years of excistence sa mundo ng medesina eh wala pang nakakagawa ng ganyan.

"Meron ho!" Pagyayabang kong sabi.

Nakita kong umangat ang kilay ni Doctor sa mismong harapan ko. Sabagay sino ba namang hindi niya kilala ang bigla nalang susulpot sa bahay niya at biglang sasabihin na "Meron ho!" Syempre ako lang.

"Then prove it!" Hamon niya.

Tumingin ako sa paligid ng bahay ni Doctor. Naghahanap kasi ako ng pwede kong sulatan.

"Doc meron ho ba kayong papel at lapis." Request ko.

"Meron." Sagot naman niya.

Ngunit hindi lang papel at lapis ang binigay sa akin ng doctor kundi isang malaking white board.

"Gusto ko eh diyan mo isulat lahat ng nalalaman mo tungkol sa antedote na sinasabi mo."

Agad nakong napunta sa harapan ng puting pisara. Binuksan ko ang black white marker pen at sinimulan ko na itong isulat sa wala pang sulat na board.

Agad kong pinagana ang aking memorya. Malinaw pa sa aking isipan ang bawat numero at kung ano ano pang imahe ang naka suklat sa ding ding ng bahay ni Emilio. Para na itong naka save sa utak ko. 

Halos mapuno ko ang harap at likod ng malaking white board nayon. Natapos ko lang ang lahat ng yon ng wala pang isang menuto.

"Tapos na po doctor."

Pag harap ko kay Kuya at kay Dotor Vargas ay pareho silang naka nganga. Halos hindi rin sila makaniwala sa pinamalas ko.

"You are Incredible!" Tanging nasabi ni Doctor Vargas pagkatapos kong mag sulat.

Agad siyang nagpunta sa white board. Manghang mangha siya sa mga sinulat kong formula. Kulang nalang eh dilaan niya ito.

"So Doc kaylan ho tayo magsisimula?" Tanong ko kaagad.

Agad namang tumingin sa akin si Doctor Vargas at agad na sinabi na. "As soon as possible!" Sagot naman niya.

Red Moon (Published Book under LIB)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora