Sabay sabay naman silang nagsigawan habang papalabas ako ng pinto. Mga baliw talaga.

"Uy bro, wait lang may nakalimutan ka." Napalingon naman ako dahil sa sinabi ni Aljun. Huh? Wala naman akong dapat dalhin ah?

"O, ano yan?" Tanong ko.

"Jacket, baka gusto mong bigyan si Tin." Sabay abot niya sakin ng jacket. Natawa naman ako, puro talaga kalokohan 'to eh! Masyadong pinanindigan na si Kuya Wil ako?!

Binigyan ko naman siya ng mahinang suntok sa braso, "Ugok! Bye na nga."

Napabuntong hininga naman ako bago ako pumasok sa kotse ni Kuya Thomas. Yes, pinahiram sakin ni Kuya Thomas yung kotse niya para dito sa friendly date namin ni Tin, wag daw akong pagong gaya niya. Pagong pa ba siya? Sila na nga ni Ate Ara eh! Oops, nadulas ako. Sorry, ThomAra!

-

Tinext ko naman si Tin na nandito na ako sa tapat ng dorm nila. Hiningi ko yung number niya kahapon through DM para kako mabilis ko siyang maco-contact today and binigay naman niya. Yun ang #damoves, everyone! Joke.

Pagtingin ko naman sa gate nila saktong bumukas yon and there I saw Tin with her teammates. Full force ang teammates niya, front liner pa si KAF, Ate Kianna and Ate Justine. Hindi ko naman mapigilang mapatawa dahil lahat sila mga nakapamewang tapos nasa gitna nila si Tin.

Kinatok naman ni KAF yung bintana ng kotse kaya binuksan ko.

"Hoy Caracut! Ingatan mo 'tong si Tin ah!" Sabi sakin ni KAF, "Kita mo 'tong tsinelas ko?" Sabay taas ng tsinelas niya. "Bagong bago pa 'to kaya pag may nangyaring masama dito kay Tin tatama 'to sa mukha mo!"

"Umayos ka Andrei ah! Isusumbong kita kay Joshua pag sinaktan mo 'to!" That's Ate Justine. Yun o, lumalayag din TiuRralba!

"I will spike you pag sinaktan mo si Tin!" And that's Ate Kianna, "Wala kang dalang jacket?" Pahabol pa niya at natawa naman ako saka umiling.

"Sige na, umalis na kayo. Hoy Caracut, ibalik mo 'to by 9pm ah?" Pagpapaalala sakin ni KAF bago niya papasukin si Tin sa kotse.

-

Pinagbibigyan mo lamang ba ako ngayon?
Nasa gilid ko amoy ko ang iyong pabango.

"Game?" I asked her saka ko siya tinitigan. Hay, ang ganda niya.

Ano 'tong dagang gumagapang sa aking dibdib,
Habang tinititigan ka kunwari nakikinig.

She gave me a sweet smile naman, "Game."

Hindi ko alam kung kakabahan ako o kikiligin eh. Pucha guys, yung crush ko katabi ko na ngayon! Dream come true!

'Di makapaniwala kasama kita ngayon at walang hadlang.
Hindi makapaniwala, ang sarap maligaw sa ating kwentuhan.

"So, where do you plan to take me pala?" She asked me. Huhu yung mga tingin talaga ni Tin! Jusko, kill me now kinikilig si Willie!

"A-ah sa Domo at Tomas Morato. Kianna mentioned to me kasi that you like Japanese food daw." Sagot ko. Nags-stutter ako dahil stunning po yung kasama ko ngayon, friends. [A/N: I don't know if Tin really likes Japanese food, just for the sake of the story lang. Hehe.]

DreamsWhere stories live. Discover now