Sick

561 11 2
                                    




"Daddy!"


Salubong sakin ni Chris pagpasok ko ng pintuan. Kinarga ko naman siya at saka pinaghahalikan. Nakakagigil kasi, ang taba taba ng pisngi parang mommy niya.


"Daddy, you're hot." Puna ng anak ko at hinipo pa ang noo ko.


"Daddy is always hot, anak." Sagot ko naman.


"Not the hot that means you're macho. Hot that means your sick." Depensa niya. "Are you sick, daddy?"


"No, daddy's just tired." Pero seryoso, kanina pa nga masama ang pakiramdam ko. At mukhang tama nga si Chris, nilalagnat ako. "Where's your mommy?"


"At the kitchen cooking po." Binaba ko na siya at dumiretso sa kitchen.


Sinalubong ko naman ng yakap ang asawa ko habang nakatalikod siya na nagluluto at saka hinalikan sa pisngi. "Aga mo ha." Humarap siya saakin at saka ako niyakap pabalik. "At ang init mo din. Masama pakiramdam mo?" Nag-aalala niyang tanong.


"Medyo. Kanina pa 'to bago ako pumasok." Sagot ko.


Pinamewangan naman niya ako. "Ay nako. Edi sana hindi ka na pumasok, masama na pala pakiramdam mo. Wag ka ng pumasok bukas, magpahinga ka muna."


"Per—"


"Hep!" She cut me off. "Wala ng pero pero. Magpaalam ka na kay Jeron ngayon palang na hindi ka makakapasok bukas." Aish. Ara talaga! *face palm* As usual syempre wala na akong palag.


Tinaasan naman niya ako ng kilay at tinaliman ang tingin saakin na parang inaantay na i-dial ko ang number ni Jeron para magpaalam. May choice pa ba ako? Dinial ko na agad ang number ni Jeron bago pa bumuga ng apoy 'tong misis ko.


"'Yan susunod din naman pala. Gusto mo talaga tinatakot pa kita, 'no?" Sabi niya pagkatapos kong ibaba yung tawag. Pasalamat talaga 'to mahal ko siya eh.


Kawawang intsik 'yun bukas, wala siyang kasama bukas. We own a restaurant kasi sa BGC and now, we're having a branch dito sa Alabang kaya talagang busy kami ngayon. Siguro 'yun na din dahilan bakit ako may sakit ngayon kasi ilang araw na akong walang tulog.


Binelatan ko nalang siya at saka dumukdok dito sa lamesa dahil ang sakit ng ulo ko. "Bibilisan ko na magluto para makapagpahinga ka na agad at makainom ka na ng gamot." She cupped my face. "Ang pogi mo padin kahit may sakit ka." Then she kissed my nose.


Minsan hindi ko rin maiwasang i-wish na sana palagi nalang ako may sakit para ganito kalambing saakin si Ara. Joke. Malambing din naman siya on normal days pero minsan may halong pagka-amazona talaga kaya mas maganda kapag may sakit ka, 100% yung pagiging malambing niya.


Pagkatapos naman naming mag-dinner ay pinaakyat na agad ako ni Ara para makapagpahinga at susunod nalang daw siya after niya maghugas ng pinagkainan and after she puts Chris to sleep. Hindi kasi siya nakakatulog ng hindi siya pinaghehele ng mommy niya pero kahit 3 years old palang siya, nakahiwalay na siya ng kwarto saamin which is his choice. Sabi nga niya, malaki na daw siya at kaya na niya matulog mag isa sa kwarto niya at ang misis ko, literal na humagulgol nang marinig 'yun sa anak namin. Big boy na daw kasi ang baby niya. Niloko ko pa nga na gawa na ulit kami ng bagong baby para hindi na siya malungkot pero sinamaan niya lang ako ng tingin at sinabi saakin na kung ako daw ang manganganak ay papayag siya kaya no choice ako kung hindi manahimik. Hahahahaha! Pero paminsan minsan, dito parin naman natutulog si Chris sa tabi namin pag gusto or naglalambing ang mommy niya.


"Akala ko tulog ka na." Bati saakin ni Ara pagpasok niya ng kwarto namin.


"Hindi ako makatulog nang wala ka sa tabi ko."


DreamsWhere stories live. Discover now