One Night

1.7K 72 35
                                    



Warning: Too cliché

-

Party lights, people screaming and the smell of different alcohol and cigarettes welcomed us as we enter Valkyrie. As usual, it's Thursday night so it means Happy T! I'm with my workmates Jeron and Kib. Oh diba, hindi na kami students pero tigas padin ng mukha namin mag-Happy T! Hahahaha! Well, we need a break from work. Masyadong stressful ang adult life.

Dumiretso kami agad sa bar counter to get ourselves drinks. We're gonna be wasted tonight!

"Bro, yung ex mo 'yon, diba? Lalaking lalaki na ah!" Jeron told me at siniko pa ako habang nakatingin sa right side ng bar.

And yeah, he's right. Si Ara nga 'yon, my ex-girlfriend. Well, we broke up 5 years ago. College days pa namin 'yon sa DLSU. Ngayon ko nalang ulit siya nakita after we graduated 2 years ago. By the looks of her right now, she really changed lalaking lalaki na ang dating niya.

"Ano bro, natulala ka na kay Ara ah? Mas pogi na ba sa'yo?" Pang aasar ni Kib.

"Gago!" Binatukan ko naman siya, "Syempre mas pogi padin ako diyan, 'no."

Natawa nalang yung dalawa kong kasama saakin and continued drinking dahil as what I said earlier, we're gonna be wasted tonight. And by wasted, we're going to be very very very wasted. This is our prize for ourselves for working so hard!



It's already 12 midnight at yung dalawa kong kasama hindi ko na alam kung nasaang lupalop na ng Valkyrie. Pagkatapos uminom ng sobrang dami biglang nalang nagsi-alisan, sinabihan na nga nila ako na umuwi na daw akong mag isa kasi alam ko na daw 'yun. Um-oo nalang ako dahil may dala naman kaming kanya kanya naming sasakyan.

Paglingon ko naman sa right side ko, nakita ko namang nandoon padin si Ara sa pwesto niya mula kanina. By her looks right now, she looks so wasted dahil nakadukdok na siya sa mesa. Mukha din siyang walang kasama. Lokong babae 'to ah, iinom inom tapos walang kasama? E, kung saan siya mapadpad?!

Don't get me wrong, hindi naman sa mahal ko pa siya pero natural na sakin na maging caring sa mga babae lalo pa't ex-girlfriend ko siya.

I've decided to come near her.

"Don't you have a companion?" I asked her paglapit ko sakanya.

"Oh, hi, ex-boyfriend." Nakangiti niyang sabi sakin saka luminga linga, "May nakikita ka bang iba kong kasama? Diba wala? Kasi nga wala." Pilosopo talaga. Tss.

Inirapan ko naman siya. "I'm just asking, concern lang ako sa'yo kasi who would take you home?"

Tinaasan naman niya ako ng kilay, "Well ex-boyfriend, salamat sa concern mo pero kaya kong umuwi mag isa kaya pwede ka ng umalis."

Tinignan ko naman siya ng seryoso, "Nope, not gonna happen. I'll take you home." Hinila ko naman siya pababa ng bar stool.

"Ano ba, bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas niya. Dinedma ko nalang siya at patuloy parin ako sa paghila sakanya.

At kung akala niyo nagtagumpay ako sa paghila sakanya, hindi. Siya ang nagtagumpay sa paghila sakin. Oh, alam niyo na ang nangyari. Sa sobrang lakas ng force ng paghila niya sakin, I landed on top of her.

"Ang pogi mo parin pala, 'no." Walang duda. Lasing na nga 'to, pinuri na ako eh.

"Naiinlove ka na ba ulit sakin?" Pang aasar ko.

DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon