Ligaw

597 7 5
                                    


Masyadong kinakain ng TinDrei ang sistema ko!

I enjoyed doing this one shot and I hope you will enjoy reading this as well. Happy reading!

Ligaw - Moonstar 88

-

"Hoy Willie! Di ka pa ba tapos diyan?!" Ito namang si Melecio napakaingay! Pinagbuksan ko na din siya ng pinto dahil napaka OA niyang kumatok kala mo may sunog eh.

"Dahan dahan naman sa pagkatok, Aljun! May sunog? May sunog?!" Asar kong sabi sakanya. Pano ba naman kasi pagbukas ko ng pinto yung mga ngiti nila ni Kib mga pang asar!

"Wala pero date meron! Yiiieee, binata na si Caracut!" Sagot niya sakin. O diba, mga pang asar.

Ano yung date? Inaya lang naman nila si Tin na makipag date sakin ngayon. And by Tin, meaning Ernestine Tiamzon, yung Lady Spiker na crush ko na for 2 years! Hanggang ngayon walang paglagyan yung kaba ko, feeling ko sasabog na puso ko sa kaba.

Nahuli kasi nila ako last week na ini-stalk yung Instagram ni Tin kaya ayon hindi nila ako tinigilan ng pang aasar, wag na daw akong maging pagong kagaya ni Kuya Thomas at pormahan ko na daw si Tin. Kaya ang ending, nakipag-collab sila sa Lady Spikers specifically ate Justine and Kianna para mangyari 'tong so called 'friendly date' daw namin ni Tin. Luckily, pumayag naman siya agad.

"Ready ka na ba?" Tanong sakin ni Kib.

"Ready pero kinakabahan ako."

"Wag kang kabahan!" Sabay nilang sabi sakin saka ako pinalo sa braso.

Napabuntong hininga nalang ako, "Tara na nga, baba na tayo."

Nag apir naman yung dalawa at saka ako inunahan bumaba. Yung totoo? Sino ba makikipagdate, sila o ako? Mas excited pa sila kesa sakin eh!

"Guys guys! Listen up, listen up! Today is the day! Hashtag TinDrei for realz!!!" Tuwang tuwang sabi ni Aljun sa mga teammates namin habang pababa ng hagdan. May palakpak palapak effect pa si Aljun tsaka Kib habang pababa!

Automatic namang nagtabi tabi yung mga teammates namin sa sala at saka nagsigawan. Napaka supportive naman ng teammates ko!

"Ipapa-trend ko na 'tong hashtag TinDrei for realz, guys!" Pagpiprisinta ni Ricci. Ayan na po si hashtag boy!

"Ricci hayaan mo, next time MicCi for realz naman ipapatrend namin." Pang aasar ni Brent.

"Oo, tapos next naman BreTinna. Yie, binata na din si Paradise o!" Ganting asar ni Ricci sakanya, mga bully talaga.

"Uy bro, ano? Ready ka na ba? Diba 4 pm yung date niyo ni Tin, bilisan mo 3:30 na!" Sabi naman sakin ni Jollo. Oh shoot! Di ko napansin yung oras dahil sa mga teammates ko.

"Bilisan mo sa pagsasapatos, Andrei! O, nagtoothbrush ka na ba? Baka mamaya mamatay si Tin sa hininga mo." Pang aasar ni Kib sakin.

"Parang tanga si Montalbo, syempre nag-toothbrush ako kanina 'no!" Binato ko naman siya ng sapatos.

"Eto naman, joke lang eh! Sige na lumayas ka na at baka malate ka pa!" Sagot niya at tinulak pa ako papalabas ng pinto.

DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon