" No.. Kailangan mong mag stay dito para ma check ka pa. Hindi tayo nakakasiguro sa kalagayan mo ngayon. "

" Mam.. Hindi talaga pwede.. Kapag hindi ako umuwi ngayon, mag aalala tyak ang nanay.. Hahanapin po ako nun.. "

" But the doctor said you have to stay. Dont worry.. Iche check lang natin kung ok ka na ba talaga.. "

" Hindi talaga pwede Mam. Pasensya na pero uuwi na po ako.. Hindi ako pwedeng magtagal pa dito. "

Tumayo ako at nagsimulang maglakad. Anak ng --.! Ang sakit talaga ng paa ko. Pagtapak ko parang pakiramdam ko may kuryenteng pumasok sa akin at sobrang sakit. Napatalon ako paupo ng kama. Ah.! Ang sakit din ng ulo ko..

" See.? See that.? Sinabi ko nang iche check ka pa eh.! Antigas ng ulo mo.. Gusto mong lumabas tapos ano.? Kapag may naramdaman ka babalik ka at magde demand.?! " Parang nainis sakin si mam.

Napahawak ako sa ulo ko. Ay.. Parang umiikot ang paningin ko ah.

" Nakakainis kayong mga mahihirap. Minsan may nararamdaman na, tinitiis nyo pa rin. Pipilitin nyo pa ring balewalain at mags stay pa rin kayo sa mga bahay nyo. Tapos ano.? Di nyo alam, malala nang sakit nyo. At kapag hindi nyo na kinaya saka kayo tatakbo papunta sa hospital. At sisisihin nyo pa ang hospital at doctor kapag hindi kayo napagaling. "

Napatigil ako sa mga narinig ko. Tuloy pa rin siya sa mga kada daldal nya.

" Ikaw ba mam.. May pamilya ka ba.. "

Bigla kong nasabi. Napatigil din siya at napatingin sa akin. Matagal bago ako nagsalita uli.

" Gusto kong umuwi dahil may pamilya akong naghihintay sa akin. Gusto kong umuwi dahil may pamilya akong mag aalala kapag hindi ako dumating. Ayokong nag aalala sila para sa akin dahil ayokong bigyan pa sila ng problema pa. At dahil pamilya ko sila, gusto ko alam nila kung anung nangyari sa akin hindi dahil para magpa awa kundi dahil karapatan nila ang malaman ang kalagayan ko o kung nasaan ako. Ayokong mag hanap sila sa sa akin at pag hintayin sila sa wala dahil para sa akin kawalan ng respeto yun. Simple lang pero malaking halaga sa akin yun mam. "

Ang haba ng sinabi ko. Ewan ko. Pero parang habng nagsasalita ako, mas lalong sumasakit ang ulo ko. Parang namamanhid na ewan.

" You know what.?.. "

Yun na lang yung yung huli kong narinig sakanya. Alam ko may sinasabi pa siya pero hindi ko na narinig dahil wala na uli akong maalala.

- Tracy -

" AAHH.. ! "

Napatili ako bigla. Oh my God.!!  Natumba siya bigla sa sahig after niya magsalita. nakita kong napa hawak siya sa ulo nya at parang may nararamdaman bago siya nawalan ng malay. Nagulat ako kasi ang lakas ng pagkaka bagsak nya sa floor.

Goodness.!

What happened.? Hindi kaya may effect sakanya ang aksidente.? Hindi kaya tinamaan siya sa ulo at nag result yun ng pagkaka ganyan nya.?

" Doc..!! "

I screamed as I ran to the door. May lumapit naman agad na mga nurse at in assist siya. Para akong magkaka nervous breakdown dito. I need some fresh air.

As I turn around,  may nasalubong pa kong stretcher na buhat ng mga nurse. Natatakpan ng shroud yung patient and it gives me goosebumps knowing na dead person na yung nakahiga doon because of the bloods stains na sobrang dami.

God.!

Halos patakbo akong lumiko sa isang pasilyo, heading to the elevator. I need to get out of here..!

Princess and the PauperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon