#2 : The Princess

23 4 0
                                    

- Tracy -

Finally..!

Natapos din ang meeting na ito na tumagal din ng almost 2 hours. Lumabas na din ako ng conference room at dumiretso ng office. Past 8 na din kaya tahimik na din ang paligid. Tunog ng stiletto heels ko na lang ang tanging maririnig sa hallway dahil nag uwian na rin ang mga empleyado ko.

Pumasok ako agad sa opisina and left the door ajar. I know in any minute, susunod ang secretary ko dito.

Nakaupo ako sa swivel chair ko while checking some files sa laptop ko nang pumasok siya dala ang ilang mga folders. Tumigil siya sa tapat ng mesa ngunit hindi ako nag abalang tumingin sakanya.

" Uhm, Ms. Santillan.. These are the documents na signature nyo na lang po ang kulang.. Urgent daw po ang mga ito for your approval. "

" Just leave it there, Cindy. Ire review ko muna ang mga yan bago ko pirmahan.. "

Nakatutok pa rin ang mga mata ko sa monitor. Inilapag niya ang mga folder sa gilid ng mesa ko at muling nagsalita.

" Uh.. Ma'am, uuwi na po ako.. But can I get you something muna.? Tea.. Coffee.. "

" No. Its ok.. You can go. Thanks Cindy.. "

Naka focus pa rin ang mata ko sa laptop. I heard her heels turn around at maya maya pa, ako na lang ang narito sa office.

Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko at maya maya, inabot ko ang mga documents na nilapag ni Macky at sinimulang basahin. Ganito ako ka workaholic. Ang gusto ko, maagang natatapos ang bawat trabaho ko. Ayoko nang may nasasayang na oras lalo pa at marami pang dapat gawin.

I am Tracy Meiah Santillan. At ako lang naman ang magmamana ng business na ito. Well, ako lang naman ang nag iisang anak ng may ari nitong Lux&White so at the very young age of 24, ako na ang COO or Chief Operations Officer ng kumpanyang ito. I am responsible for the daily operation of the company which made me the second in command at the firm. 

Hotels and condominium ang pinaka product namin. We build hotels and condominiums on top locations, quality facilities with impeccable services and nagra rank din as one of the most prestigious hotels ang mga pagmamay ari namin. We have lots of hotels and condo na rin here in the Philippines and I must say na talagang mabigat ang responsibility ko.

Natapos ko nang isa isahin ang mga files when I noticed na sobrang tahimik na pala ng paligid. I glanced at the clock and check the time.

10:14

Oh well. I think its time to go home.

Niligpit ko ang mga gamit sa table ko at tumayo. Kinuha ko ang mga things ko and I head to elevator. I pressed the button and wait until bumukas ang pinto with some of my female employees chatting inside. Agad silang napatahimik nang nakita ako at nag greet.

" Good evening ma'am.. "

I just smiled and pumasok ako. May mga employees rin palang nakakapag overtime tulad ng sakin. Maybe naghahabol ng mga reports na malapit ng mag due. After a few seconds, naka abot din ako sa parking lot at lumapit sa kotse ko. In unlock ko yon at papasok na ako nang biglang may sumulpot na bata sa tabi ko.

" Ate.. Sampaguita po.. "

Holy Christ..! Nagulat ako dun ah.

" Ano ka ba namang bata ka.. Nakakagulat ka..! "

" Bili na po kayo, ate. "

Tiningnan ko ang batang babae. Mukhang nasa 8-9 years old ata. Nakapambahay ito at tsinelas. Bitbit ang ilang sampaguita.

" No.. Hindi ako bibili.. "

Bigla akong pumasok sa kotse at isinara. Nakita ko namang umalis din ang bata at lumapit sa ibang tao.

Seriously.? Anung ginagawa ng magulang ng batang ito at hinahayaan itong magtinda at ganitong oras pa.? Napaka delikado. My God.! Bakit, wala ba silang trabaho at hinahayaan ang mga anak nila ang magbanat ng buto.? Shame on them.!

I insert the key into ignition and pina andar ko ang kotse. Kaya mas gusto ko ring nagtatagal ako sa office bukod sa tinatapos ko ang ilang paper works ay hindi pa ako nakikipag sabayan sa rush hour. Walang stress sa traffic.

" Barney..! "

Mabilis na tumakbo palapit sa akin ang aso ko at kinarga ko. Mini duchshund ang breed niya at alam niya, ganitong oras ang dating ko kaya naka abang na yan sa pinto pa lang.

I cuddled him at dumiretso ako papasok ng mansion namin.

" Hi hija.. "

Naabutan ko ang mommy na pababa ng hagdan.

" Hi mom.. " Hinintay ko siyang maka lapit and I kissed her on her cheeks.

" How was your day.. "

" Im fine mom.. Still doing my daily routines. Paper works and stuffs. "

Natawa ang mommy.

" Dont overwork, Hija.. Napapansin ko, masyado ka nang busy dyan sa business ng dad mo.. "

" Im ok mom.. Besides gusto ko naman tong ginagawa ko.. Gusto ko kapag ipinasa na sa akin ni dad ang Lux&White, ready na ako. You know, mentally and spiritually.. "

" But it takes time Tracy dear. Huwag mong madaliin ang sarili mo. "

Ngumiti lang ako kay mommy.

" Matalino ka at madali kang matuto. Mag concentrate ka muna sa kung anung tinuturo sayo ng dad mo. Huwag kang mag over lap sa iba pang dapat mong malaman. Dont stress yourself. "

Ok. Marami kasing itinuturo ang dad ko sa pagpapatakbo ng business. Actually lahat yun na absorb ko na. Siguro nga masyado din akong nagmamadali na ituro pa sa akin yung iba pang di ko alam. I just want my parents to be proud of me. To show then that I can do it. And to prove to everyone that I can do better.

" Yes mom.. " Naisagot ko na lang. Ayaw ko na ring pag usapan pa ang mga ganyang bagay dahil hahaba lang ang discussion namin ng mommy dito. After eating a light snacks, umakyat na din ako sa kwarto ko. After a quick shower, I dived to my queen sized bed and bury myself under my favorite blanket to have a good night sleep for tomorrow is another working day.

Princess and the PauperWhere stories live. Discover now