"Pero, Ms. Vianca, may balak yata si Boss na totohanin. Kinakabahan tuloy ako. Napakadali lang sa kanyang magpatalsik ng tauhan, kaya nga ingat na ingat ang mga katrabaho ko sa opisina." Kung makapagsumbong naman ng mga hinanakit si LuHan, parang hindi namin kaharap ang tinutukoy nitong amo.


"Kaunting pagkakamali lang sesante agad. Nakakatakot siyang maging CEO," lugmok na dagdag pa nito.


"C-E-O!!" Hinampas ni Ashley ng dala niyang libro ang ibabaw ng mesa.


"Buwisit ang mga CEO na 'yan! Pare-pareho silang lahat!" naiinis na singhal pa niya. 'Di sinasadyang napalakas ang boses niya, kaya napatingin sa direksyon namin ang mga nasa canteen din sa mga oras na 'yon.


"Ano na naman bang problema mo?" nagtatakang tanong ko kay Ash nang bumalik na sa kanya-kanyang mesa ang atensyon ng mga estudyanteng kanina'y nakatingin sa amin.



"Bes, galit ako sa mga CEO! Kapag nakakarinig ako ng salitang 'yan gusto kong manggulpi ng kahit sinong CEO." Animo'y siga na itinaas pa niya ang manggas ng suot na damit.



"Napipikon na talaga ako sa CEO ng SMent. Una ang SuJu, sunod ang Exo, tapos ang f(x), ngayon naman ang SNSD! Huhuhu! Pwede bang pasapak kay Mitsui? Tutal CEO din naman siya. Para gumaan man lang kahit konti ang bigat ng kalooban ko."


"Gusto mong ikaw ang saktan ko diyan? Idadamay mo pa si Mitsui sa nangyari kay Jessica ng Girls' Generation. Wala namang kinalaman doon ang asawa ko." Nilingon ko si Mitsui at nakita kong kampante lang siyang nakaupo sa tabi ko. Sanay na siya kay Ashley, kaya hindi na siya naaapektuhan nito.


"Hon, don't mind her. Nababaliw na naman kasi 'yan." Umusog ako papalapit sa kanya at niyakap ko siya sa braso. "Basta 'wag mong kakalimutan ang promise mong bibilhan mo kami ng VVIP ticket sa Mnet Asian Music Awards sa Hongkong." Malambing na hinimas-himas ko pa ang braso niya.



Tila napipilitang tumango naman siya.


Bakit gano'n? Hongkong lang naman 'yon. Ayaw niya na ba akong payagan? Ayaw niya ba akong maging masaya? Hindi niya na ba ako mahal?



"Ikaw talaga, Ashley. Tingnan mong ginawa mo kay Ms. Vian, pati siya inimpluwensyahan mo na diyan sa pagiging fangirl mo. Makikipagsiksikan pa kayo sa Hongkong. Paano kung mapahamak kayo do'n? Alam mo namang buntis ang asawa ni boss," pinagalitan naman ni LuHan ang girlfriend.



Siguro kung hindi lang ako pinagpapasensiyahan ni Mitsui dahil buntis ako, baka iyon din sana ang gusto niyang sabihin sa akin. Nagpipigil lang siya.



"I changed my mind. Ayoko nang pumunta sa December. Hindi rin naman aattend ang mga bias ko. Wala na sina Kris at Jessica." Mahinahon na ang tono ng pananalita ni Ashley, pero ako naman ang biglang na-depress sa sinabi niya.



"Ash, naman.. Wala na pala akong kasama? Gusto ko sanang manood nun. Baka mag-perform ang BTS." Naiiyak at nagiging emosyonal na naman ako.



"Hey! Vian, 'wag ka nang umiyak." Napakamot na lang siya sa ulo.



"Mitsui, patahanin mo na nga si Vianca. Jusko! Ako ang laging nahihirapan kapag preggy 'yang wife mo. This is precisely the reason why I try to avoid having a conflict with a hormonally charged woman. Naloloka ako! Ikaw ba? How do you handle her situation without losing your own sanity?"



Hindi sinagot ni Mitsui ang tanong ni Ashley. Naramdaman ko na lang nang hinagod niya ang likod ko. Marahil kaya hindi niya masagot, kasi ang dami niya ring gustong ireklamo. Hindi niya lang masabi, dahil nakikinig ako.




Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Where stories live. Discover now