Chapter 25

859K 10.3K 899
                                    

Chapter 25


[Vianca's POV]


"Opo, 'andito na kami sa Cebu. Papunta pa lang kami sa hotel na tutuluyan namin. Si Mitsui? Nandito po siya katabi ko. Sandali lang po." Lumingon ako kay Mitsui.


"Kakausapin ka raw ng lola mo." Iaabot ko sana sa kanya ang cell phone dahil gusto siyang makausap ni Madame Sofia, pero tumanggi siya.


"Tell her I'm sleeping," hindi interesadong sagot niya sa akin.


Inirapan ko siya. Gagawin niya pa akong sinungaling.


Muli ko na lang kinausap si Madame sa kabilang linya. "Sabi po ni Mitsui natutulog daw po siya," pag-amin ko ng totoo. Eh, sa 'yon naman talaga ang pinapasabi niya.


[All right. Tell him that I won't bother him again. It's obvious that he doesn't want to talk to me.]


Nagtampo na yata si Madame, nakahalatang iniiwasan ng apo. Wala tuloy akong ibang magagawa kundi ang pagtakpan na naman si Mitsui. "Hindi po sa gano'n. Nagpapahinga lang po talaga siya."


[How many days are you going to stay there?]


"Five days po. Tatlong araw po kasi 'yong actual convention. Then, may two days na chance para i-tour ang buong city," paliwanag ko.


[Do you want to extend your trip there in Cebu? I can reserve a three day vacation package for you and Mitsui.]


"Bakit naman po?" naguguluhang tanong ko kay Madame. Para saan naman ang bakasyon na 'yon?


[I'll give it as a birthday gift for Mitsui next week. Knowing that both of you cannot go overseas, I think it's best for the two of you to just spend it in Cebu since you're already there.]


Hala! Nakalimutan kong malapit na pala ang 21st birthday ni Mitsui. Mabuti na lang at mukhang 'di naman nahalata ni Madame Sofia na balewala lang sa akin ang kaarawan ng sarili kong asawa.


"Ah, opo... sasabihin ko po sa kanya mamaya. Natutulog pa kasi siya," pagsisinungaling ko ulit.


[Vianca, since you will be spending this moment with your husband, I hope that you'll work hard for it. Make it more intimate. I'm really longing to have a great grandson. Please, don't disappoint me this time.]


Lintek! Feeling ko biglang nag-init ang pisngi ko. Naging awkward ang pakiramdam ko, kaya bahagya akong tumalikod kay Mitsui at humarap ako sa labas ng bintana.


Ano ba naman kasi 'tong si Madame Sofia? Napaka-obsess sa pagkakaroon namin ng anak ni Mitsui. Hindi ba nito naisip kung ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag bigla akong nabuntis? Hello? As in, ang alam po nila ay dalaga pa ako.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum