Three months na ang ipinagbubuntis ko. Nasa first trimester pa lang, kaya medyo hirap pa ako sa morning sickness at paglilihi. Idagdag pa ang pasaway na mag-ama ko.


"Of course I still find you attractive. You are still the same person I fell in love with. In fact, you look more beautiful when you're pregnant," sagot niya. Kasi naman! May ganon talaga?


Hindi ako nagpahalata kahit kinilig ako sa pambobola niya. Nasa pampublikong lugar pa naman kami. Maraming tao sa paligid na maaaring makakita sa amin.


"Eerrr! Ang lakas n'yo pong maka-PBB teens." Tama nga ang sinabi ko. Heto, may dumating agad na inggitera. Walang iba kundi si Ashley.


"Bakit ba ang bitter mo sa amin ng asawa ko?" puna ko.


Umupo siya sa silyang kaharap namin. Pagkatapos ay inilagay niya sa lamesa ang tray ng inorder na pagkain at ang bitbit niyang libro. "Eh, kasi nakakainggit kayo," walang kagatol-gatol na tugon niya.


"Halika na nga, hon. Iwan na natin siyang mag-isa. Darating din naman 'yon si LuHan. Doon na lang tayo sa office mag-lunch. Mayamaya, susunduin mo pa si Lei." Niligpit ko na ang mga gamit ko sa loob ng bag at niyaya ko nang umalis si Mitsui.


Magkalapit lang ang opisina ko at ni Mama Angela, kaya madalas na doon sila naglalagi kapag binibisita nila ako. Grade 1 na ang anak namin sa Yale Grade School. Nasa kabilang eskuwelahan lang naman si Lei. Madali lang puntahan mula rito sa campus.



"Hoy, Mitsui, kailan mo ba balak dagdagan ang sahod ni LuHan? Mag-salary increase ka naman sa mga empleyado mo. Itaas mo naman 'yong incentives na binibigay mo kay LuHan at nang makapagpakasal na kami. Paano kami makakabuo ng sariling pamilya kung hindi sapat ang sweldo ng mapapangasawa ko? Kulang nga pambili ng gatas ng magiging anak namin," mahabang litanya ni Ashley.


Napapailing na lang ako sa tabas ng dila ng best friend ko. Kahit sino wala sigurong mag-aakala na sa palengkera niyang ugali ay instructor din pala siya sa Yale. Halos magkasunod lang kaming bumalik ng pagtuturo dito sa university. At ngayon nga ay sa iisang department lang kami in-assign ng Dean.


"Ash, 'wag mong sisihin si Mitsui. Hindi siya mababa magpasahod kay LuHan." Siyempre, ipinagtanggol ko ang mister ko laban sa mga reklamo ni Ashley.


"Sadyang kuripot lang talaga ang boyfriend mo kaya siya mahilig magpalibre. 'Yon ang dahilan kung ba't ka niya tinitipid. 'Di ba, hon?" Hiningi ko rin ang opinyon ni Mitsui na bored at walang kagana-ganang nakikinig lang sa usapan.


"I will just fire him later on. Para wala na siyang aasahang sweldo kahit kailan," pagbabanta niya sa bagong posisyon ni LuHan bilang Human Resources Head ng kumpanya. Pero mukhang wala naman siyang planong seryosohin ang sinabi. Panakot lang niya ito kay Ash.


"Boss, maawa ka naman sa 'kin." Biglang may boses na nagsalita sa likuran ko, kaya napalingon ako. 'Andito na pala ang lalaking pinag-uusapan naming tatlo.


"Wag n'yong pansinin ang gf ko. Ayokong mawalan ng trabaho. Buti sana kung bubuhayin ako ni Ashley kapag naging tambay ako," angal pa ni LuHan pagkatapos tumabi kay Ash sa upuan.


Akalain mong magnobyo na ang mga 'to. Lagpas anim na buwan na rin ang nakakalipas nang sagutin ni LuHan si Ashley. Oo, ang babae pa talaga ang nanligaw sa lalaki. Uso na raw kasi 'yon sa panahon ngayon.


"LuHan, nagbibiro lang si Mitsui. 'Wag mo nang intindihin ang boss mo," sabi ko na lang. Bagaman alam kong hindi naman joke 'yon. At isa pa, sa amin lang ni Lei nakikipagbiruan si Mitsui. Hindi siya marunong magbiro sa ibang tao.


Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Where stories live. Discover now