" KUYA BLUEEEEE MALELATE NA TAYOOOO!!!!!"
Napabalikwas ako sa lakas ng bunganga ng aking kapatid na si Pink bunso sya .
Actually dalawa lang kaming magkapatid. Grade 12 na sya ngayon kasi unang araw palang naman nang pasukan.
"Ano baa!! Hindi mo ba alam ng tamang pagising hah?? Nakakarindi na ahh ang aga aga yang bunganga mo naririnig ko!!"
"Hmnp! kaw naman kasi kuya kanina pa kita ginigising eh malelate na kasi tayo 7:30 na kaya tsaka 8:15 ang simula ng klase natin hmnp jan ka na nga!"
Pabalibag nyang sinarado ang pintuan ng aking kwarto tinignan ko ang aking orasan sa gilid ng aking kama ng mapagtanto na malelate na talaga kami sa unang araw ng pasok namin
Paktay!!
Dali dali akong bumangon deretso sa banyo para magsipilyo at maligo. Pagkatapos nun mabilis akong nagpalit ng uniform namin.
Pagkababa ko nandun na si pink sa likod ng kotse ko hinihintay ako..
After 20 minutes nakarating na kami sa NEON RED University..
Scholar kami dito ng aking kapatid 1st year college na pala ako ngayon ng Civil Engineering.
Ulila na kami kasi namatay na yung nanay namin sa sakit sa puso. Yung tatay namin?! Ewan
Iniwan nya kasi kami nung 10 years old palang ako
Ni hndi ko nga masyadong naalala yung tatay namin eh hndi ko narin maalala yung mukha nya kinalimutan ko na kasi..
Anyway highway..
Malelate na pala ako sa klase namin kaya dali dali kong pinuntahan yung room namin.
Pagkadating ko sa room namin nakita ko yung prof na papunta sa room namin kaya binilisan kong tumakbo para hndi nya ako makitang malate haha.
Pagkapasok yung prof namin na si mr. Hernandez math teacher namin
Nagpakilala kami isa isa kasi first day of school palang naman.
Pagkatapos nang pagpapakilalang naganap free time na namin kasi may meeting yung mga Prof
Ngayon ko pala maalala na wala pala akong almusal kaya lumabas muna ako sa room namin para bumili ng pagkain
Hinanap ko ang cafeteria nila dito ng may nabangga akong babae.
Ang ganda nya..
Ang kinis ng balat nya
Ang bango pa ng buho-
" ano ba hndi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo!!
Tingnan mo tuloy natumba ako!"
Ani ni miss ganda
"Ahhy sorry miss hindi kita nakita nasaktan ka ba?" Pagaalalang tanong ko
"Baliw ka ba? Malamang nasaktan ako sa bigat ba naman ng katawan mo!!"
"Ganun ba? Sorry ahh cge na punta na ako sa cafeteria gutom na kasi ako ehh babyee
Anyway ako nga pala si blue" pagpapakilala ko sa kanya.
Inilahad ko ang aking kamay na sya naman walang balak na tanggapin
Ngumuso ako tsaka iniwan sya
Ang sungit naman nun pero maganda sya kaya okay lang..
Agad akong tungo sa cafeteria at bumili nga sandwich at juice
Pagkatapos kong kumain bumalik ako sa room namin at nagtext kay pink kung anong oras ang uwian nila.
Habang nagtetext ako pumasok ang prof namin..
Sabi nya. "Good morning! Im miss reyes your philosophy teacher and i would like you to meet your new classmate, please come in miss and introduce yourself!" Ngiting sabi nya sa babaeng kapapasok lamang
Hindi ko pinansin ang sinabi ni prof kasi nagreply si pink at sinabi nyang 4:30 ang uwian nila. Nagreply rin ako agad na hihintayin ko sya sa parking lot.
Muntik ko nang mabitawan ang phone ko ng magsalita ang babaeng nasa harapan namin at nag pakilala
"Hi guys! I'm J********
17 years old and nice meeting you. I hope that you'll be good for me" sabi nang babaeng nagsasalita sa harapan. Hndi ko masyadong naintindihan yung sinabi ng babae sa harapan ang ingay kasi ng mga kaklase ko eh.
Hindi ko sya makita kasi ang laki naman kasi ng ulo nitong nasa harapan ko nakakainis
Kaya ang ginawa ko nalang ay magbasa ng libro.
Bubulkatin ko na sana yung libro ko nang may nagsalita sa gilid ko liningon ko sya..
Shems
Siya yung nabangga ko kanina si s-si ano nga bang pangalan nya?
Ahyy hindi pala nya sinabi pangalan nya kanina kaya tawagin ko nalang muna syang miss ganda kasi maganda sya masungit naman.
________________________________________________________
Please vote and comment guys
Support this story too
Labyahh
-kuya z
YOU ARE READING
LOVING Mr. CURSED
General FictionPaano kapag ang taong mahal mo ay sya pala ang susi para matigil ang sumpa... Sumpa na kung saan ay itinakda mong patayin siya mismo Sumpa na dapat hindi ka magmamahal na kahit kanino kundi ang iyong pamilya lamang At kailangan mo itong sundin or e...
