CHAPTER11: FIRST NUMBER IN DIAL LIST

Start from the beginning
                                        

Masayang ikinuwento ni Kassy ang mga kaganapan tungkol sa pamamasyal nito sa mga tanawin na kaniyang nasaksihan at nakunan ng litrato at ikinuwento rin niya ang tungkol sa likod ng mga litratong kuha niya sa mga batang masayang kumakain.

"Uy mukhang perfect boyfriend yung lalaking nagbibigay ng pagkain sa mga bata ah pero may kilala akong mas perfect" pagbibirong banggit ni Mace.

Natatawang sumagot si Kassy, "Hala sino po yan, Drop a name naman po."

"Pero, that guy sa picture mo ah, pogi din kahit hindi ko nakikita ang mukha, sa katawan palang alam mo na ang ma-say mo" ani ni Mace

"Siguro ma'am, pero hindi ko rin nakita mukha nung guy, siguro cute sya" sagot ni Kassy.

"Pero alam mo ba ma'am may ikikwento pa ako. Dito ako natuwa ma'am , napakakwela." Dagdag pa ni Kassy at ikinuwento din niya ang pangyayari sa likod ng litrato ng buwan.

"Naka-check in po ako sa isang hotel malapit lang doon, nung gabing maliwanag ang buwan nakadungaw ako sa labas sa may balcony ng hotel room tapos bigla-bigla nalang akong may naririnig akong paghila ng isang bagay hindi ko alam kung anong klaseng bagay pero mukhang gawa sa kahoy."  Pagsisimula ni Kassy sa pagkukwento habang sila ay masayang nag-iinom sa isang bar.

Mataimtim namang nakikinig si Mace sa mga masayang kwento ni Kassy.

"Tapos ganito nga ma'am, narinig ko mula sa kabilang side ang boses ng isang lalaki na sumigaw ng I LOVE YOU LUNA, napatawa naman ako at pagtapos alam mo pa ba ma'am nagkakwentuhan pa kami kahit di ko sya kilala at hindi nya rin ako kilala and I think that's the cool story of a stranger things," dagdag pa ni Kassy.

"Oh di ba ma'am sa likod ng bawat litrato ay may mga kuwento, yung iba masaya yung iba naman malungkot and that is the purpose of a picture para magbigay ng kwento sa iba" pagpapaliwanag ni Kassy paukol sa halaga ng litrato.

"Tsaka sayang nga at hindi ko siya nakilala mukhang cool naman yung guy sa kabilang kwarto ko, charot" pabirong salita niya.

"Kasi naka-alis na daw sabi ng front desk pero sabi nila na tinatanong din daw ni Mr. guy kung ano ang pangalan ko, pero hindi nila binigay kasi bawal daw sa hotel nila yung ganon kaya hindi rin binigay sa akin yung name ni guy, sayang lang talaga" panghihinayang na kuwento ni Kassy.

Kasabay ng malalim kwentuhan ay ang paglalim na gabi at pagrami ng kanilang naiinom na alak.

"Mabuti pa ma'am maglaro tayo" sabi naman ni Kassy na kapwa lasing narin.

Iniayos nila ang mga bote ng alak na kanilang naubos at maging ang kanilang mga baso at ang isang bote pa ng alak ay kanilang  inilipat sa kabilang banda sa kalahati ng mesang kanilang pinag-iinuman. Nagsimulang magpaikot ng bote si Kassy kahit sila lamang dalawa ang maaring kasali, isang taya na gagawa ng dare at ang isang magbibigay ng dare ngunit sa madaling sabi ay kapwa pareho ng lasing.

Unang taya si Mace kaya si Kassy ang nagbigay ng dare at ang dare niya ang paaminin at hingin ang kumento ni Mace patungkol sa kanya.

"Umamin ka ma'am Mace ha, ako ba ang pinakamagandang artista para sayo o hindi" natatawa-tawang tanong mula kay Kassy.

"Syempre naman." Deretsa at wala ng paligoy-ligoy pang pagsagot ni Mace.

"Syempre ano, syempre ako ba" nakangiting sambit ni Kassy habang makulit silang nagkakatuwaan sa loob ng bar.

"Oo naman ikaw ang pinakamaganda" sagot ni Mace kasabay ng pagngunguso nito habang papalapit ang sa mukha ni Kassy.

"No Kiss, only one guy lang gusto ko mag-kiss sa akin" ani ni Kassy na umilag sa paghalik ni Mace na kapwa parehong nasailalim na ng impluwensya ng alak. Kapwa lasing na ang dalawa na tila pikit na ang mga mata ngunit patuloy padin sa pagtutungga ng alak sa kani-kanilang mga baso.

Kasunod na magbibigay ng dare ay si Mace.

"Ito naman ang sakin Kassy, I dare you na sabihin  mo ang salitang I Love You ang first number na nasa dial list mo, I dare you" sambit ni Mace habang masayaw-sayaw ang ulo nitong pilit na pagtingin kay Kassy na nakangiti't salong baba sa ibabaw ng mesa.

"Okay deal, basic. Ang dali naman ng dare nyo ma'am pero wala ng bawian ito ah, a simplest  dare I ever got in my whole drunken life" sambit ng lasing na ngang si Kassy.

Dahan-dahan niyang iniabot ang kaniyang sling bag at dinukot ang ang cellphone mula rito. Pikit mata niyang hawak ang cellphone at pikit na pagmulat upang buksan ang dial list nito. Walang atubili at lakas loob na ginawa ni Kassy ang dare na ibinigay sa kanya ng kasama niyang kainuman ang kaibigan na si Mace.

Tinawagan nga ni Kssy ang number ng nasa unahang suggestion ng dial list sa kanyang cellphone. Masaya ang dalawa sa kanilang katuwang larong naiisaip habang nasa impluwensya ng alak. Hindi nila alam kung sino ang taong maaring sumagot ngunit itinuloy pa rin ni Kassy ang pagtawag. Hinintay niyang sagutin ng nasa kabilang linya ang kanyang tawag upang masabi na niya ang salitang dare sa kaniya ni Mace.

"Answer please you piece of shit" natatawang sambit ni Kassy habang hinihintay na sagutin ang kaniyang tawag.

"Ayaw ba sagutin Kassy, papalitan ko nalang ang dare ko gusto mo ba?" ani naman ni Mace.

"Nope, Okay na po ito, hintayin na lang natin sasagot din ito" sagot ni Kassy sa kapwa lasing ng sai Mace.

"Sino ba yang tinatawagan mo?" Tanong ni Mace.

"Ewan ko ba" ani ni Kassy na walang kaedi-ediya kung sino ba ang pinapaldhan niya ng tawag.

"We just gonna need is, Wait, Wait, Wait" pag- awit ni Kassy habang pinagmamasdan ang cellphone nito na nakapatong sa mesa.

Makalipas ang ilang saglit ng paghihintay at nang makita niya itong sinagot na ng kaniyang tinatawagan ay agad nitong kinuha ang cellphone at inilapat sa bibig at binitawan niya ang mga salitang napag-usapang dare sa kaniya ni Mace.

"I love you baby " masaya pagkakasabi ni Kassy at mulong ibinaba ang cellphone nito sa mesa.

"Wow, you are so brave girl" ani ni Mace.

Nakangiti namang lumingon si Kassy kay Mace.

"I know" sambit ni Kassy.

"Pero bakit may baby yung sinabi mo, di ba sabi ko I love you lang" ani naman ni Mace kasunod ng mga madrama at pag-iyak nito.

"Mali ba, uulitin ko" sagot ni Kassy na gayong umiiyak-iyak na rin.

"No Kassy, Don't cry" sambit ni Mace at pilit nitong pag-abot ng mga kamay upang mayakap si Kassy.

Kapwa parehong lasing na ang dalawa sa isang bar at hindi na rin nila alam kung ano pa ba ang mga kasunod na pangyayaring naganap pagkatapos ng tawag na iyon. Nang dahil sa kanilang kalasingan ay doon na lamang sila natulog sa loob ng bar.

Meant to MetWhere stories live. Discover now