Salamat at uwian na. Alas onse na ng umaga at tapos na ang mga klase ko ngayong araw, sa umaga lang kasi ang schedule ko ngayon dahil ganito naman talaga kapag college na.
"Una na ako, Zara." Paalam sa akin ng isa kong kaibigan, si Nadj. Isa siya sa mga ka-close ko dito sa course ko, since parehas kami ng course kaya naman naging close kami.
Ngumiti ako sa kaibigan ko at tumango, umalis naman ito agad habang ako ay nagliligpit pa ng aking kalat. Last na subject kasi namin ay Art Appreciation kaya naman pina-drawing kami na dapat raw ay may meaning. Ito ang first naming project pero ito na agad ang pinagawa, buti na nga lang ay marunong ako mag-drawing, papasa na akong architecture student! Char.
Speaking of architecture... Napangiti ako sa sumagi sa isip ko. May crush kasi akong archi student, crush ko na siya simula nung high school, tapos nung nalaman kong dito siya magt-take ng entrance exam ay sumunod ako kaso! Ibang school pala ang kanyang pinasukan, I know, it's very tragic, pero hindi naman doon nagtatapos ang love story namin, hindi ako papayag noh!
Lumabas na ako ng school namin at nag lakad nalang papunta sa university niya, medyo malayo pero kaya ko namang lakarin. Hindi naman kasi ako mayaman para gumastos pa ng pamasahe para makita lang siya.
Nang makarating sa kanyang university ay agad na sumilay ang napakalapad na ngiti sa aking labi nang makita ko siyang papalabas na.
There he is. Cliffor Morales.
.
All rights reserve. No parts of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of the story in any way. Plagiarism is a crime.
© I Like You So Much, You'll Know It.
All Rights Reserved.
Precious Megs, 2021
YOU ARE READING
We Could Happen
Teen FictionZara Alcantara is the epitome of kindness, sweetness, and honesty. She dedicated all her time to the boy who she adored a lot. What will happen if the boy finally reciprocates her feelings? Will their story ends happily or it is just one of those st...
