"Fuentabella, just try to forget her, I told you just now..... she's not worth it na iyakan mo." payo ni RE dito.

"Tama, kaya humanda na naman ako..... kasi my kaagaw pa pala ako sa mga babae ngayon." sabad naman ni CK sa usapan nila na kinangiti naman ni KM.....

"Lets party!!!!" sigaw nalang ni KM sa mga kaibigan nito at...... "Lets drink!!!!"

"Yes! Cheeeerrrsssss!!!!" sigaw nilang lahat at silay nag-inuman na.

Nag inuman nga silang lahat at nagpakalasing para supurtahan at echer-up nila ang kaibigan nilang si KM.

TWO YEARS LATERS!!!
Quezon City, ang lugar kung saan lumaki si Zairine Santos kasama ang mga magulang at kapatid niyang si Aldren. Ang papa niya naman ay isang Brgy. Captain sa nasabing lugar samantalang ang mama niya ay isang dakilang may bahay at si Aldren ay nag-aaral palang at nasa unang taon ng Engenering.

"Mama, mano po." pagbibgay galang ni Zai sa ina.

"Ang aga naman ng uwi mo anak? Wala ba yong boss mo o may sakit ka?" nag-alalang tanong ng kanyang mama.

"Di po Ma." sagot nito sa ina.

"Bakit andito ka na? Dapat mamaya pa ang uwi mo ah?" mga tanong ng ina nito.

"Ma... sino po ba kasi ang gustong magtrabaho sa isang boss na manyakis." irita at galit na pahayag nito sa ina.

"Manyakis!?" gulat na ulit ng ina ni Zai.... "A-Anong ibig mong sabihin anak?" nag-aalalang tanong nito kay Zai sabay lapit kay Zai.

"Ang bastos po kasi Ma, sukat akalain nyo po na hipuan niya ako sa pwet, tapos ngingitan pa po ako ng may pagkamahalay." pagsusumbong ni Zai sa ina.

"Ginawa iyon ng boss mo!?"

"Opo."

"So, anong ginawa mo? Nakatikim ba sa iyo ng hindi niya malilimutan?"

"Oo naman po Ma,.... Ayon po nanghiram siya ng mukha ng aso..... nagkamali siya ng binangga.... magaling po yata ito sa karate." matapang na sagot ni Zai sa ina.

"Mabuti naman kung ganun anak..... para magtanda siya." wika pa ng mama nito at.... "Hindi porket Boss siya magagawa niya ang lahat sa mga empleyado niya...... kapag ako ang binastos niya..... talagang pupulbusin ko ang mukha niya." hirit pa ng mama nito.

"Ma, ok na po kaya..... relax na po kayo." magpapakalma naman ni Zai sa ina.

"Eh di.... hindi ka pa papasok ngayon?"

"Opo, pero sa MGS palang po muna ako,Ma." sagot naman nito sa ina.

Dahil naman sa kaibigan ni Zai na si MG ay natuto siya ng self defence para daw maipagtagol niya ang kanyang sarili dahil narin sa angkin nitong kagandahan. MG Santillan her best friend since six years ago, pero nasa ibang bansa ito ngayon at nag aaral, at sa kanya pinagkatiwala ang business nitong MGS JUDO/KARATE SCHOOL, na may dalawang sangay na sa Manila isa sa Makati at isa sa Alabang.

"Hindi parin ako mapalagay dyan sa Boss mo Zai...... Lika anak samahan mo ako at ako ang kakausap sa manyakis na iyan." nanggigigil pang wika ng mama nito.

"Ma, ok na po, di na po iyon makakaulit sakin kasi po nagresign na po ako satrabaho ko." awat ni Zai sa ina.

"Tama anak, dapat lang na magresign ka sa trabahong yan kapag ganyan ang boss mo, baka mapahamak ka pa. Sige na pasok ka na sa loob at ng makapagpahinga ka muna." saad ni Aling Irene sa anak.

"Ma, may bago po ba tayong dyaryo?" tanong ni Zai sa ina.... "Iyong Manila Bulletin po?"

"Andyan sa mesa anak." sagot ni Aling Irene sa anak.

KENNETH MARK FUENTABELLA "THE MONSTER BUSINESS TYCOON" THE RCKADZ BOYS SERIES 1Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin