CHAPTER 4

33.8K 692 10
                                    



TAGAYTAY, PHILIPPINES....
Dito matatagpuan ang sanctuaryo ng mga magkakaibigan, at ito ay matatagpuan sa gitna ng malawak na gubat, dahil sa sipag, pera at kagustuhan nilang magkakaibigan na magtayo ng sarili nilang resort sa loob ng gubat ay binili nila ang maluwang na lupaing iyon at ginawa nilang napakagandang resort na sila lang ang nakakaalam at gumawa rin sila roon ng kanilang mga bahay para may matirhan sila doon at para naring magkaroon sila ng privacy sa mga tao lalo na sa mga babae kapag iniiwasan na nila ang mga ito, pero mas madalas na andoon sila dahil sa mga problema at gusto nila ng katahimikan para makapag-isip sila ng tama. At dito rin sa lugar na ito nabuo ang kanilang pagkakaibigan sampong taon na ang nakakaraan, at itoy dahil sa isang pangyayari kung bakit sila naging matatalik na magkakaibigan o mas higit pa doon.

"THE RCKADZ BOYS RESORT" ito ang pangalan ng kanilang hideout/resort, nabuo ang pangalang RCKADZ BOYS dahil sa mga pinagsama-samang unang titik ng pangalan nila. Sa lugar ding ito may sumpaan ang mga magkakaibigan na sila lang ang nakakalam, at dito rin sila nagsamasama isa sa isang linggo.

Pagkapasok palang ng sasakyan ni RE at mga kaibigan nito ay nakita na nila ang sasakyan ni KM na nakaparada sa isang sulok ng resort.

"So, I'm right." sa isip ni RE habang pinaparada nito ang sasakyan.

"Mga pare tama ako no, andito nga si Fuentabella." pahayg ni RE sa mga kaibigan nito na nagsidatingan narin.

"Ok, lets go." sang-ayon naman ng mga ito ng....

"Umpisahan na ang inuman." yaya ni RE sa mga kaaibigan ng makapasok na sila.

"Sige tayo na!!!! Inuman to the max na naman to." saad ni ZC na kinabigla ng lahat dahil alam nila na si ZC ang pinakamatahimik sa lahat at hindi mahilig sa babae kung baga siya ang pinakaseryuso sa lahat at may matinong pag-iisip.

Pagkapasok nila sa loob ay nakita nila doon si KM na umiinum mag-isa at sa tingin nila ay kanina pa ito lasing sa dami ng boteng nasa harap nya.

"Fuentabella, pupunta ka pala dito di mo kami tinawag para malasing din kami." biro CK dito sabay upo sa harap ni KM.

"Oo nga, inuman to the max tayo ngayon para masarap matulog mamaya..... di ba pare?" sagot naman ni ZC sa sinabi ni CK...... "Basta sa ngayon..... huwag na nating isipin ang problema?" hirit pa ni ZC na kinatahimik na ng ibang mga kaibigan nila....... "Hayaan nating ang mga problema ang magsawa sa atin mga pare." pahayag uli ni ZC na siyang pag-angat ng ulo ni KM at.....

"De Luna, mhay problema kharin bha ngayon?" tanong ni KM na halatang lasing na.

Hindi na umimik si ZC sa tanong ni KM bagkus ay kumuha narin ito ng baso nito at nagsalin ng alak nito.

"Pare, ang shakit shakit, dhi ko matanggap nha...... nha ang babaeng minahal kho ng higit sa buhay ko...... ay iiwan ako sha mishmong araw ng kashal namin." pahayag uli ni KM na di mo mawari kung iiyak o nagpapakatatag lang, o lasing lang talaga.

"Pare, kaya mo yan, sa una lang yan siguro masakit." di siguradong pahayag naman ni AV na bagong dating lang din.

"Pare, you have to move on, she's not worth it for you, and I told you, hindi mo pa oras para iwan ang pagkabachelor mo... di ba mga pare?" pagpapalakas naman ni RE kay KM at sabay tanong sa mga iba pang kaibigan nila.

"Ano ba.... ano ba nagawa kong mali sha kanya, I just love her with all my heart, nagpakatino ako para sha kanya, but how can she did this to me?" bulalas ni KM sa mga ito at..... "God knows Pare..... hindi ako hadlang sha mga pangarap nya, if she want to be a top model in a whole whole world I can help her, at susupurtahan ko shya.... why pare... Why?" tanong nito sa mga kaibigan nito sabay tungga ng laman ng bote ng alak.

KENNETH MARK FUENTABELLA "THE MONSTER BUSINESS TYCOON" THE RCKADZ BOYS SERIES 1Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt