FIVE ACE'S

12 1 2
                                    

PASENSYA NA SA PAGHIHINTAY SA UPDATE NANG KWENTONG ITO AKO PO ANG CO-AUTHOR NI MR.YASUY. SANA PO MAGUSTUHAN NYO KAHIT PO NA AKO NA ANG MAGTUTULOY NANG MGA KWENTO NYA. H'WAG PO KAYONG MAG-ALALA SYA PA RIN PO ANG NAGSASABI KUNG ANO ANG MANGYAYARE. MAY KONTING IDEA KO
LANG PO.

...Miss Stalker signing in...


Third Person's POV,

"Ang dami naman may plano ka bang lumayas?."

"Hindi naman po. Tito bakit ang daming estudyante dito?"

"Ahh may challenge yata ang mga batang yan."

"Challenge? Challenge saan?"

Hindi na nya hinintay ang sagot nang kanyang tito lumapit na sya sa mga estudyante.

"Hello, pwede bang maki upo?" tanong ni Cyan sa mga estudyante.

Hindi naka sagot ang mga estudyante dahil nagulat sila kung sino ang nasa harapan nila. Tumayo ang isang babae.

"Mr. Ikaw po ba ang author nang THE VAMPIRE OF CENTURY?" manghang tanong ng babae. Ngiti lang ang sagot ni Cyan at naupo na sya.

"Ano yung pinag-uusapan nyo? Parang importante eh."  tanong ni Cyan.

"Ahh wala po!"  sabay sabay na sagot nila kaya umalis na lang si Cyan.

Alam nyang may lihim ang mga estudyanteng yun. Bumalik ulit si Cyan sa counter kung saan ang tito nya na may costumer nang kausap. Matangkad ito at nakahoddie at limang pack ng  cream-o at limang pack din ng Fudgee bar ang binibili nya.

"Mahilig ka sa chocolate?"  tanong ni Cyan sa costumer kaya nilingon sya nito at tumango lang ito bilang sagot.

Hindi alam ni Cyan pero di nya maalis ang tingin sa lalakeng costumer. At biglang may babaeng lumapit sa costumer at kinausap ito.

"Kasuieko bilisan mo na at nababaliw na naman si Roy."

Hindi sumagot ang costumer at kinuha na nito ang binili nya. Parehong lumabas ang dalwa.

"Uy! Ito na yung Fudgee bar mo ginawa ko na yang 15pack."  nakangiting wika ni Val sa pamangkin.

"Salamat po tito, sige po baka po matagal tagal din pong di ako makakapunta dito."

Lumabas na si Cyan at tahimik na naglalakad, tumingin sya sa langit at dinama ang ihip nang hangin at nabigla sya nang maramdaman nyang parang may bumangga sa kanya at nakita nya ang isang babae na pinupulot ang gamit nito sa daan. Tumulong sya sa pagpulot at may napulot syang pulang sobre na may kaparehong tatak sa sobreng meron sya. Bigla na lang hinablot nang babae ang sobre at umalis na.

"Salamat hah!!"  sigaw ni Cyan

"Maganda sana panget ngalang ang ugali." wika ni Cyan sa sarili.

************************************************

Someone's POV,

"Maghintay lang kayo at makikilala nyo na ang pangunahing character sa palabas natin." -uno

"Ang tanong ligtas pa ba na gawin natin to?"   -quattro

"Kung natatakot kayo maaring umalis na kayo dito." -dos

"Bakit ako matatakot isa rin ako sa nakaligtas sa impyernong ginawa nyo?" -tres

"Hmmm Tres alam naming ginawa mo lahat para lang maligtas kahit nga babaeng minahal mo napatay mo para lang makaligtas ka tama ako di ba?" -cinco

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE HOUSE of CRIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon