The Invitation

66 8 29
                                    

Dedicated to
Aadyalee

(the owner of the fictional character of BREE)

PAALAALA:
HINDI PO ITO HORROR STORY KAYA WAG PO KAYONG UMASANG MATATAKOT KAYO. H'WAG RIN PO KAYONG UMASANG MAIIHI KAYO SA TAKOT.

Bree's POV,

Kakakaibang sobre ang nakuha ko sa mailbox namin. Isa syang pulang sobre. Binuksan ko at binasa.

Miss Aadya Bree Saito, iniimbita ka namin sa aking bahay. Sanay paunlakan mo kami........

Hindi ko tinapos ang pagbabasa dahil ang weird, bakit iimbitahin ako sa bahay nya at hindi ko sya kilala. Tinapon ko sa buntunan at nakita ko itong nasunog. Pumasok na ako sa loob ng bahaya gagawin ko pa ang mga bagay na lagi kong ginagawa.

Cyan's POV,

Tapos ko na isulat ang book2 nang The Vampire of Century. May inabot sakin si Marius na itim na sobre, kinuha ko sa kanya at tiningnan kung kanino galing. Pero nabigo ako tanging pangalan ko lang ang nakita ko. Itinabi ko muna sa drawer ng lamesa ko ang itim na sobre. Pinag-aayos ko muna ang mga gamit ko para makauwi ako ng maaga. Makalipas nang dalawang oras papauwi na ako nakasakay ako sa kotse ni Marius at bigla akong may naalala

"Naku!"

"Anong problema Cyan? May nakalimutan ka ba?" tanong sakin ni Marius.

"Oo nakalimutan ko ang itim na sobre na nasa drawer, hindi ko oa nga nababasa yun eh."

"Ano? Balikan natin?" tanong nya sa akin.

"H'wag na bukas ko nalang babasahin.

Sagot ko kaya tumuloy na kami sa bahay at dumertsyo na si Marius papauwi sa kanila.

Kasuieko's POV,

Nasa bahay ako at kasama ko sina Heaven at Jun Roy. Nakaupo lang ako sa sofa habang nanonood ng paborito kong palabas. Nakita ko si Jun na pumasok at may hawak na kulay gray na sobre at gray na papel dahil binabasa na nya ito umiiling pa.

"Ano ang iniiling-iling mo dyan Roy?" tanong ni Heaven sa kanya. At kunuha ni Heaven ang papel na hawak ni Jun at iniabot naman ni Jun ang sobreng gray sakin at para pala sa akin ang sulat.

"Teka! Mga ewan kayo eh. Akin pala yang sulat pero binabasa nyo na. Akin na nga yan." pagrereklamo ko.

"Asus, akala mo naman napaka bigdeal neto." wika ni Jun. Iniabot naman sakin ni Heaven ang kulay gray na papel.

"Sus h'wag kang umasang may makukuha kang impormasyon dyan. Wala naman nakasulat eh." wika niya, at kinuha ko na ang papel at blangko nga ito. Pumunta na si Heaven sa kusina at si Jun naman ay umakyat na sa kwarto. At tiningnan ko ang blangkong papel at nagulat ako sa aking nakita. Unti-uting lumalabas ang letrang nakasulat sa gray na papel. Dali-dali akong umakyat na sa kwarto ko at kakaiba ang nararamdaman ko sa bawat salitang lumalabas sa papel. Tiningnan ko ulit ang sobre at hinahanap ko kung sino ang taong nagbigay ng sulat. Pero wala akong nakita tanging pangalan ko lang ang nakalagay. Naghahalo ang nararamdaman ko, kumuha ako nang ballpen at minarkahan ko ang box na may nakasulat na YES. Pagkatapos ko markahan yon, may lumabas na salita

Welcome ka na sa aking bahay. Hanapin mo ang iyong kapalaran mamatay o mabuhay?

Nang mabasa ko ang nakasulat bigla akong natakot pero naeexcite din ako.

Third Person's POV,

Nasa loob na nang kwarto si Cyan at nakahiga sa kanyang kama nang maalala nyang may tinago syang Fudgee bar sa drawer nya kaya bumangon na sya at binuksan nya ang drawer. Nagulat sya sa tumambad sakanya. Nagtataka sya dahil alam nyang naiwan nya ito sa drawer ng lamesa nya sa opisina. Pero bakit nandoon na sa drawer ng kwarto nya. Kinuha nya ang itim na sobre at binuksan kinuha nya ang itim na papel at binasa nya ito.

Mr. Cyan Shitto iniimbita ka namin sa aking bahay. Sanay paunlakan mo kami. Dahil dito sa aking bahay makikilala mo ang totoong ikaw.

Hindi na nagdalawang isip pa sya kumuha na sya nang ballpen at minarkahan na nya ang box na may nakasulat na YES. Nagulat nalang sya sa nasaksihan ng kanyang mata. Nag iba ang pakiramdam nya sa nakita dahil may salitang unti-uting lumalabas sa papel na hawak nya, binasa nya ang nakasulat.

Welcome ka na sa aking bahay. Hanapin mo ang iyong kapalaran mamatay o mabuhay?

Pagkabasa ni Cyan nito ay bigla syang napangiti. At dali-dali na nyang inayos ang dadalhin nya dahil sa loob ng tatlong araw ay pupunta na sya sa bahay na tinutikoy ng sulat......

******************************

Natapos na ni Bree ang mga ginagawa nya. May nakita sya sa lamesa na ikinagulat nya. Hindi nya mawari ang nangyayari. Dahil nandon sa lamesa ang pulang sobreng sinunog nya kanina pero nasa lamesa na ngayon. Kinuha nya ang pulang sobre at binasa nya nagulat si Bree sa kanyang nabasa. Sa buong buhay nya ngayon palang sya nakaramdam nang ganong takot. Kung ano ang nakasulat sa papel na kinatakutan ni Bree ay sya lang ang nakaka alam. Ang tao ay mahirap takutin lalo na kung ito ay lumaki sa brutal na pamumuhay. Ganitong klaseng buhay ang kinalakihan nya nakapatay na sya pero iba ang nararamdaman nya ngayon. "Hindi ako 'to. Hindi ito si Bree bakit ako natatakot sa isang sulat lang." Wika nya sa sarili tinungo nya ang chimney at sinunog nya ang pulang sobre at nakita nya itong naging abo. Nang makita nyang nasunog na pumunta na sya sa kusina para kumuha ng makakain nya. Nang makabalik sya sa lamesa ay lumaki ang mata nya sa gulat dahil sa nakita nya sa lamesa. Nandoon ulit sa lamesa ang pulang sobre. Hindi na malaman ni Bree ang nararamdaman nya. Batid nya ang panginginig ng kanyang tuhod. Hindi nya maisip kung totoo to. Naiisip nya na baka may nantitrip sakanya o baka nababaliw na sya. Kinuha nya ang sobre at itinapon sa chimney at nakita nya na nasunog ito. Nang tumingin sya sa lamesa nandoon ulit ang sobreng pula. Dali-dali kinuha at sinunog ulit pero halos ilang ulit nyang ginawa yun ganun parin ang nangyayari bumabalik parin ang pulang sobre sa lamesa. Halos mabaliw sya sa kakaisip kung paano bumalik sa lamesa ang pulang sobre. Hanggang sa nagsawa na sya at binasa nya ulit ang sulat. Biglang nanginig ang kamay nya nang mabasa nya ang nakasulat sa pulang papel. At iba na yun sa unang nabasa nya.

Maari kang tumakbo pero hindi ka makaka pagtago sakin, at hindi ka maaring tumanggi sa aking alok. Dahil sa ayaw at gusto mo tatanggapin mo ang alok ko sayo.

Hindi na makagalaw si Bree dahil sa nabasa nya. Hindi na sya tumutol kaya. Pupunta sya sa bahay na tinutikoy ng sulat.

******************************

Kinabukasan araw ng miyerkules ay pumunta na si Cyan sa convenience store ng tito nya para bumili ng Fudgee bar. Nang makapasok sya sa loob ay napansin nya ang mga estudyante na nakatambay sa loob at may seryosong pinag-uusapan. Tumungo lang sya sa counter dahil nandon ang kanyang tito.

"Ano atin Cyan? Napadalaw ka?"

"Pabili po ng Fudgee bar, yung chocolate."

"Oh, ilan? Naubusan kana ba nang stock sa inyo?"

"Meron pa naman po. Bigyan nyo ako nang sampung pack ng Fudgee bar."

"Ang dami naman may plano ka bang lumayas?."

"Hindi naman po. Tito bakit ang daming estudyante dito?"

THE HOUSE of CRIMEWhere stories live. Discover now