Nagising ang lahat ng members dahil sa sigaw na narinig nila mula sa labas ng dorm.

' Si Noona na ba yun ? '- tanong ni DK kay Seungkwan.

' Baliw. Matagal pa uwi ni Noona ! '- sabi ni Seungkwan sabay hampas ng unan kay DK.

' OY BUKSAN NYO NA ! '

' Sino ba yun ? Ang ingay ! '- sabi ni Woozi sabay takip ng unan sa mukha.

' Baka sasaeng fan lang. Wag na nating pansinin '- sabi ni Seungcheol sabay yakap kay Jeonghan. Magkatabi kasi silang natulog. Mga malalandi !

' MGA TSONG MAAWA KAYO BASANG-BASA NA AKO ! '

' Mga gunggong ! Si Noona na yan ! Buksan nyo na yung pinto ! '- sabi ni Wonwoo sa mga ka-members nyang nakahilata pa.

' Ikaw na ! '- sabi ni Mingyu.

' Ayoko '- sabi ni Wonwoo sabay higa ulit.

' Tss. Ako na nga ! '

Napatingin silang lahat kay Vernon at Joshua na sabay nagsalita.

' Awkward '- bulong ni Hoshi kay DK.

' Uhm .. sige hyung ikaw nalang '- sabi ni Vernon kay Joshua.

' Hindi sige. Ikaw na '- sabi ni Joshua sabay higa ulit.

Napabuntong-hininga si Vernon bago sya nagpunta sa pinto para pagbuksan si Milk.

--

Milk's POV

Bakit sila ganito sakin ?

Kung ano-ano na ngang palusot ang sinabi ko dun sa Manager nila para pauwiin na ako dito tapos hindi nila ako pagbubuksan ng pinto ?

Alam kong pwede naman akong sa apartment ko nalang dumeretso pero kasi naiwanan ko yung susi ko sa CR nila nung naligo ako dun nung isang araw.

Okay, ako nang tanga.

Mukha na kong basang sisiw dito sa tapat ng pinto nila. Medyo nanginginig na din ako. Ang lakas kasi ng ulan eh.

' Hala Noona, bakit basang-basa ka ? '

Nabuhayan ako ng loob nang marinig ko yung boses ni Vernon.

Napatingala ako at nakita ko syang nakatingin sakin at mukhang nag-aalala.

Pero seryoso, ang bobo nung tanong nya.

' Sobrang init kasi ng sikat ng araw eh kaya nabasa ako '- sarcastic na sabi ko.

Tumawa lang sya tapos ginulo yung buhok ko tapos hinila nya ako papasok ng dorm.

' Anyare sayo Noona ? '- salubong samin ni Jun.

' Nahulog sa swimming pool '- sabi ko tapos dumeretso ako sa banyo nila tapos kinuha ko na yung susi ng apartment ko.

' Bakit ang aga mong umuwi Noona ? '- tanong sakin ni Dino.

' Pinilit ko yung Manager nyo na pauwiin na ko dito. Sinabi ko sa kanyang kailangan daw ako ni chairman kahit hindi naman '- sabi ko habang nagpupunas ng buhok gamit yung towel na inabot sakin ni Jeonghan.

' Ang baliw mo Noona '- sabi ni Minghao.

' Sya yung baliw Minghao, hindi ako '- sagot ko.

Minsan di ko na din malaman kung ano bang nilaklak nung Manager nila at napaka-childish. Ang alam ko mga nasa 25 or 27 na yun eh. Pero kung umasta parang bata.

MILK / seventeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon