Part 13

82 31 16
                                    



"ARE YOU sure you wanna do this?" naniniguradong tanong ni Ken sa kanya.

"Oo naman. Talo ako 'di ba? At marunong akong tumanggap ng pagkatalo kaya tatanggapin ko rin ang parusa." Desididong saad niya.

Nasa loob na sila ng cottage room nila. Pagkatapos ng 'karera' nila sa swimming ay dumeretso na sila doon. Sa kasamaang palad nga ay natalo siya.

Ginawa niya naman ang best niya. Pero wala talaga siyang binatbat kay Ken. Napakabilis nitong lumangoy. Pagkatapos nilang lumangoy ay saka lang nito sinabi sa kanya na pambato pala ito ng coach nito sa swimming class sa mga swimming competition sa Amerika. At lagi itong champion. Ano ba naman ang laban niya doon? Masyado kasi siyang mayabang hindi niya muna itinanong ang swimming history nito. 'Yan tuloy, talo siya.

At siyempre dahil talo siya ay siya ang tatanggap ng parusa. Siya ang mag-i-striptease. Kailangan niya ng gawin iyon baka magbago ang isip ni Ken at cash prize nalang ang hingiin nito sa kanya. Eh, wala nga siyang pera 'di ba?

"But—"

Itinulak niya na si Ken paupo sa sofa at tumayo siya sa harap nito. Bibilisan niya nalang ang pag-i-striptease para hindi siya masyadong makaramdam ng hiya. Meron na siyang napanuod na babaeng nag-i-striptease sa TV at 'yon na lang ang gagayahin niya.

Dahan-dahan na tinanggal ni Marie ang butones ng suot niyang short. Mamasa-masa pa iyon dahil kakagaling lang nila sa dagat. Lahat naman ng saplot niya ay basa pa at ganoon din si Ken. Nang maibaba niya ang zipper niyon ay ibinalik niya ang tingin kay Ken at kitang-kita niya ang sunod-sunod na ginawang paglunok ng binata kaya nagkaroon siya ng kumpiyansang tama ang ginagawa.

Unti-unti niyang ibinaba ang shorts ng hindi inihiwalay kay Ken ang paningin. Ganoon din naman si Ken na tutok na tutok ang mga mata sa kanya at para bang hindi na kumukurap, na tila ba natatakot ito na 'pag kumurap ito ay mawala siya bigla.

Nang sa wakas ay mahubad niya na ang shorts niya ay isinunod na ni Marie ang suot niyang pang-itaas na t-shirt. Dahan-dahan niya rin na hinubad iyon at inihagis kay Ken. Ngumiti lang ito at itinabi sa gilid ng sofa ang t-shirt niya.

Halos hubo't-hubad na si Marie at tanging panty at bra na lang niya ang natitirang saplot sa katawan pero nakapagtataka dahil hindi siya nakakaramdam ng kahit na anong hiya sa katawan. Bagkus ay parang nagugustuhan niya na ang ginagawa at nag-iinit lalo ang pakiramdam niya.

Dahil nakikita niya kung gaano ka-init ang pagkakatitig ni Ken sa kanya, na para bang inihahatid nito sa pagitan ng tingin nito kung gaano nito sinasamba ang nakikita. Aminado naman siya sa sariling wala siyang dapat ikahiya.

Balingkinitan kasi ang baywang niya at malaki ang puwet niya. Malaki rin ang boobs niya na kinaiingitan ng mga kaibigan niyang si Rhian at Ella. Lagi nga siyang inuudyukan ng mga ito na mag-bold star na lang siya kung gusto niyang magkaroon ng instant na pera. Na lagi niya lang tinatawanan dahil kahit kailan wala sa plano niyang maging bold star. Mas gugustuhin niya pang magkandakuba sa pagta-trabaho kaysa magbilad ng katawan sa telebisyon para kumita ng pera.

Para tuloy siyang sinasapian ng kung anu-anong sensasyon sa mainit na pagtitig ni Ken sa kanya. Pati siya ay nag-iinit na rin ang pakiramdam. At parang nag-uudyok sa kanyang ituloy ang ginagawa. Na siya ngang ginawa ni Marie dahil isinunod niya ng hubarin ang suot niyang bra. Nang tumambad sa mga mata ni Ken ang mga dibdib niyang wala ng saplot ay tila ba sinilihan ang puwet nito at napaangat iyon sa sofa pero dagli din itong umupo ulit doon. Nakikita niya rin ang butil-butil na mga pawis sa noo nito. Hindi na maikakaila sa mga mata ni Ken ang apoy ng pagnanasa sa kanya. Para lalo pa itong pag-initin ay hinawakan niya ang suot niyang panty dahil iyon na ang isusunod niyang huhubarin.

Ngunit bago pa man niya iyon naibaba ay biglang tumayo si Ken mula sa sofa. Hinila nito ang comforter mula sa kama, inilang hakbang lang nito ang distansiya sa pagitan nila at ipinulupot nito sa buong katawan niya ang comforter.

"Enough, Marie. Please go, get dress before it's too late." Puno ng kumbiksyon na saad nito at tinalikuran na siya. Hindi niya alam kung siya ba ang pinagsasabihan nito o ang sarili nito ang kinakalaban nito.

Walang lingon-likod na dere-deretso na itong naglakad palabas ng cottage room nila, kahit tinatawag niya ang pangalan nito.

Naiwan siyang napatulala at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

Bigla siyang nakaramdam ng panghihina kaya napahigpit ang kapit niya sa comforter na tila ba doon siya humuhugot ng lakas.

Ano'ng nangyari?

Umalis ba si Ken dahil nadismaya ito sa nakita? Pero imposible dahil kitang-kita niyang lumiliyab sa pagnanasa ang mga mata nito habang nakatingin ito sa halos hubo't-hubad niyang katawan kanina.

Hindi kaya umalis ang binata dahil natatakot ito na kapag ipinagpatuloy niya pa ang ginagawa ay hindi na nito mapigilan ang sariling lapitan siya at angkinin? Dahil sa hitsura ni Ken kanina ay kulang na lang ay sunggaban siya nito at ikulong sa mga bisig nito para angkinin ng paulit-ulit.

Nanlulumong napaupo nalang si Marie sa sofa at niyakap ang sarili.

Hindi niya alam kung bakit pero nanghihinayang siya dahil handa na sana siyang ipagkaloob ang sarili sa binata ng mga sandaling iyon.

RENDEZVOUS Trilogy Book 1 (COMPLETED) (MarieandKen) Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα