Part 9

82 32 4
                                    



"JUST take a deep breath and relax. Saglit lang, 'to! Lilinisan ko lang ang sugat mo sa ulo at papalitan ng gasa."

Lihim na napangiti na lang si Marie habang hinahayaan si Ken na linisin ang sugat niya. Ilang ulit na kasi nitong sinabi ang mga katagang iyon at para pa siyang bata na pinagsasabihan nito.

"Why are you smiling?" Puna ni Ken sa kanya. Bahagya pang nakausli ang nguso nito na para bang batang inaapi.

"Wala." Natatawang saad niya. "Natatawa lang kasi ako sa'yo, Ken. Paulit-ulit ka kasi. Kanina mo pa kaya paulit-ulit na sinabi iyan."

"Well, you can't blame me. Sinisiguro ko lang po na hindi ka masasaktan sa paglilinis ko ng sugat mo. So stop making fun of it."

"Okay, po. Noted." sagot niya habang pinipigilang kumawala ang pinipigilang tawa.

Ngayon naman ay para siyang bata na sinsermunan nito. Ayaw man niya pero naku-cute-an siya sa inaaakto nito.

Nanatili na lang siyang tahimik at hinayaan ito sa ginagawa nito, baka mapikon pa ito sa kanya at iwanan siya nito. Mawalan pa siya ng poging nurse.

Malapit sa noo ni Marie ang sugat niya kaya gadangkal lang ang layo ng mga mukha nila ni Ken sa isa't-isa.

Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon na titigan ng husto ang mukha ni Ken sa malapitan. Talagang guwapo ang binata kahit saang anggulo tingnan. Bigla tuloy siyang nahiya sa sobrang kinis ng mukha nito. Wala na yata itong pores.

Sobrang tangos rin ng ilong nito, ang haba pa ng pilik-mata nito na bumagay sa kilay nitong malago. Ngayon niya lang din napansin na kulay brown pala ang mga mata ng binata.

Bumaba ang paningin niya sa mga labi nitong mumula-mula at parang nang-eenganyo na halikan niya iyon—Naipilig niya ang ulo. Kahit siya ay nagulat sa itinatakbo ng utak niya. Diyata't pinagnanasaan niya na yata si Ken!

Bago pa man nakaiwas ng tingin ay bumaling si Ken sa kanya kaya huling-huli siya nitong nakatitig siya sa mukha nito, partikular sa mga labi nito.

"A-ah— Paano mo pala natutunan 'tong mga ganito? Dati ka bang nurse?" Pag-initiate agad ni Marie ng topic para makalusot siya sa pagkahuli ni Ken sa kanya habang nakatitig siya sa mga labi ng binata. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil nabubulol pa siya sa pagsasalita.

Natawa si Ken mukhang naaliw sa kanya, pinigilan niya naman ang sariling mag-blush sa pagkapahiya.

"Hindi naman kailangan maging nurse para matuto kang maglinis ng sugat. I was alone in America while I was studying." Malungkot na saad nito. Nag-iba ang facial expressions ni Ken. Parang bigla itong nalungkot. "Kaya natuto akong mabuhay mag-isa. I got to cook my own food. Wash the dishes, do my own laundry. At gamutin ng mag-isa ang mga sugat ko, walang nag-aalaga sa'kin sa States, 'pag may sakit ako."

Biglang nakaramdam ng simpatya si Marie sa binata. Ramdam niya kasi ang lungkot sa bawat katagang sinasambit nito.

"Bakit ka ba kasi nag-aral sa Amerika? Puwede naman sa Pilipinas. 'Yan tuloy nagtiis ka pang mabuhay mag-isa doon. Ang lungkot kayang mabuhay mag-isa."

"It's my Dad's command. Kailangan ko daw magpakadalubhasa sa ibang bansa para mapatakbo ng maayos ang mga negosyo namin dahil ako lahat ang magmamana niyon. He didn't even ask me if I want to inherit his business in the first place. I feel like a puppet, sunod-sunuran lang sa kagustuhan niya."

Napapalatak si Marie. Kahit naman pala sobrang yaman na ni Ken, hindi naman pala ito masaya sa buhay nito. Problema kasi sa mga mayayaman pinu-problema kung paano pa mas yumaman. Kaya tuloy nakakalimutan ng maging masaya.

"Hayaan mo na. At least nandito ka na ulit sa Pilipinas. Makakasama mo na ulit ang pamilya mo. Makakasama mo na rin si Dianne." Pangongonswelo niya na lang sa binata. Para gumaan-gaan ang loob nito.

Kaya naman pala atat na atat itong makita si Dianne ay dahil gusto lang nitong sumaya. Hindi niya alam kung bakit may kumirot sa puso niya sa realisasyong iyon.

Tumangu-tango lang ito at ipinagpatuloy ang paglilinis ng sugat niya.

"And that's it. We're done." Nakangiting saad nito pagkatapos mapalitan ang gasa niya sa ulo at sa paa.

"Salamat." Nakangiting saad niya.

Masaya siya dahil nagkakaroon sila ni Ken ng pagkakataong makapag-usap ng ganoon, walang bangayan. Chill lang, at masaya pala itong ka-kuwentuhan.

Ibig kayang sabihin nun ay napapatawad na siya ni Ken sa kasalanan niya rito?

"Ken, pinapatawad mo na ba ako sa kasalanan ko sa inyo ni Dianne? Friends na ba tayo, gano'n?" Hindi na napigilang saad ni Marie. Hindi kasi matahimik ang loob niya.

Kinabahan siya ng natigilan si Ken at tumitig sa kanya. Nakagat niya ang ibabang labi. Mali yata ang timing ng tanong niya. Siya naman kasi masyadong taklesa.

Para naman siyang natanggalan ng tinik sa dibdib ng mayamaya ay unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ni Ken.

"I'm getting there." Nakangiting saad nito habang hindi hinihiwalay ang tingin sa kanya.

Napangiti rin siya. At least!

Saan naman papunta iyon kundi magiging friends din naman sila sa bandang huli? Napahawak siya sa dibdib dahil parang tumututol ang puso niya sa isiping magkaibigan lang sila ni Ken.

Ipinilig niya na lang ang ulo at iwinaglit iyon sa isipan. Masyado lang siguro siyang nadadala ng emosyon niya kaya ganoon ang nararamdaman niya.

Siguro nga.




RENDEZVOUS Trilogy Book 1 (COMPLETED) (MarieandKen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon